KETH'S POV
Pagdating namin sa aming tinutuluyan ay napansin naming nagkakasiyahan sila. Gising na si Knox, gusto ko siyang yakapin ngunit pinigil ko ang sarili ko.
Narinig ko kasi sina Gabe at Jeff na nag uusap about kay Knox, tanga ko lang at hindi ko napansing gusto pala ni Jeff si Knox.
Yeah, masakit sa akin kasi parang nagugustuhan ko narin siya pero for friendship, ill sacrifice..
Siguro napansin din nila na seryoso ako kaya nagseryoso narin sila matapos kong alukin sila ng pagkain. Siguro nagtataka sila dahil bumalik na naman ako sa dati pero who cares? Anyway.. Naglalakad na kami patungo sa pupuntahan namin.. At mahigit 8 oras narin kaming naglalakad, wala naman akong narinig na hinaing nila kaya napatingin ako sa likod ko at nakita kong kanya kanya ang ginagawa nila.. While me and Jeff are walking peacefully..
Tumigil ako, kaya napatigil rin sila.
"Pahinga muna tayo, alam kong pagod na kayo" wika ko at napayess silang lahat maliban kay Knox na umupo sa isang lilim ng puno at inilabas nito ang isang dahon at hinipan ito. Ang ganda sa pakiramdam. Para bang tinatanggal nito ang sakit na nararamdaman mo? Ang pagod mo? Nakakarelax.
Nang tignan ko ang mga kasama ko ay nakangiti silang nakatingin kay Knox, habang nakapikit naman ito.
Bigla siyang napatigil sa ginagawa niya. Siguro naramdaman din niya.. Isang mapanganib na aura ang nararamdaman ko ngayon..
"Wow, impressive. Iyan ang gusto ko sa mga babae" biglang may nagsalita ngunit hindi namin nakikita. Napacold ng boses niya at parang galing pa sa hukay. Brrrr.. Tinalo pa niya ako
"Looking for me eh?" Tanong nito sa kanyang walang kabuhay buhay na tono at tumawa pa, bat ganoon? Nakakainis ang tawa niya? Grrr~
Biglang may nagpakitang lalaki na nakacloak at hindi nakikita ang kalahati ng mukha niya. Biglang nagsidatingan ang limang kasama niya.
"Oh natameme ata kayo?" Mapanganib na tanong niya.
"Sinu bang kausap mo?" Inosenteng tanong ni Knox, ano ba naman ito, bakit siya sumagot.
"Ikaw, know what?, i like you" cold na boses niya napatanga kami, shit! Bakit si Knox pa? Napacuss kaming lahat.
"Sorry old man, but im not into relationship with monkeys, better find another prey" nakangising wika niya.
"Youre interesting. Ikaw lang ang sumagot sa akin ng ganyan." Wika nito habang nakangisi.
"Well, there's always a first time for everything, and dont be full for yourself, who knows it might bring you loosing" wika ni Knox at tumayo na..
Bigla nalang sumugod ang mga kasama ni Mr. Pamysterious kaya lumaban na kami. Ughhh, bat parang ang lalakas nila?
Nakita kong nagtititigan lang ang dalawa, im pertaining to that guy and Knox. Well kung wala silang balak na maglaban thats good, dahil hindi ko talaga siya matutulungan. Kaya Ifinocus ko ang sarili ko sa kalaban namin ni Sandy..
"Ughhhh!" Hiyaw ni Sandy ng matamaan siya ng black ball nila.. Magaling sa mga tactics si Sandy.. Napansin kong ganoon din si jeff.. Ano bang problema nila? Its not time for playing! Bigla akong natamaan ng black ball sa braso ko kaya napahiyaw ako ng konte.
Tumalsik ako malapit kina knox at nakita kong naglalaban na sila.. Ang lalakas ng tama ni Mr. P. Isa siyang lightning user ngunit may kasama itong itim na mahika. Marami naring sugat si Knox.
"Shit!" narinig kong wika ni Knox na napatingin sa akin..
"Huy Keth, tulungan mo sila."
AUTHORS POV
"Huy Keth, tulungan mo sila." sigaw ni Knox na nagpabalik sa katinuan ni Keth. Kaya tumulong narin siya.
Natalo na nina Cass at Lei ang kalaban nila ngunit nanghihina na sila. Sina Dave at Jake naman napuruhan narin sa braso nila ngunit nakikipaglaban parin.. Sina Jeff at Sandy ay wala ng malay. Sina Mel at Gabe naman ay natalo na ang kalaban nila.
Si Keth nalang ang may kalaban at dalawa pa sila.. Pinalabas niya ang Dragon niya at ito ang kumalaban sa isang dark user habang kinakalaban naman niya ang isa.. Pinatamaan niya ito ng lightning fire blazer at natamaan sa tagiliran ang kalaban niya bigla nalang may sunod sunod na ice blades and shurikens kaya natalo ito..
Tinulungan narin nina Keth at Knox sina Dave na nanghihina na rin.. Bigla nalang nawala ang anim na iyon at napahiga nalang si Knox sa pagod.
Pinagaling ni Mel sina Jeff at Sandy.. Samantalang sina Gabe, Dave at Jake naman si Keth at sina Cass at Lei naman kay Knox.
KNOX' POV
Nagkanya kanya kami ng panggagamot sa mga kasama ko. Then I healed Mel and si Keth na nakapikit habang nakasandal sa may puno.
"Uh-?" Hindi natuloy ang sasabihin ni Keth dahil nagsalita ako.
"Gagamutin lang kita." wika ko at ngumiti. Poker face lang naman niya akong tinignan. Hayyy.. Pagkatapos ko siyang gamutin ay naglakad ako palayo sa kanila at humarap sa may batis.
Sinu kaya ang lalaking iyon? Pamilyar kasi ang presensiya niya sa akin at ang kapangyarihan niya. Could it be? No no no. A big NO.. Hes not bad, i know that.
*sigh* tinignan ko si Keth at nakapikit ito, samantalang iyong iba ay nakatulog. Namingwit nalang ako para may makain kami mamaya. Nakakuha ako ng apat na malalaki ring isda at walong maliliit.. Okay na siguro ito? Then nanguha rin ako ng prutas tulad ng bayabas, mangga, yung parang star ang shape na green at nagiging yelow pag hinog? Tsaka isang yellow na hindi ko alam ang pangalan then bumalik na ako sa kung saan ko sila iniwan at gumawa ng bonfire.
Inihaw ko narin ang mga nabingwit ko at nagsimula ng kumain.. Nakatulog parin sila ei. Nagbasa nalang ako habang kumakain ng bayabas..
Nakakatatlong pahina na ako ng maramdaman kong may nakatitig sa akin.. Si Jeff..
"Why?" Tanong ko at nag iwas siya ng tingin then tumayo ito at pumunta sa harap ko at kumuha ng isda.
"Nothing, what happened a while ago?" Tanong niya at nagkibit balikat lang ako at tinuloy ang pagkain ko at pagbabasa..
Alam kong nakatitig siya sa akin dahil nararamdaman ko pero hindi ko nalang binigyan ng pansin. Nakakatamad kasi minsan ang magbasa ng isip or makinig ng mga thoughts kaya binablock ko ang ability kong iyon.
Sometimes iniisip ko kung bakit ganon magisip ang ibang tao? hayyy, yaan na nga magbasa nalang ako. Mas marami pa akong malalaman.