Carolina

51 7 1
                                    


Labag man sa loob ko ang matulog ng maaga ay kailangan. Nakakainis! Yan ang laging nasa isip ko tuwing pinapatulog ako ng maaga

Bakit nga ba? Di ko rin sila maintindihan kung bakit ba panakot nila sa akin-sa amin ay ang pangalang 'Carolina'

Sino ba yang nilalang na yan at palagi na lang binabanggit nila lola tuwing may mga bagay na hindi maganda.

Bukod sa pangalan ay wala na akong ibang alam sa kanya. Pake ko ba?

Kaya heto ako ngayon sa kama, nakatalukbong ang kumot at gising pa rin

Kinuha ko ang selpon at tinignan kung anong oras na.. 10:00 pm pa lang pala

'haaayyss'

Masyado pang maaga para matulog. Nagbasa na lang ako sa selpon ko

---

Di ko namalayan na 3:00 am na pala ng madaling araw!

Paktay! Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatalukbong ng kumot ko at dahan dahang tumayo. Nasa taas pa naman ako dito sa double deck. Baka magising yung ate ko sa baba

Pagkabangon ko ay hinanap ko agad ang charger sa bandang paanan ko. Pag kakuha ko ay dahan dahan naman akong bumaba.

Gamit ang ilaw sa aking selpon ay ginamit ko ito para mahanap ang extension. Pagkasaksak ko ng plug ay chinarge ko na nga ang aking selpon.

"Hmm" may narinig akong umungol kaya napalingon ako rito

Si ate lang pala. Lumabas muna ako sa kwarto at nagtungo sa banyo. Naiihi na kase ako.

Habang naglalakad ako ay binuksan ko ang ilaw sa may sala pati kusina.

Dumiretso agad ako sa banyo dahil di ko na matiis. Matapos mag banyo ay pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref

(O___O)

Pagkasara ko ay muntik ko na mabitawan ang juice na nasa pitchel matapos makita ang lola ko na nasa tapat ng hagdan at may upuan. Nakatalikod sya sa gawi ko ngunit alam ko naman na si lola ito. Natawa ako sa hitsura niya kase parang may binabantayan sya. Animo'y ayaw mag pababa

"Oh lola bat di pa po kayo tulog?" Tanong ko dito. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice

Habang umiinom ay hinihintay ko ang sagot niya. Pero di siya sumagot

(--__--)

'Wokkeeyy'

Pagtapos uminom ay binalik ko na ang juice sa ref at hinugasan ang baso na ginamit ko

"Lola matutulog na po ako.... Goodnight" yun lang at bumalik na ako sa kwarto namin ni ate

"Ang weird ni lola ngayon" bulong ko

Pinatay ko muna yung mga ilaw na binuksan ko at dahan dahan ulit na bumalik sa taas ng kama

Pagkahiga ko ay nakaramdam ako ng init.... Naiinitan ako!

Inabot ko yung remote ng aircon na nasa taas ng drawer at binuksan yung aircon

Sheezz! Ang init talaga. Kahit na mainit ay nag kumot pa rin ako

----

Kinabukasan ay maaga pa rin ako nagising. Mga 6:30 ay nagising na ako

Bumaba agad ako sa kama. Tulog pa rin pala si ate. dumiretso ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para mag agahan.

Nandon na halos lahat maski mga pamangkin ko. Kami na lang ata ni ate ang hinihintay

Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon