An Open Letter To Those Who Love Unconditionally

194 7 1
                                    

1 Corinthians 13:4–8

4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

8 Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues,e they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.

I think...I think its been more than 5 years that I'm in love with her.

5 years that I’ve been patient...oo, subok na subok ang pasensya ko. Hindi dahil sa ugali mo kundi dahil sa sitwasyon mo.

May boyfriend ka. Mahal mo siya. Mahal ka niya. At masaya kayo.

Nakakainis kasi sa dami ng pelikula na napanood at mga kanta kong napakinggan, hanggang ngayon naniniwala  pa din ako sa mga tinuro ng mga 'yun. Tungkol sa mga soul mates...tungkol sa fate...destiny...God’s plan for you and maybe for us. Maybe hindi talaga fate kundi “faith” ang umiral sakin. Habang lumilipas ang mga taon na ‘yun, unti-unting nagbago ang pananaw ko sa buhay. Ang destiny ay naging coincidence. Ang soul mate ay naging close friend. Ang love ay naging hope. Umaasa ako...hanggang ngayon.

I was that person na hindi mahiyain at hindi din pala-usap. ‘Yung tipong kakausapin lang ako kung kakausapin mo ko at mangangausap lang sa iba kung may kaylangan talaga ako. Oo, medyo douchebag ang datingan pero alam mong wala naman akong intensyon na maging ganun. Ikaw lang naman kasi ang kumilala sakin. ‘Di ko naman kasalanan kung bakit naging ganito ang nararamdaman ko para sa’yo. Shit, nadadala na naman ako. Wala tayong dapat sisihin. ‘Yun na lang siguro.

Alam kong sinubukan mo lang maging friendly, kitang-kita naman sa ugali mo. Napapalibutan ka ng mga taong kaylangan ka hindi dahil sa mayaman, maganda or matalino ka kundi dahil kaylangan nila ang kasiyahan at liwanag na hindi mo alam na napapasa mo sa kanila. Oo, hindi mo talaga mapapansin ‘yun. At siguro ‘di ko din napansin na ‘dun talaga ako nahulog para sa’yo.
Nahulog ako sa mga ngiti mo...nahulog ako sa mga tingin mo...nakakainis kasi alam kong totoo ‘yung mga ‘yun. Nakakainis kasi alam kong wala kang ibang intensyon kundi mapakita mong masaya ka. Naiinis lalo ako sa sarili ko dahil sa mga panahon na ‘yun, iba na pala iniisip ko tungkol sa’yo. Iniisip ko na...bakit hindi ko maibalik ang nabibigay mo? Bakit hindi ko kayang maging masaya na lang para sa’yo? Para sa inyo? Ang walang iniisip na ganito...na walang nararamdaman na higit pa sa pagkakaibigan?

Hindi ko na din matandaan kung kaylan mismo nagsimula...ako pinilit kong maging normal ang araw ko hangga’t maaari. Papasok ako, makikita kita, babatiin mo ko, mag-uusap tayo...maya-maya ay sasama ka na sa mga kaibigan mo...maiiwan ako na mas masaya o alam kong buo na araw ko. Kinabukasan mauulit ang mga ‘yun, siguro minsan nadadagdagan ng kamustahan. Hanggang malaman natin na may mga bagay pala tayo na gusto naten pareho. Hanggang may biruan na nabuo na tayo lang ang nakakaalam at nakakatawa. Hanggang may mga panahon na tayo na lang ang magkasama sa mga lunch or breaks kapag wala ‘yung mga kaibigan. Minsan, sabay pa sa uwian. Iniisip ko tuloy ngayon...tangina, kaylan ba ko nagsimulang maghangad ng higit pa?

Oo nadala talaga ako. Hindi ko pinagsisisihan ‘yun.

Wala akong ibang pinagkwentuhan na kaibigan o kahit sa pamilya ko dahil alam kong mali. Mali dahil wala ka namang ginagawang masama. Kaya ko siguro nasusulat ‘to dahil alam kong nasa tama pa kong pag-iisip pero hindi ko na kayang itago pa  sa sarili ko ‘yung nararamdaman ko. Hindi mo naman kasi ako nilalandi. Alam ko hindi ka nakikipagfling o ano. Kasi putangina, ayokong pumunta dun sa part na ‘yun. Ayokong mawala ‘yung pagkakaibigan nating napakaganda. Fuck, its so pure, naiiyak na ko kapag naiisip ko pa lang na hindi mo na ako kakausapin or kikibuin man lang kapag pumunta ako beyond that line and its fucking thin line. Ayokong mawala ‘yun. Kaya pinipilit kong maging kuntento sa simpleng ganito.

English na rin pagmumura ko no. And again, you know me best.

Ako ‘yung tipong hindi nagoopen up basta-basta. Pero hindi din naman ako ganun ka-gago para hindi aminin na hindi ako mahilig sa chismis. Lalo kung tungkol sa’yo. Sinasabi nila na masyado daw matanda ‘yung boyfriend mo. Na kaya daw naging kayo kasi mayaman siya, may trabaho at kung san-san ka niya nadadala. Shit, di ko kayang gawin ‘yun. Hindi ko kayang ibigay sa’yo ‘yun. Hanggang sa mga cheap fastfood chains lang kita madadala. Hanggang mga doughnuts, chocolates at cakes lang kaya kong ibili sa’yo. Hindi ko kayang ibigay sa’yo ‘yung mga trip to Singapore, Hongkong o Malaysia. Hindi ko kayang ibigay sa’yo ‘yung mga roadtrip from Laguna to Bicol o kung san man ka kaya dalhin ng tangnang auto ng boyfriend mo. Hindi ko kayang magbigay na boquet na libo ang presyo o isurprise ka ng mga teddy bear na imported at mas malaki pa sa’yo. Ang alam kong kaya ko lang ay mahalin ka ng tunay o marahil lubos pa sa sarili ko.

Hindi ko na kinaya. Lalo nung kinasal ka na.

Nung araw na ‘yun, pinilit kong ibigay ‘yung ngiting binigay mo sakin nung mga nakaraang taon. ‘Yung mga tingin na kasiyahan lang ang pinapakita. Wala ng iba. Tanda ko pa nun nung naglalakad ka na sa altar...ilang beses kong pinilit takpan ang mga mata ko. Kasi walang humpay ang pagtulo ng luha ko nun. Ako dapat ‘yun, Ako sana ‘yun, Tayo dapat 'yung nandiyan. Tinaas niya ang belo mo, hinalikan ka niya...napapikit ako. Inisip ko kung gaano katamis ang halik na ‘yun habang inaaalala ko ang pagsabi mo ng “oo”. Isang oo na gusto kong marinig...pero ayokong tanungin.

Mas bihira na ang mga pagkikita natin after nun pero alam kong pinipilit mong makipagusap pa rin kahit ganun. Heto ako, nakapagipon na rin pero alam kong hindi ko mapapantayan ang yaman ng asawa mo. Siguro kaya na kitang dalhin sa ibang bansa, once or twice a year. Nakabili na nga ako ng sasakyan kahit secondhand lang. Siguro kahit from Laguna to Tagaytay madadala na tayo nito. Mapapakaen na din siguro kita sa mga restaurant na hindi nakakahiyang magdress up ng napakapormal. Baka nga mabigay ko na din ‘yung mga regalo sa’yo mostly ng asawa mo na mamahaling alahas o damit kahit sa anniversary natin, sana. Medyo natagalan man ako para maging ganto ako pero kita mo naman ‘di ba? Pinilit ko para mapantayan ko ang nabibigay niya sa’yo. Para kapag tinanong na kita...hindi ka na magdadalawang-isip na sumama sakin.

Sarap mangarap no? Naalala ko ‘yung pagsabi mo ng “oo” sa altar nun...medyo mangiyak-ngiyak pa. Ang pinipilit kong sabihin sa sarili ko nun, alam kong naooverwhelm ka lang sa mga pangyayari at marahil sobrang grateful na din. Kasal mo ‘yun eh. Heto na ‘yung taong makakasama mo habambuhay. Sigurado ka na ‘dun at sa tagal niyo, heto sa mata ng Diyos, iisa na rin kayo. At sa pagaalala ko nun, lagi kong naririnig ang boses sa isipan ko...paano kung mangiyak-ngiyak na “oo” na ‘yun ay pagsisisi pala? O siguro nasasaktan ka kasi wala akong ginawa sa tagal nating magkaibigan. O dahil kahit kaylan wala man lang pinakitang motibo o paramdam sa gusto kong mangyari...o siguro gusto mo din pala ako?

Ayoko. Ayokong isipin pero hindi ko mapigilan. Ayokong tanungin. Kasi takot akong mawala ka.

Ngayong magkakaanak na kayo at sa ibang bansa na ko magtatrabaho...babasahin ko muli ‘tong sulit na ‘to at titignan ko kung pareho pa rin ang mga magiging tanong ko sa sarili ko. Titignan ko kung pareho pa rin ang gusto kong itanong sa’yo. Minamal mo ba ako? Kung sasabihin kong mahal kita...mahahalin mo ba ako? Nasa point na ko na aakuhin ang anak niyo kung maghiwalay ako para satin. Kasi ganun kita kamahal. Kasi ganun ako kahanda isakripisyo ang lahat para sa’yo.

Hindi ko alam kung ilang taon ang lilipas. Hindi ko alam kung maaalala ko pa ang sulat na ‘to. Titignan ko  din kung pareho pa rin ang nararamdaman ko kung darating man ang panahon na ‘yun. At marahil heto nga talaga ang tatawagin nilang tadhana...kung mahal kita...mahal kita kahit gaano pa katagal ‘yun.

Mahal mo siya. Mahal ka niya. Mahal kita. Lubos pa.

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon