Matapos akong hilutin ni Aling Bering ay pumasok naman sa aking silid si Jared na may dalang tray ng pagkain.
"Dinala ko na dito ang dinner mo para hindi ka na bumaba." aniya habang palapit siya sa akin.
Bumangon naman ako sumandal sa headboard ng kama. Naupo siya sa tabi ko at ipinatong ang tray sa side table.
"Salamat." sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Ayos ka na ba? Wala ng masakit sa katawan mo?" tanong niya.
"I'm fine. Konting pahinga lang at kaya ko na ulit bumangon at maglakad."
"Sure ka?" tanong ulit niya. Nabalisa ako ng haplosin ng kamay niya ang mga braso ko na para bang he's checking if I'm really fine. "Hindi na ba masakit ang balakang mo?" tanong niya habang ang kamay niya ay inilipat sa aking balakang. Sobrang lapit namin sa isa't isa dahil parang nakayakap na siya sa akin. Ang traydor kong puso naman ay sobrang bilis ng tibok sa simpleng pagkakalapit lamang namin ni Jared.
Umatras ako ng kaonti mula sa pagkakalapit niya sa akin kaya lumayo na din siya.
"I'm fine. You don't have to worry." sabi ko na lang at ibinaling ang pansin sa pagkain. "Pwede mo na akong iwan. Kaya ko na ito." sabi ko ng nakita kong tila kukunin niya ang pagkain para siguro ilapag sa kandungan ko.
"No, susubuan na lang kita. I miss taking care of my Baby Princess." aniya at inilagay niya ang tray sa kandungan niya. Nagsimula na siyang maglagay ng ulam at kanin sa kutsara at isinubo ito sa akin. Nagpaubaya naman na ako sa kagustuhan niya. Isinubo ko ang pagkain na kaniyang ibinigay. Aarte pa ba ako? Eh namiss ko din naman ang pag-aalaga niya sa akin. Noon pa man tuwing may sakit ako ay siya palagi ang nariyan upang alagaan ako. Kahit pa kasi napapagalitan na siya ay sinisuway niya pa rin sila Nanay Marie. Kapag may sakit kasi ako ay ayaw nilang lumalapit ang mga ito sa akin para daw hindi mahawa but knowing Jared, he never leave my side kahit pa mapagalitan siya.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang patulot siya sa ginagawa niyang pagsubo ng pagkain sa akin na siya na rin atang napansin niya.
"Why are you staring at me? May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling lang ako bilang sagot.
"Ah alam ko na. Namiss mo din siguro ako." ngiti lang ang iginanti ko sa kaniyang sinabi.
Tumigil siya sa pag-subo sa akin ng pagkain at mataman niya akong tinitigan. Isang titig na may nais iparating subalit hindi ko mawari kung tama ang aking intindi sa kaniyang mga titig. Nais ko siyang tanungin tungkol sa narinig kong usapan nila ni Dwayne subalit hindi ko ito maisatinig.
Umiwas ako sa kaniyang mga titig dahil hindi na kinakaya ng powers ko ang mga mata nito. Hindi ko akalain na kakayanin palang maipahiwatig ang isang pag-aalala at pagmamahal and at the same time nananantyang mga mata sa isang titig lamang.
It feels so good na nandito siya but at the same time it feels so awkward dahil sa pananahimik namin.
"Ahmmm...busog na ako. Pwede mo ng ilabas yung pagkain." sabi ko na lamang.
Agad naman siyang tumalima at tumayo na hawak ang tray.
"Magpahinga ka na. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako."
"I told you, no worries anymore. I'm fine at kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata."
"Yeah I know" aniya subalit mahina ang pagkakasabi niya nito.
Lumabas na siya ng aking silid kaya nakahinga ako ng maluwag. Naisipan kong tawagan sana si VJ pero it's already late. Baka tulog na siya.
I just keep myself busy sa pag-check ng emails ko. I saw an email from F&A. Tulad ng dati ay gusto nila akong mag-submit ng mga designs for their Christmas collection. This time they want a kids wear. This is new to me dahil usually ay mga gowns lang ang mga ginuguhit ko. I send them a reply bago chineck ang ibang accounts ko sa socmed. As long as hindi pa ako gaanong busy sa studies ay tumatanggap pa ako ng mga offers galing sa F&A but I told them that once I'll be get busy ay hindi na ako tatanggap pa ng mga offers.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with My so called Brother
General FictionLumaki silang magkakasama at nagturingan na magkakapatid dahil na din sa mga magulang nilang magkakaibigan na simula pagkabata pa lamang. Paano kung makaramdam sila ng pagmamahal ng higit sa pagiging magkapatid? Paano nila ito lalabanan? Hanggang sa...