I always have this warm, fuzzy feeling kapag nakikita kita.
What do I remember is...
Ang preskong dampi ng hangin kapag namimisekleta tayo sa gilid ng lawa.
Ang tunog ng mga insekto at ang kapit ng salagubang sa braso natin.
Ang singaw ng lupa tuwing umuulan kapag nasilong tayo sa ilalim ng mga puno.
Ang init at ang sinag ng araw sa ating mga balat habang tayo ay naglalaro sa lansangan.
I will say again 'yung gasgas na linya ng mga millenials na "noon kasi walang mga gadgets kaya ang mga bata nag-eenjoy maglaro sa labas". I will admit though na hindi pala about sa laro 'yun ngunit kundi sa mga nakalaro mo. At kung magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon.
Funny, huh. How much time you spent with someone when you're kids but when grow up, you grow apart too. Damn, bakit ang hirap i-figure out kung bakit?
Maybe you went to a public school and I went to a private one. But no, magkapitbahay naman tayo and we're just the only kids on the block back then. Wala ka naman dinalang ibang kaibigan.
Think, think...what happened?
Yeah. What I remembered. Nag-away tayo nun kasi magkakaiba nga tayo ng school. Tanda ko pa nun binato mo pa ako ng putik. Then nalaman natin tae pala 'yung naibato mo. Nagtawanan pa tayo nun at nagkabati pa tayo. So, ano nga?
Mukha siguro akong creep sa pagtitig ko sa'yo ngayon. Madami namang tao as usual sa MRT so may cover ako. Anong station na ba 'to?
Ah...oo, naalala ko na. It was the time na mag-high school na tayo. I heard na magpaprivate school ka na din but I was going the other way; ako naman ang magpapublic. Fiesta nun sa lugar natin. At ang fiesta natin ay palaging ginaganap kapag summer. We're old enough para pumunta mag-isa sa peryahan. I didn't realize na hinahayaan na pala ako ng magulang ko na maggala mag-isa basta sa barangay lang natin. Siyempre, excited talaga ako nung magperya. Not thinking na makikita kita.
I don't know but it was so different back then. Ikaw din naman 'yun. Medyo tumangkad ka lang. Siguro oo, ngayong mas matanda na ko, naalala ko na lumalabas na mga asset mo. Pero hindi kasi 'yun ang napansin ko. May iba talaga sa ngiti mo nun. Or the way na nakalugay ang buhok mo pero sa isang side lang, maybe to show off na naghihikaw na. That's the first time I felt this warm, fuzzy feeling.
Ang amoy na bagong lutong popcorn.
Ang tawa ng mga bata sa rides at hiyawan ng mga matatanda sa mga sugal at laro.
Ang maliwanag na ferris wheel sa madilim ngunit mainit na gabi.
Yes, sumakay tayo nun. Wala ka namang kasama. Wala din akong kasama. We talked for a while and damn, bakit parang first time lang tayo nagkita at nagusap nun? You told me how you despised going to a private school dahil galing kang public. Baka madiscriminate ka or hindi makahanap ng kaibigan dun. While me, I shared kung gaano ako katakot nun pumunta sa public. But I had to because of financial problems. We shared the old jokes, old memories and laughed hanggang matapos 'yung ride. Then pagbaba natin, dumating na 'yung mga pinsan mo. Parang inasar pa nga tayong dalawa. Ngumiti lang ako at umuwi na.
Ngumiti lang ako hanggang pag-uwi. Iniisip ka. Para akong baliw nun.
Then high school went on. Hindi ko napansin ang panahon nun. Dun talaga ako nagkabarkada. Nagsaya. And di naman pala nakakatakot sa public. Natuto akong magcomputer, maglaro ng online games, maginternet then nadiscover kong gumamit ng social media. Funny thing again? Nung tinanong ako kung may gusto akong hanapin, ang pangalan mo agad ang naisip ko.
"Sunshine. Sunshine Villamor."
I was thinking it was a common name. Then I saw your profile picture. Unang tingin ko pa lang alam kong ikaw 'yun. Hindi kita in-add. Dinaga yata ako nun.
Then graduation came, college na. At katulad ng iba pang mga binata at dalaga sa edad natin, nakababad na ko palagi sa internet. Naghanap kung anong magandang course, kung saang school kakayanin ng magulang ko. I remembered you...again. Ano na kaya balita sa'yo? That's when I added you.
You were in a relationship. 'Yun ang una kong nakita after mo kong i-accept. Look at you. Ibang-iba na itsura mo. Hindi ko na makita 'yung batang babae na namamato ng tae. Hindi ko na makita 'yung sumama saking magbike, manghuli ng salagubang at magpaitim sa ilalim ng araw. And you looked so happy sa mga pictures niyo kasama ang boyfriend mo...kasama ang pamilya mo.
I wanted to have a chat with you. Strike a conversation. Hi, hello, hey. Kamusta ka na. Ano kuhanin mong course, saang school ka mageenrol. But I was smiling back then. Still. And the warm, fuzzy feeling was replaced by this black, gaping hole.
Wow. And I was staring at you the whole time na naalala ko 'yung mga 'yun. Nasan na ba tayo? Ah. MRT pa din. Here I am. Magpupunta sa interview. Fresh grad. eh. Kaw kaya? Saan ka papunta? Tanda mo pa kaya ako? Kilala mo pa ba ako? I want to talk to you. Hi, hello, hey...na-miss kita. Kahit updated ako sa mga posts mo. But I can't. I know the reason.
Then our eyes met. Shit, I was staring for too long. Pero eto na 'yun. Gusto ko lang malaman. Gusto ko lang masagot 'yung tanong ko kung tanda mo pa ba ako. Kasi tandang-tanda kita at hindi kita makakalimutan.
And you smiled at me. Inayos mo pa ang buhok mo at naalala ko na naman 'yung ngiti mo sakin nun sa peryahan. I felt the warm, fuzzy feeling again...na kumalat na ata sa buong katawan ko. I smiled back. At least I know. I smiled back bitterly. Sabi ko nga...gusto kitang kausapin, sabihin na namiss kita. Gusto kong makipagkwentuhan sa'yo. Gusto ko pang masagot 'yung mas marami kong tanong...gusto ko lang makilala kita ulit. Hindi sa social media ngunit sa personal.
"Mama, bababa na tayo!"
And I was back again. That's the reason. The reason I can't. Binuhat mo ang anak mo papalabas kasabay ang maraming tao. Humabol ako ng tingin and you bade goodbye to me. Kahit 'yung batang babae na buhat mo ay kumaway din sakin. I smiled bitterly.
Ang paglalaro at paglabas natin sa initan nun.
Ang pag-uusap natin sa perya at ang ingay ng fiesta.
Ang pagiistalk ko sa'yo sa social media tuwing wala akong magawa.
Lahat 'yun nangyari...every summer I have those memories. Summer romance? Haha. No. A romance maybe that I never had...and a dream that will never come true. This warm, fuzzy feeling every summer...ikaw lang ang makakapabigay sakin nun Sunshine.
![](https://img.wattpad.com/cover/143347253-288-kd6a016.jpg)