Hospital

30 3 0
                                    

Hango ito sa tunay na kwento ng isang batang babae na  itago na lang natin sa pangalang Majinbu. Siya'y nakatira sa isang bayan sa Rizal.

-----

Nangyari ito recently lamang.


Pinakiusapan ako ng aking tita na magbantay sa pinsan ko na may sakit. Una pa lang ay ayoko sana magbantay kase ayoko ng amoy ng ospital at madali akong magkasakit, ngunit pumayag ako dahil nga ako na lamang ang libre at walang pasok sa amin.

Morning hanggang afternoon lang dapat ang pagbabantay ko ngunit inabot na ng gabi dahil hindi pa dumarating ang papalit at susunod na magbabantay.


 Around 9 pm ay nagpasya ako na kumain, hindi ko man lang napansin yung oras dahil sa pagbabasa. Nagpasya ako na pumunta na sa canteen ng ospital dalawang building ang layo mula sa kinauupuan ko. Habang papunta ay iba na ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa mga bintana ng mga kwarto ng pasyente na nadaraanan ko.

Ewan ko ba kung bakit ganoon yung pakiramdam ang hirap i-explain. Nagmamadali akong maglakad dahil na rin sa takot. Pagkapasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang maingay na canteen. Naghanap agad ako ng pwesto ngunit puno na sa baba kaya naman sa second floor ako umupo. Pagkarating ng in-order ko ay sinimulan ko na ito. Naghintay muna ako saglit sa loob pagkatapos ko kumain.

Sa aking paglabas ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at habang naglalakad pabalik ay may napansin akong gumagalaw sa gilid ko kaya naman lumingon ako rito at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakita ako ng bata na nagduduyan, ngayon ko lang napansin na may maliit na playground pala dito. Hindi ko na siguro nakita kanina dahil sa pagmamadali ko.

Nang lumingon ako sa batang lalaki ay diretso lang itong nakatingin at parang wala sa sarili. Siguro normal lang na may bata dito sa ospital dahil ospital ito para sa mga bata, pero ang nakapagtataka ay kung bakit sa ganitong oras ay nasa labas pa siya, kung pasyente ito ay dapat nasa kwarto niya na ito at tulog na. Kung hindi man ito pasyente ay bawal na dapat siya dahil ang visiting hours ay hanggang 5 o'clock pm lamang.

Sa tagal kong nakatingin sa kanya ay hindi man lang nag abalang lumingon ito sa akin kaya naman naglakad na ako palayo. Sa paglalakad ko pabalik ay nandoon nanaman ang pakiramdam na may nakatingin sa akin mula sa malayo, hindi naman sa pag a-assume pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Nang makabalik ako sa kinauupuan ko ay nagsuot ako ng jacket at tinuloy ang pagbabasa. Naging maingay sa may loob kung saan nandun din ang kamag anak ng ga pasyente kaya naman nagpasya ako na lumabas muna at iwan ang iba kong gamit. May mga upuan sa corridor at dun ako umupo, medyo madilim at walang nakaupo sa napakahabang upuan maliban sa akin. 

Matagal-tagal akong nakaupo roon at nagbabasa pa rin. Nilalamig na ako kaya naman naglakad na ako pabalik kung saan ako nag iwan ng gamit. Habang pabalik ay may sumalubong sa akin na security guard.

"Nakita mo?" sabi nito, Nung una ay hindi ko pinansi dahil baka iba yung kausap 

"Nakita mo ba Ma'am?" tanong ulit nito, thhis time sigurado na ako na ako nga yung kinakausap niya dahil wala naman ng ibng tao.

"Ang alin ho?" Tanong ko rin

"Yung bata, yung katabi mo kanina ma'am sa upuan doon" sabi nito sabay turo kung saan ako nanggaling

"Ano ka ba kuya, HAHAHA wag ka nga manakot, ako lang mag isa nakaupo doon kanina" sagot ko na medyo natatawa pa, pero naging salungat sa reaksyon niya ang reaksyon ko. Masyado siyang seryoso

"May pagala-gala kasi dto ma'am na bata"

"Pasyente ba kuya?" tanong ko

"Dati daw Ma'am, mahilig yun sa swing tumambay kaya doon siya madalas nakikita"

"Sige kuya, alis na ho ako" sagot ko. sheeez!! Kinabahan ako ng mga oras na yun kaya naman napalingon ako sa inupuan ko kanina sa corridor. Kaya siguro nag iba yung pakiramdam ko dahil may kasama na ako dun.

Pagbalik ko sa upuan ay nandoon na si Tita at yung isa kong pinsan na magbabantay. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari saakin at sabi ni Tita ay nakita niya na rin daw yung batang yun na nasa swing. 

Hindi nagtagal ay umuwi na rin ako kasabay ni Tita at naiwan naman yung isa kong pinsan na magbabantay. Nakatulugan ko no'n ang biyahe kaya naman nakalimutan ko ang pangyayari, ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari kahit ilang araw na ang nakalipas. 


W~A~K~A~S


A/N: Ngayon na lang nakapag update dahil sembreak hehehe thanks sa nag share ng story niya sakin. I owe you

FREE TO VOTE AND COMMENT


Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon