Kabanata 29

69 8 0
                                    

JARED DAVE CERVANTES (JDC)

Namulat ako sa marangyang buhay dahil sa mga taong nagpalaki sa akin. I was raise as the only heir of a Montecillo and Monterillo family and as an eldest son of Entrata-Barber family. At a young age ay nakatatak na sa utak ko na ako ang natatanging pag-asa ng mga naiwan ni Daddy JJ. Kahit pa nakilala ko na ang mga totoong magulang ko ay nanatili pa rin akong isang Montecillo at nagpapasalamat ako dahil hindi din naman ipinagkait iyon sa akin ng mga totoong magulang ko. Kahit pa may mas marangyang buhay pala ang aking totoong ama ay mas pinili niyang magpaalipin sa mga Barber kasama ang aking ina para lamang makasama ako.

Ang alam nila Mommy May at Daddy Edward ay mahirap ang buhay nila Nanay at Tatay na naging dahilan ng pag-iwan nila sa akin noon. Though totoo naghirap naman talaga sila noon dahil sa pagtutol ng mga magulang ng aking ama sa aking ina kaya mas pinili nila ang lumayo. Hindi nila ginusto na iwan ako pero ganun siguro talaga ang tadhana. May mga pangyayaring hindi natin hawak ang sitwasyon. Mga sitwasyon na kahit ipilit natin na gawin ang nararapat ay hindi natin magawa dahil sa ibang kadahilanan.

Habang lumalaki ako ay naging malapit ako sa mga anak ng Barber at tinuring ko na silang mga tunay na kapatid. I did my best to be the best brother ever lalo na sa nag-iisa naming prinsesa, si MaeZ.

Special treatment yan sa aming tatlo nila Katie at Dwayne. Katie is one of the boys kaya hindi kami ganun ka worried ni Dwayne pagdating sa kaniya unlike MaeZ na parang isang babasaging bagay na kailangan ingatan. I didn't know that because of our closeness and the treatment I'm giving her ay makakaramdam ako ng kakaiba para sa kaniya.

I was already in high school ng mapansin kong tila iba na ang pagtingin ko sa kaniya. I've been her protector sa mga batang nang-aaway sa kaniya. Ayaw ko siyang nalulungkot dahil tuwing nakikita ko siyang malungkot ay parang nasasaktan din ako. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Naiinis din ako kapag nakikita ko siyang masaya na hindi ako ang dahilan. Gusto ko ako lang palagi ang makakapagpangiti sa kaniya at ako lang dapat ang kailangan niya 'coz I am her knight in shining armor prince like she always say.

"Kuya, you're here na pala." Dinig kong sigaw niya galing sa taas. Tumakbo siya pababa ng hagdan at agad yumakap sa akin. Ganyan siya palagi, she's sweet and bubbly. "Hi!" Bati niya sa mga classmates ko. Idagdag pa natin ang pagiging friendly niya.

"Hi!" Bati din ng mga kaklase ko sa kaniya.

"Kuya, pupunta daw dito ang mga friends ko this weekend, nagpaalam na ako kila Mom and Dad."

"Okay, all girls ba?"

"Yeah, as if naman may kaibigan akong boys." Nagtaas pa siya ng kilay. Walang magtatangkang kahit sinong lalaki ang makipag-kaibigan sa kaniya dahil tinatakot namin agad ang mga ito. Bantay sarado siya sa amin ni Dwayne kaya puro babae ang kaibigan niya.

"Akyat ka na sa taas at may gagawin kami dito sa baba." Utos ko sa kaniya.

Sa akin na naman naka-atang ang pagbabantay sa kanila dahil nasa business trip na naman sila Mom and Dad.

"May maganda ka palang kapatid bro." Ani Jason, isa sa mga ka-klase ko.

"Ayan ka na naman sa ka-manyakan mo." Sabay batok naman ni Mark dito.

"Manyak agad? Nagandahan lang eh."

"Tama na yan. Halina kayo at ng masimulan na itong project natin. And Jason, off limits ka sa kapatid ko." Sabi ko.

"Ako bro, pwede?" Singit naman ng isa ko pang kaklase.

"Lahat kayo off limit."

Kahit bata pa kasi siya ay hindi halata ang kaniyang hitsura sa kaniyang edad. Maganda siya at maging ang hubog ng katawan nito ay unti unti ng makikita sa kaniyang murang edad. She's now in grade 5 at isang taon na lang ay tutungtong na din siya ng high school.

I'm in Love with My so called BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon