KNOXNandito kami ngayon sa burol kung saan nakalibing sina Mommy at Daddy. I miss them, i miss them so much. Words cant describe how much i miss them.
I remember the time we are playing together.
*******
"Princess, wake up na. We will have our bonding today, remember its saturday." Nakangiting wika ni Mommy habang ginigising niya ako."Mommy, oopps. Hindi pa ako nagmumog Mom.." Wika ko at tumakbo papuntang Cr. Narinig ko namang tumawa si Mommy. Ang ganda ng tawa niya.
"Goodmorning nga pala Mom and I miss you so much. Give me 20 mins to prepare love you" sigaw ko mula sa Cr at narinig kong sumagot si Mom ng 'Sure Princess'
Ganoon palagi tuwing Sabado at Linggo. Hindi ko man sila nakikita sa buong weekdays nanjan naman sila upang bumawi sa week ends.
"Good morning Princess, lets go" wika ni Daddy ng lumabas ako sa room.
"Sure Dad, I miss you!" Naglalambing na wika ko.
"I miss you so much Princess." Wika ni Dad at hinug niya ako.
Sa araw na iyon nagpunta kami sa isang parang paraiso. May talon, malinis na tubig. Maraming punungkahoy at hitik sa bunga. May mga bulaklak na mababango. Doon kami nagpicnic nina Mommy kasama ang iba naming mga Maids.
It was the happiest time of my life that day. Ngunit sabi nila na ang saya panandalian lang at totoo nga kaya habang may oras ka pa samantalahin mo na ito dahil hindi mo na alam kung anong mangyayari kinabukasan.
Masaya kami sa aming pag uwi at pinaplano naming doon ulit pumunta sa susunod na week end ngunit hanggang doon nalang pala iyon. Wala ng susunod pa.
Kinabukasan bago pumatak ang araw may mga nakaitim na nilalang ang biglang nagpasabog sa bahay at nakita ko kung pano nila pinatay sina Mom at Dad ng walang kalaban laban.
Hinahanap nila kina Mom ang lalaking nag ngangalan ng James. Hindi nagmakaawa sina Mom at Dad bagkus hiningi nilang patayin nalang sila. At nong hindi sinagot nina Mom ang panghuling tanong ng lalaki ay pinugutan nila ng ulo ang Dad at Sinaksak si Mom sa Dibdib. Napasinghap ako ng malakas at napatingin sa akin ang lalaking pumatay sa kanila.
"Hanapin ang anak nila at patayin" wika ng lalaki sa isang malalim at mapanganib na boses.
Nakatayo sa may pinto at iiyak ng tahimik ngunit nagulat ako ng hindi nila ako nakita. Akala ko nakita ako ng mamang lalaki dahil parang nakikipagtitigan siya sa akin. Hindi ko makakalimutan ang kulay gray niyang mata at ang marka sa may pulso niya na parang bungo.
Ang bigat sa dibdib na wala man lang akong nagawa upang protektahan ko sila. May kapangyarihan nga ako ngunit hindi ko naman sila naligtas. Napakabuti nilang magulang ngunit sinamantal ng lalaking iyon ang kahinaan ng mga magulang ko.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, naiinis ako dahil wala akong nagawa noon. For petes sake! 15 na ako that time at naka apat na mission na ako na matagumpay samantalang hindi ko nailigtas ang mga magulang ko.
Ipinapangako ko na maghihiganti ako. Maghihiganti ako sa pumatay sa inyo Mom, Dad.
Pinunasan ko ang luha ko.
"Nay tara na po. May mga bisita pa ako" wika ko kay NaNay kaya umuwi na kami.
"Pagkauwi natin magpahinga ka na huh? Baka magkasakit ka pa" wika ni nanay Jaky.
"Wag kayong mag alala sa akin nay. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Namiss talaga kita Nay. Buti nalang at nakawala ako kay Tita May." Wika ko
"Mabuti naman kung ganoon. Nag alala ako sa iyo Anak. Ang tagal ka rin naming hinanap." Malungkot na wika niya.