After makaalis ni Jared ay nagprepare na din ako ng aking sarili para pumunta sa school. Today ay kailangan kong magpresent sa prof. namin about my training. It's once a week kaya hindi ako madalas sa school dahil sa field na ako ngayon.Ang sabi sa akin professor namin ay kailangan nasa school na ako ng 10 am. I use my car para hindi na ako ma-late. Sasabihin ko sana kanina kay Jared na baka pwede akong makisabay pero hindi ko na itinuloy. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Hanggat maaari ay gusto ko na munanh umiwas sa kaniya eh. Blessing in disguise na lang itong pagiging busy namin pareho sa kaniya kaniya naming mga responsibilidad sa buhay para makaiwas ako sa kaniya.
I was supposed to go inside the University parking ng mapansin ko ang paghinto ng sasakyan ni Jared sa tapat ng gate at nakita kong bumaba doon si MaeZ. Hindi ko na sila pinagmasdan pa dahil baka mag-cause pa ako dito ng traffic kaya pinasok ko na sa loob ang sasakyan ko.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na si MaeZ na parang wala sa sariling naglalakad sa hallway. Naupo siya sa isang bench at parang malalim ang iniisip. Gusto ko siyang lapitan para makausap pero bigla naman may umakbay sa akin galing likuran.
"Hey, aga natin ah." ani Alex. He is one of my classmates. Barkada na din namin ito ni Jared since we were in H.S
"May presentation ako kay Prof. Manzano." wala lang sa akin ang pag-akbay nito sakin dahil bro code na namin ito. Sanay na ako. "Ikaw? Bakit nandito ka?" tanong ko din. Ang alam ko kasi ay dapat nasa field din siya ngayon. Magkaiba nga lang kami ng company na pinagtri-trainingan.
"Presentation din eh."
"So ikaw ang makakasabay ko ngayon?"
"Parang ganun na nga."
Sabay na kaming nagtungo sa office department para hanapin si Prof. Manzano. Nadaanan din namin si MaeZ na ganun pa rin. Parang tulala at ang lalim ng iniisip.
"Di ba 'yun iyong kapatid ni Jared?" tanong ni Alex habang palayo na kami kay MaeZ. "Bakit parang ang lalim ng iniisip?" dagdag nya.
Nagkibit balikat na lamang ako sa tanong niya. But deep inside me ay nagtataka din bakit parang wala nga siya sa sarili simula pa kaninang maglalakad siya papasok dito sa school.
"Maganda talaga siya. Kung hindi lang bata 'yun eh baka niligawan ko na." ani Alex na nakapagpatigil sa akin at tinignan ko siya ng masama. Kilala itong si Alex na playboy kaya hindi ako papayag na isama nya sa listahan si MaeZ.
"Huwag na huwag mong tatalohin ang kapatid namin bro kung gusto mo pang mabuhay." pananakot ko sa kaniya at this time ako na ang nakaakbay sa kaniya na halos masakal na siya sa pagkakaakbay ko.
"Ito naman, biro lang. Tsaka mas maganda ka naman dun noh." kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kaniya at humarap sa akin. Naglalakad siya patalikod dahil sa pagharap niya sa akin at ako naman paharap sa kaniya.
"Tigil tigilan mo ako Alex ah. Hindi tayo talo para madala sa bola mo."
"Hindi kota binobola. Sinasabi ko lang ang totoo. Kaya hindi ka pinapansin ng crush mo eh."
"Anong pinagsasabi mong crush dyan." lumapit ako sa kaniya at pinatalikod ko na siya sa akin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat nya at itinulak na siya sa paglalakad. "Wala akong crush at hindi ko kailangan magpaganda. Kaya bilisan na natin ang paglalakad ng hindi tayo malagot kay Prof."
Subalit sa halip na maglakad ay huminto siya at muli akong inakbayan. "Pero seryoso Katie, maganda ka kahit hindi ka mag-ayos. Tsaka, kung hindi ka man napapansin ng crush mo, ako pansin na pansin kita." dahil sa huling sinabi niya ay siniko ko siya dahil pinagtritripan na naman ako ng mokong na ito at hindi ako nagkamali dahil humagalpak siya sa pagtawa at hinila na niya ako papasok sa office.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with My so called Brother
General FictionLumaki silang magkakasama at nagturingan na magkakapatid dahil na din sa mga magulang nilang magkakaibigan na simula pagkabata pa lamang. Paano kung makaramdam sila ng pagmamahal ng higit sa pagiging magkapatid? Paano nila ito lalabanan? Hanggang sa...