Mary Jane's POV
Hey it's MJ Olan. The pretty girl in town. Isa din sa makakapal ang mukha hahah charot pero makulit talaga ako. Nasa harapan ako ng klase, lahat sila seryosong nakatingin saakin. Halatang nag eentay sila sa gagawin kong pagpapakilala kahit alam kong kilala na nila ako.
Nasa likuran ko ung teacher's table, umupo ako doon at nagsimula na mag pakilala.
" Hello guys, I'm Mary Jane Olan, MJ in short. I'm 14 from FLD University." taas noo kong pagpapakilala.
" MJ What is your talent?" tanong ni Ms. Valchez
Natigilan ako nung mga oras na yon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nilibot ko sa buong classroom ang mga mata ko. Naghahanap ako ng pwede kong gamitin para sa talent ko. Natigil ang mata ko sa gitara malapit sa upuan ni Ms. Valchez. Nilapitan ko iyon at kinuha. Dinala ko iyon sa harapan at umupo uli sa teacher's table.
Ipinatong ko ang gitara sa hita ko at kinapa kapa ung mga strings. Bigla akong natigilan sa ginagawa ko. Naalala kong hindi nga pala ako maalam mag gitara. Tiningnan ko si Ms. Valchez. Tinapunan ko siya ng nagtatanong na mga tingin. Ibinalik ko ung gitara sa kinalalagyan niya kanina.
"MJ is everything ok?" Nagaalaalang tanong ni Ms. Valchez
" Umm miss, I forgot I don't know how to play a guitar." Seryoso kong sagot
Nagtawanan na ung mga kaklase ko. Pati tuloy ako nahawa na sa pagtawa pero may naisip nanaman akong kalokohan. Tumungo ako, pinatong ang ulo ko sa kanang kamay ko na parang may problema. Ung tipong may paiyak effect kahit trip mo lang un. Sumilip ako ng konti at nakita ko sa mga mukha ng kaklase ko ang pagaalala.
" MJ Is there a problem?" Nagaalala nanamang tanong ni Ms. Valchez
" Yes Miss there is a problem." Nakatungo paring sagot ko
" What the problem? You can open it to us if you want" Ani ni Ms. Valchez
" Miss I am in a family of Mentalist" Sagot ko at unti unti nang tumunghay
Ung mukha nila kaninang nagaalala napaltan ng pagkamangha. Ung mga mata nila dilat na dilat. Kung tutuusin gusto kong matawa pero NO NO NO. Mababasag ung trip na ginagawa ko. Kinuha ko ung phone ko mula sa bulsa ko. Ipinakita ko iyon sa mga kaklase ko.
" Guys can you see this phone?" Pagtatanong ko sa kanila
"Yes"
" OO"
"Hindi ba halata?"
" Phone ba yan? "
Yan ang mga sagot na nakuha ko mula sa kanila. Ung iba tumango lang.
" Can you see this phone is off. I'll open it with the use of my mind"
Lahat sila titig na titig. Itinaas ko ung phone ko na nasa kaliwang kamay ko. Ung isang kamay ko naman nakahawak sa sintido ko. Tiningnan ko ng diretso ung phone ko. May pa nginig effect pa ko para magmukhang totoo ung ginagawa ko. Ilang sandali binuksan ko na ung phone ko gamit ung daliri ko haha.
BINABASA MO ANG
Nerd turns to a Bad Girl
Teen Fictionwill the girl change? will the nerd love? will the nerd ask for revenge? Let's see ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- this is the first story of mine a...