Kabanata 17

2K 55 5
                                    

Kabanata 17

"Chocolate? Chocolate? Nandito na ako," bungad ko kay Sophia nang makita ko siyang nakahiga rito sa hospital bed nang marating ko itong Hospital.



Hinawakan ko agad ang kamay niya at hinalikan ko 'yon.




Tulog siya at nung pinagmasdan ko siya, parang may pagbabago sa itsura niya. Parang pumayat siya at hindi nakakatulog ng maayos.




Umupo ako sa tabi ng kama habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya. Pero bakit? Ano ba'ng nangyayari? Parang napapabayaan na niya ang sarili niya. Hinipo ko ang noo niya pero wala naman siyang lagnat.




Ano'ng oras kaya siya magigising?




Hanggang sa lumipas nang lumipas ang ilang oras, hanggang sa inaantok na ako at nagugutom kaya nagpabili nalang ako ng makakain ko rito sa canteen nitong hospital. Dito na ako kumain sa tabi niya at dito na rin ako nagpalipas ng gabi. At di ko namalayan hanggang inumaga pa.



"Chocolate, gising na."



Parang may naririnig akong boses. Pinagtatawanan niya ako tapos parang pinaglalaruan niya ang mga daliri at ang tainga ko.



"Chocolate, ang cute mo talaga."



Damn it! Ang ingay! Gusto ko pa kayang matulog. Rinig na rinig ko ang mahina niyang pagtawa.




"Chocolate, bakit ang liliit ng mga daliri mo? Hahaha!"




At dahil naiinis na ako bumangon na ako matapos ay tinignan ko kung sino 'yong maingay.





"Yay! Gising na ang Chocolate ko!" tuwang-tuwa niyang sabi. Tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Napalundag pa nga siya but damn it! Mahuhulog kaming dalawa.




"Aaah!"




"Araay! Ang sakit!"




F*ck! Ang sakit ng likod ko. Parang nabalian yata ako.





Pagkatingin ko sa babaeng nasa dibdib ko si Sophia pala kaya hinayaan ko na. Wala na akong magagawa dahil nakadagan na kasi siya sa akin.





"Ma'am, okay lang po—" Sabay kaming napatingin sa kadadating lang na nurse kaya mabilis kaming napatayong dalawa.




"S-Sabay po kaming nahulog," natatawa niyang pagpapaliwanag do'n sa nurse habang nakayuko nalang ako at napasapo sa ulunan ko. Baka mamaya kung ano pang isipin sa amin. Pambihira!


Ilang minuto pa ang nakalipas, nakaalis na 'yong nurse kaya kaming dalawa nalang ni Chocolate 'yong nandito ngayon. Naghahanda na kasi siya para magdischarge. Pero ang kinagugulo ng isip ko, kagabi lang nakahilata siya sa kama at walang malay pero ngayon parang wala lang nangyari. Ang sabi hinimatay siya. "Sandali Choc— " Pero bago pa man niya ako pagsalitain inunahan na niya ako.





"Chocolate, bago ka mag-isip ng kung ano-ano riyan, 'wag kang mag-alala sa akin, okay? Okay lang ako. Malakas ako. Aksidente lang 'yong nangyari sa akin kahapon."



"Aksidente?"


"Umh." Tumango siya.




"Kung gano'n, bakit umiiyak ka nung isang gabi sa cell phone nung magkausap tayo? Isa pa, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"



Huminga siya ng malalim pero nakangiti. "Umh... kasi..." Napaisip siya. "Na miss lang kita?" patanong niyang sabi kaya napangiti ako ng bahagya.








When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon