lumapit sakin si unique para magtanong, "kayo na ni blaster?" bulong niya, ramdam ko yung init ng hininga niya sa leeg ko, "di pa--" "sasagutin mo?" at kinibit balikat ko nalang si unique. nilalapitan na pala ako ni unique these days, hihi.
"ah, okay, pwede ba ako kumain sa tabi mo?" sabi ni unique, nilalapit ang armchair sakin, "sabay ka samin ni blasty, kasi makikita tayo ni sir." pero di parin pinigilan si unique ng sinabi ko sa paglapit ng armchair sakin.
"pahiram pen, naubusan ako ng tinta."
binigyan ko siya ng pen, "balik mo." akala ko, tama yung pagkarinig at pagkaintindi ni unique. "gusto mo akong bumalik?" "hindi. ibalik mo yung ballpen." sumimangot si unique at nagsulat.
"okay, so ipasa niyo 'yang activity niyo mamaya sa table ko," tumingin si sir sa relos niyo, "failure to pass by 11:35 am, will be marked zero." pweh, pinasa ko nga 'yan ng uwian, binigay lang sakin, minus 5 eh.
"okay, you may take your recess for 20 minutes."
***
"blasty~ sasabay daw satin kumain si unique." sabi ko habang niyayakap si blaster, baho ng pabango niya.
"ah okay, tabi ako sayo." sabi ni blaster. habang bumibili si unique ng kakainin niya, hinintay ko si blaster at unique habang nilabas ko ang pagkain ko. "kailan ko kaya siya makukuha uli-- ay mahal kita!" nakita kong nakangisi si unique. "talaga?"
hindi parin nawawala yung ngisi ni unique sa mukha niya kahit kiniss na ako ni blaster sa cheeks.
shet! baka narinig niya.
binulungan ko si blaster, "shet, narinig niya yata,"
"kasalanan mo, binuking mo lang sarili mo, hays."
"heh!"
"gusto mo namang makipagbalikan kay unique diba?"
"iwanan mo na ako," dagdag ni blaster.
i shook my head.
"ayoko eh!"
"ah so love mo ako?"
nakatingin na si unique samin, yung love mo ako part lang yung malakas, lahat bulungan lang. "of course!" nawala yung ngisi ni unique at tinapon ang pagkain niya. "kakawalang gana naman."
selos si unique~
at hindi na nya binalik ang ballpen ko saakin.
YOU ARE READING
pretend • blaster silonga
Short StoryA bitter broken-hearted who could not bear to move on forged a strange, play-pretend relationship with her ex's friend. It's expected for things to go downhill, but there are just some things we could never really predict. ° book one of two: prequel...