Batang Babae o Lalaki?

46 3 0
                                    

A/N: Itong chapter na 'to ay base in real life story. Nagikwento lang samin ng pinsan ko then I realized na medyo creepy, so yeah, naisipan ko'ng isulat dito

________

Lumipat ng bahay ang tita ko at nakahanap malapit lang sa bahay namin. Pinarenovate nila iyon dahil sira sira na ang floorings at mga dingding.

Habang niretenovate yun ay may nakita yung pinsan ko na pumasok sa isa sa mga kwarto, which is ang magiging kwarto niya. Nakita niya lang ay batang lalaki, sa pagaakala na baka pinsan lang namin yun ay hinayaan niya na lang.

After maipaggawa ang bahay ay nagdecide yung tito ko na lumipat ng bahay pero hindi ipagbibili ang pinarenovate na bahay nila dito instead dun tumira si lola. Lumipat nga sila sa Mindoro at doon nagpaggawa ng bahay, mas malaki kumpara sa una nilang pinagawa.

Then vacation came at dahil malayo sa mga kamag anak kaya lumuwas sila sa manila, dito sa amin.

Nasa kwarto nun yung pinsan ko, babae siya. Kagigising niya lang, nakahiga pa siya nun sa kama, sa kwarto niya nang may mapansin siya.

May babae sa bintana, inaninag niya daw yung mukha pero purong itim lang daw, no face just black.
Akala niya nung una ako yun pero sabi ko hindi.

Ilang araw ang lumipas ay may nakita nanaman siya. Kumakain daw sila ni lola nang may mapansin siyang pumasok na kulay black lang na galing sa pinto papunta sa kusina. Kaya simula nun ay lagi niyang sinasara ang pinto pag kumakain sila dahil nadidistract siya.

----
A/N: Ito naman ay sa isa ko pa na pinsan, nakwento niya rin
_____

Magisa lang siya sa kwarto at nag lalaptop. May wifi kase sa bahay ni lola

Habang nag iinternet ay may sumilip na bata sa kanya. Medyo nakayakap sa pinto at nakasilip

Akala niya daw ay isa sa mga pinsan lang namin. Kaya naman sinundan niya, pero nagulat daw siya ng wala namang ibang tao maliban sa kanya.

Pinabayaan niya na lang dahil aware naman siya na may iba pang nilalang doon maliban sa kanya

---
A/N: Eto naman ay nakwento ng ate ko, sa bahay pa rin ni lola ang ganap.
____

Mag isa lang daw siya nun doon sa may bahay ni lola at nakaupo siya dun sa isa sa mga upuan sa dinning area.
Napansin niya na magdidilim na at mag aalas sais na. Bigla na lang daw umangat angat yung page nung kalindaryo sa likod niya, nakasabit kase sa pinto.
Sabi niya daw "Wait lang, maya maya uuwi na ako" pagkasabi niya nun ay bigla na lang daw bumilis yung paglipat sa mga page.
Tapos narealize niya daw na hindi pala pwede kausapin ang mga "nilalang" na hindi naman nakikita. Kaya ayun umalis na daw siya at umuwi

---

Kapag nagkakasama sama kami na magpipinsan ay sa bahay ni lola kami natutulog. Yung tipong ang dami namin magpipinsan kaya nagmumukha kaming lata ng sardinas. Anyway, birthday nun ng pinsan ko kaya nagsamasama ulit kami

Kinagabihan ay natulog na kami pero yung isa ko na pinsan ay nagising, nasa kwarto siya ni lola, magkatabi sila. May naririnig daw siya na umiiyak, which is sa kabilang kwarto at yung katabi nung kwarto nila ni lola kung saaj kami natutulog.

Akala niya daw ako yun dahil iyakin ako (Dati, kase ako yung pinakababy nila, ako bunso dun.. haha lol ) pero sabi ko hindi naman ako umiyak

Kaya ayun, napuyat siya dahil sa iyak na naririnig niya

----
A/N: Eto muna yung last na kwento about sa bahay ng lola ko, kahit marami pa. Medyo nakakatawa na creepy kase to, ako na ang naka experience kasama yung dalawa kong pinsan, magkapatid sila
____

Nasa kwarto kami nun, tatlo lang kami. Magkapatid ang kasama ko, as usual ako nanaman mas bata

Nakadapa kami sa tiles at nakalapat ang braso sa unan at ako ang nasa gitna. Pinapanood nami yung isa ko na pinsan na naglalaro

Mayamaya ay bigla na lang may bumagsak sa paanan namin pagkalingon namin nung isa kong pinsan na babae ay napatakbo kami palabas sa kwart dahil nahulog yung manika nung tita ko at sakto sa paa namin.

Kaya ayun, laugh trip yung lalaki ko na pinsan na naiwan sa kwarto. Ang lakas nun makakita ng mga multo.

Dahil sa takot ay hindi namin binalik yung manika sa pagkakapatong sa drawer.

#IwishICanSeeGhost- lagi na lang kase ako umaasa sa experience ng mga kamag anak ko

Hahahahuhu Sana all may third eye

A/N: Guys!! yung kapitbahay na chapter ay may part 2 po iyon pero di ko pa siya tapos kaya ito na lang muna... hehe

Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon