MaeZ POV
It's been a week since that night na kinausap ako ni Tito Yong. Tonight will be my Mom and Da's flight. Sa buong linggong iyon ay hindi kami nagpansinan ni Jared. Back to normal kami na parang hangin lang sila sa aking paningin. Although minsan hindi ko maiwasan na pagmasdan silang tatlo sa malayo kapag magkakasama sila.
Don't get me worng, hindi ako naiinggit sa kanila. Ginagawa ko iyon dahil minsan hindi ko maiwasan na hindi isiping baka ako ang pinag-uusapan nila. I might sound so paranoid pero hindi ko maiwasan at hindi niyo rin ako masisisi kung ganun man ang maramdaman ko. Because that's what they did to me before.
"Love, may kailangan akong sabihin sa'yo." Ani Justin sa akin one time he ask me to have dinner with him after their practice game. Nanuod kasi ako sa game nila after class.
"Ano yun?" seryoso ang pagkakasabi niya sa akin kaya siguradong mahalaga ang sasabihin niya sa akin.
"I want to say sorry dahil may malaki akong kasalanan sa'yo." Hindi ako nagsalita at hinintay ko siyang magpatuloy sa pagsasalita. "Nagsinungaling ako sa'yo."
"What do you mean by that?" hinawakan niya ang kamay kong nasa table.
"I want you to hear something but I hope maintindihan at mapatawad mo ako. And gusto kong malaman mo na totoo ang pagmamahal ko sa'yo."
"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin."
Binitawan niya ang kamay ko at kinuha ang cellphone niya. May hinanap siya dito.
"Bago pa lang ako sa team nung nagtransfer ako dito pero naging close agad kami ni Dwayne. One day ay lumapit siya sa akin kasama si ate Katie nyo." Hindi ko alam kung saan patutungo ang mga sinasabi niya. Nang sa wakas ay nahanap na niya ang kung ano mang hinanap niya sa kaniyang cellphone ay inilapag niya ito sa mesa. "Hindi ko alam nung time na iyon kung bakit nagawa kong irecord ang usapan namin. Maybe dahil may trust issues ako dati kaya hindi ako basta basta nagtitiwala na lang. Ilang beses na kasi akong napahamak dahil sa pagbabaliktad ng sitwasyon. Dahil wala akong proof ay ako ang napapasama."
Pinlay niya ang voice recording na nasa cellphone niya.
"Gusto namin na kaibiganin mo si MaeZ at kung kakayanin mo ay sana makagawa ka ng paraan para mapalapit siya sa'yo." Dinig kong sabi ni ate Katie. I know it was her voice dahil madalas namin pakinggan ang mga sarili naming boses sa isang recording kapag wala kaming magawang dalawa.
"Bakit ko gagawin iyon? Bro, ano to?" boses iyon ni Justin.
"Bro, in love ang kambal ko sa kuya namin. We need your help para matigil na ang kung ano mang nararamdaman ng kambal ko sa kaniya. Ang tanging naiisip lang namin ni Ate Katie para mangyari iyon ay ang maibaling sa iba ang pagtingin niya." That hits me, how did my brother knows about this? Did ate Katie told him? Well parang ganun na nga ata dahil magkasama silang kinausap si Justin.
Narinig kong tumawa si Justin bago muling nagsalita. "It's impossible. Ang kambal mo? Si MaeZ may gusto sa kuya Jared niyo? Nagpapatawa ka ba bro?"
"He's not joking. It's true. Kaya kami nandito ni Dwayne para kausapin ka. Sabi ni Dwayne ikaw lang daw ang kaya niyang pagkatiwalaan sa bagay na ito."
"Bakit ako pa? Eh marami naman siyang mga lalaking kaklase at 'yung mga kaibigan niyang mga babae may mga kaibigan ding mga boys. Why me?"
"Bro, may nakita ka na bang lumapit na ibang lalaki sa kambal ko maliban sa amin ni Kuya Jared?" ani twinnie. It's true, walang lumalapit sa akin na boys sa kadahilanang hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. Ang alam ko lang ay baka nahihiya lang talaga ang mga kaklase kong mga lalaki na lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with My so called Brother
Aktuelle LiteraturLumaki silang magkakasama at nagturingan na magkakapatid dahil na din sa mga magulang nilang magkakaibigan na simula pagkabata pa lamang. Paano kung makaramdam sila ng pagmamahal ng higit sa pagiging magkapatid? Paano nila ito lalabanan? Hanggang sa...