Kabanata 3
"Mommy!" tawag ni Rey nang makita niya ang Mommy niya na kalalabas lang ng bangko.
Nandito kami sa tapat ng bangko na pinapasukan ni Ehdrey ngayon. Binuksan ko kasi ang bintana nang makita kong papalabas na siya kaya agad na dumungaw doon si Rey at tinawag siya. Sabik na lumapit sa amin si Ehdrey dahilan para kalasin ko ang nakasuot na seatbelt sa anak namin. Pagkapasok niya rito sa loob dito siya tumabi sa akin sa tabi ng driver seat kung saan nakaupo si Rey.
Hinalikan niya agad si Rey sa magkabila nitong pisnge habang nagyayakapan silang dalawa. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila dahil sa tingin ko ganoon na talaga sila kahit nung wala pa ako sa piling nila. Ang saya nilang pagmasdan.
Nang bigla naman akong mapansin ni Ehdrey na nakatingin sa kanila kaya nginitian niya ako. Tapos no'n humalik siya sa pisnge ko. "I love you, Babe. Salamat pala sa pagsundo kay Rey gano'n na rin sa akin."
Hindi kasi niya inaasahan na susunduin ko rin siya ngayon. Ang akala niya si Rey lang. Ayon kasi 'yong napag-usapan namin kaninang umaga. Mabilis akong umiling matapos ay nginitian ko siya.
"No need to thank me, Babe. Katulad ng sinabi ko gusto kong bumawi kung ano man 'yong mga pagkukulang na hindi ko nagawa sa inyo noon. I love you too." Hinawakan niya ako sa kamay saka kami nagkangitiang dalawa. Tapos no'n masaya naming pinagmasdan si Rey na kasalukuyang naglalaro sa likod nitong kotse.
Nang biglang may kumatok sa bintana nitong kotse ko kaya binuksan ko. "Ma'am Ehdrey, nakalimutan n'yo po ang pouch ninyo," sabi ng babaeng katrabaho ni Ehdrey. Halata naman, kasi nga sa uniform nila.
"Thank you. Mabuti nalang at hindi pa kami nakakaalis."
"Welcome po ma'am. By the way, asawa n'yo po?" Pareho kaming napangiti ni Ehdrey nang itanong niya 'yon gamit ang pagtitig sa akin. Tumango lang si Ehdrey at hindi siya nagsalita. Malamang nasa isipan niya na hindi pa kasi kami divorce ni Sophia kaya tumango lang siya. Hindi niya masabing asawa niya ako ngayon.
Maya-maya pa tuluyan na kaming umalis do'n. Ibinilin nalang niya sa guard 'yong sasakyan niya dahil nga sinundo ko siya nang hindi niya inaasahan. Tinungo namin ang salas nang marating namin ang bahay. Agad siyang dumeretso ng kusina kahit hindi pa siya nagbibihis basta nalang niya ibinaba ang bag niya sa sofa. Sa tingin ko magluluto na siya.
Ang anak naman namin dumeretso ng kuwarto niya. Agad siyang nakapagbihis pero nang makita kong bali-baliktad ang suot niyang damit pinalapit ko siya sa akin. Nandito kasi ako sa sofa nakaupo. Hinubaran ko ulit siya ng pang-itaas niya saka isinuot ko muli sa kanya 'yon. Nakakatuwa lang pagmasdan silang mag-ina. Natutuwa ako kasi parang ganito na ang set up nila sa araw-araw simula siguro nung wala ako.
Pinalaki ni Ehdrey na marunong at matuto si Zyrey sa sarili niya.
Sa murang edad niya nagagawa niya ang mga ganitong bagay. Humahanga ako sa nagpalaki sa kanya at 'yon ay si Ehdrey. Hinalikan ko si Rey sa noo niya saka ko siya iniwang naglalaro sa salas. Minabuti kong puntahan si Ehdrey sa kusina, gusto ko kasing malaman kung may maitutulong ba ako sa kanya.
Kita kong nakatalikod siya at nakaharap sa kalan. Busy na busy siya habang sakop ang kahabaan ng lababo sa kusina. Tila hindi niya nga ako napansin na pumasok ako rito kaya minabuti kong mas lapitan siya.
BINABASA MO ANG
When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)
Romance(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si Zyren kay Ehdrey Mae, sa una nitong asawa, para sa kapakanan ng anak nito kahit masakit pa para sa...