Kabanata 26

2.7K 94 48
                                    

Kabanata 26


Jamie's Point of View

Higit dalawang oras din kaming nag-usap ni Bestie Ehdrey dito sa bahay nila ni Zyren. Alam kong kahit paano, nailabas na niya ang lahat ng bigat na nararamdaman niya ngayon.




Hanggang sa dumating na nga ang asawa ko at nakita naming karga niya si Rey na natutulog sa balikat niya kaya napatayo na kaming dalawa.





"Pinasyal ko siya kaya busog siya sa laro. Kinain ko na rin siya sa fast food kaya ito nakatulog na siya," kuwento ni Ezikiel nang lumapit siya sa amin. "Saan ba ang kuwarto ni Rey? Ako na ang magdadala sa kanya roon."





Tumayo agad kami ni Bestie Ehdrey at tinungo namin ang kuwarto ni Rey. Hiniga siya ni Hon sa kama niya at mahimbing na natulog.





"Ezikiel, salamat sa inyo ni Jamie,\" biglang sabi ni Ehdrey kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Hon. Nakatingin siya sa anak niya habang nakatalikod sa amin. "Kung hindi kayo dumating baka hanggang ngayon hinihintay pa rin niya ang Daddy niya."





Mabilis akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. "Bestie, nandito lang kami ni Ezikiel para sa inyo. Kung kailangan mo kami, tumawag ka lang. Isa pa, nandiyan naman ang anak namin and I'm sure magkakasundo sila ni Jairel. Ilang taon lang naman ang pagitan ng edad nila kahit pa babae ang anak namin."







Tumango agad siya kasabay ng pagngiti ng bahagya. "Salamat talaga sa inyo." Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko na rin siya habang nakatingin lang sa amin ang asawa ko.







"Wag ka ng iiyak, ha? Bukas babalik ako rito at isasama ko si Jairel para makapaglaro sila ni Rey at malibang siya."






"Oo, sige, thank you talaga."






"You are welcome, Bestie. Basta para sa inyong dalawa ni Rey."





"Umh, sige, okay naman na ako. Ginabi na kayo. Pasensiya na."





"No. It's okay, sinadya ka talaga naming puntahan dito," singit naman ni Ezikiel sa usapan.






"Umh, thank you ulit." Nagyakapan ulit kaming dalawa hanggang sa nakaalis na nga kami sa bahay nila.







Ozu's Point of View

"Dre, alas diyes na ng gabi. Kumain ka naman. Ito oh, kung ayaw mong pumunta sa restaurant binilhan ka na namin ni Cyrstal ng makakain." Umupo kami ni Crystal sa tabi niya at inabutan namin siya ng pagkain.






"Wala akong gana." Pero ayan 'yong sinagot niya sa amin habang nakayuko siya at nakapikit ang mga mata.





"Zy, kung hindi ka kakain, baka kung mapaano ka naman niyan. Ligtas naman na si Sophia kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala."







"No. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi siya nagigising." Nagkatinginan nalang kami ni Crystal sabay buntong hininga. Napailing nalang din ako at hindi ko na alam kung paano ko pa siya pipilitin na kumain.







"Excuse me, Mister Do?" Nang bigla kaming napatingin sa doctor dahil tinawag siya no'n. Mabilis kaming lumapit doon. Sinabi nitong kinakailangang bumili ng mga gamot sabay nag-abot ito ng reseta na kinuha naman ni Crystal.







"Ako ng bibili," sabi ng asawa ko at umalis na agad siya. Bumalik kaagad kami ni Zyren sa bench. Sa ngayon naman, napasandal siya at nakapikit ng mga mata habang hinihilot ang sintido niya.






When Our Destiny Breaks Apart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon