Kabanata 5

3.2K 85 11
                                    

Kabanata 5


Asawa ko pa rin si Sophia pero ginusto ko ang ginawa namin ngayon ni Ehdrey. Pero sa tingin ko kasi nabastos ko siya dahil hindi pa kami divorce nakikipagtalik na ako kay Ehdrey. Unfair ba iyon para kay Sophia? Pero sa tingin ko ginagawa na rin naman nila ni Darren 'yon ngayon kaya dapat ko pa ba'ng isipin ang tungkol do'n? Ito ang desisyon ko kaya dapat mapanindigan ko.








Umaga na.








Pinagmamasdan ko lang si Ehdrey nang mamulat ang mga mata ko. Nakatagilid siya sa akin habang nakayakap kaya bahagya akong napangiti. Gumanda siya. Hinaplos ko ang mukha niya. Dinahan-dahan ko iyon dahilan para magising siya. "Good morning," nakangiti niyang bati sa akin habang may punong-puno ng paglalambing ang mga tinig niya.








Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at sinimulan kong muling hagkan ang labi niya. Tumugon naman siya kaya napapangiti ako habang ginagawa namin 'to. Naaakit ako. Muli akong umibabaw sa kanya. Mukhang mauulit ang pangyayari kagabi pero ito ang gusto ng armas ko.











Ramdam kong may sensasyon ulit sa pagitan namin. Mula sa labi niya nailipat ko ang paghalik sa tainga niya at unti-unti ko ulit tinitikman ang balat niya.











"I love you, Sophia."











Mas diniin ko ang paghalik sa leeg niya. "B-Babe, sandali!" bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa ginagawa ko sa kanya. Nagtataka akong nakatingin ngayon sa kanya.








"Bakit?" Halata ang pagkabitin sa mga mata ko.











"Ha? Ah, w-wala. Baka nagkamali lang ako ng pandinig."











"What?" Patuloy akong nagtataka. Ano 'yong sinasabi niya?











"Mommy, Daddy, I want to eat na po!" Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kuwarto nang marinig namin ang boses ni Zyrey doon mula sa labas.








"Amh, Babe, ituloy nalang natin mamayang gabi," aniya.











Wala naman akong magagawa kundi ang tumango at pigilan ang sarili ko dahil si Rey na mismo ang pumigil no'n. Baka nagugutom na ang bata. Mabilis akong umalis sa pagkapatong ko sa kanya. Tumayo siya pero humiga pa rin ako sa kama. Nagtaklob siya ng bathrobe matapos ay hindi na niya ako nilingon.











Ano'ng nangyari? May nagawa ba ako? Padabog kasi siyang tumayo. Nagtataka tuloy ako.










*****

NANDITO na kami ngayon sa kusina at sabay-sabay kaming kumakain ngayon ng umagahan. Pero ang pinagtataka ko pa rin hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako pinapansin ni Ehdrey.











"Babe..." sambit ko sabay hawak sa kamay niya. Ako na mismo ang unang kikibo kasi mukhang wala siyang planong pansinin ako. Pero kagaya nga ng hinala ko galit nga siya. Hinawi niya kasi 'yong kamay niya at itinuloy pa rin niya ang pagkain.











"Mommy, magkagalit po kayo ni Daddy?" biglang tanong ni Rey kaya pareho kaming napalihis ng tingin at wala man lang ang umimik kahit isa sa amin. "Mommy, sabi ni teacher bad daw po ang mag-away," muling sambit ni Rey kaya napayuko nalang ako.











Kita ko naman ang 'di maipintang mukha ni Ehdrey kaya kinausap niya ang anak namin. "Baby, ubusin mo na 'yong pagkain mo. Baka mamaya dumating na 'yong service mo bawal malate 'di ba?" Pero binago niya 'yong usapan. Naguguluhan tuloy ako. Hindi niya naman kasi sabihin kung ano ang ikinagagalit niya sa akin.











When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon