Pagkatapos ng Class Leveling ay nagtungo na ako sa dorm ko at nag ayos ng dadalhin.. Isang back pack lang naman ito at ang laman ay isang pares ng damit at ang mga kakailanganin ko doon.
Biglang may nagmeow sa likod ko.
"Mimi, bat ngayon ka lang nagpakita? Namiss kita ei." Wika ko at niyakap si Mimi.
"Mahal na prinsessa, mag iingat ka sa misyon niyo dahil maaaring ipinapahamak ka ng Headmaster o ipapahamak ka ng mga kasama mo"
"Teka, bat naman nila ako ipapahamak? Tsaka Prinsessa na naman?" Tanong ko nman.
"Basta Prinsessa ang itatawag ko sa iyo. Hindi ko alam mahal na prinsessa ngunit maging alerto sana kayo, wag niyong gagamitin ang kapangyarihan niyo dahil baka malaman nila agad na ikaw ang hinahanap nila. Paalam, mag ingat ka po" wika nito at bigla nalang nawala.
"Hayyyy, ano na naman ba itong susuungin ko? Nako naman oh! Sabi ko na ngang lie low muna ei! Kainis" wika ko at kinamot ang aking batok.
Nagtungo kami sa opisina ng headmaster at bigla nalang nag iba ang inutos niya.
Nagbago ang isip ng Headmaster at ang mga bato na ang hahanapin namin. Bato ng mga elementalist. Ngunit isasabay namin ang paghahanap sa invisibility user. Hayyy, bakit ba niya ipinapahanap ang mga iyon?? Pero ayos lang iyon dahil makakapunta pa ulit ako sa Mundo ng mga tao! Hahaha.
Kumusta na kaya ang gangworld? Ang dalawang tinakasan ko? Si Headmaster? Si tita Maldz? Hayyy most important is ang mga kumupkop sa akin nung unang beses namin dito ni kuya.
Hindi ko na sila nadadalaw, hayyyyy.
"May problema ba Knox?" Tanong ni Lei.
"A wala, inisip ko lang kung ano na ang nangyari sa mga iniwan ko sa mundo ng mga tao" sagot ko at ngumiti nalang.
"Basta kung may problema ka, sabihan mo lang kami ni Cass ha? Wag kang mahihiya." Wika ulit ni Lei.
"Oo, nu ka ba wala ito noh, si Knox yata ito, walang pinoproblema haha" masayang wika ko.
"Tatawid na tayo papuntang mundo ng mga tao." Wika ni Keth at nagnod lang kami.
Tumawid na kami at after a while nakatapak na uli kami sa lupa.
"Ito ang pinakaayaw ko sa mga missions eh!" Naiinis na wika ni Lei.
Dahil nahihilo siya, napapangiti nalang ako.
"Matagal ka na bang tumatawid sa mga portals Knox?" Tanong bigla ni Cass. Kaya umiwas ako.
"Hayyy, nakakamiss talaga ang mundong ito." Nakangiting wika ko habang nakaspread ang kamay ko.
Nakita ko mula sa peripheral view ko na nagkatinginan sina Lei at Cass samantalang nakakunot noo naman ang iba.
Nagring ang phone ko. Ngunit nagpatuloy parin kami sa paglalakad.
"Hello?" Tanong ko. Ngayon ko lang nahawakan ulit ito.
"Hello mo mukha mo! Hoy san ka nagtago ng mahigit isang buwan ha? Tang ina mo pinag alala mo ako ng husto!-" inilayo ko ang phone sa tenga ko. Ang lakas ng boses niya ah!
"Hep hep! Hoy bruhildang babaita! Kasalanan mo kaya kung bakit ako nawala! Kapag nakita kita ihanda mo ang ulo mo dahil kakalbuhin kita!" Natatawang wika ko rin.
"Hey sweetie, wag mo namang ganyanin ang babaeng madaldal na ito, nag alala lang kasi siya sa iyo. Dahil hindi ka nag paramdam ng matagal" wika naman ni JM
"Sinung may kasalanan kung bakit ako hinabol ng babaing iyan ha? Sinu?" Tanong ko habang nakataas kilay. As if naman makikita nila iyon noh?
"He-he ako. Pero sorry na Knox. Magpakita ka na please." Pagmamakaawa ni JM