Chapter 3

3 0 0
                                    

#ODIHbestfriend

Sabado ngayon at dahil day off ko. Napagpasyahan kung pumunta sa tagaytay. Dalawang linggo narin ng makabalik na kami galing New York. Malamig ngayon kaya tatlong panloob yung suot ko. Hindi rin ako nawawala sa fashion or trend of the year. Bata palang ako mahilig na ako sa fashion kaya nga kumuha ako ng kursong fashion designer. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit Assistant Secretary lang ako e iba naman yung posisyong inaplayan ko. Siguro talaga ay nagalit din sakin yung mga magulang ni Jam. Malaki naman yung sweldo kahit Assistant lang ako. Nakakatawa diba kasi mas malaki pa sweldo ko kesa sa mga matataas na posisyon ng mga katrabaho ko.

I sat down on the bench near the shoreline when my phone vibrated. I unlocked the password and open the messages. 'Asan ka? Dito rin ako tagaytay. Huwag ka nang mag-isip diyan magkita tayo.' 😊 —Ivan Jeravech.

"Duda na talaga ako sa taong yun. Binabantayan ba niya ako?" I whispered to myself

"Nam! Hey. Taray naman neto. Ikaw na nga itong dinadamayan. Tsk tsk." Ivan said

"Dinadamayan?" I looked at him. "Ano bang pinagsasabi mo? At bakit ka nandito?!" Pagtataray ko pa.

"Bakit sayo ba tong tagaytay?" He smirked. "Andito ako, kasi nandito ka. You know you always have my back." Natatawa pa niyang sabi.

"Ewan ko sayo! at huwag mo nga akong binabara. Nakakainis ka!." at pinaghahampas ko siya ng dala kung bag.

Dinala ako ni Ivan sa paborito niyang coffee shop dito sa tagaytay. At dahil pareho namin gusto yung frappuccino sumama na ako. Umorder kami ng dalawang frappe at dalawa ring cheesecake. Natawa pa siya sakin kasi ako lang umubos ng dalawang cheesecake.

"Ganyan kaba ka sawi at gutom na gutom ka?"

sabi niya habang umiinom. Nginisihan ko lang siya. Nakatingin parin siya sakin. "Mas lalo kang gumanda. Bagay na bagay talaga sayo ang pangalang Nam." dagdag pa niya.

Pumunta ako ng bathroom at ganun din siya. Natapunan ko kasi ng kape. "Tsk! Kasalanan niya yun." sabi ko sa sarili habang pinupunasan ang mantsa sa White jeans ko.

Around 7pm nagpaalam na ako kay Ivan. Tinanong niya ako kung uuwi ba ako ng maynila o magsi-stay. Dahil wala rin akong plano umuwi ngayon nag-alok siya na sa kanila na muna ako tumuloy.

Bestfriend ko si Ivan simula pa nung elementary kami hanggang mag high school ay palagi kaming magkaklase. Bago kami mag graduate nung high school nagtapat siya sakin. Kaya nung nalaman ko yun ay lumayo ako. Hindi kasi matatak sa isip ko kung bakit kailangan mag level up. Okay naman kami sa kung ano meron samin.

"Okay ka lang? Tulala ka." pagbasag niya ng katahimikan. "H-ha? O-kay lang ako." I said with a fake smile.

"Sige diyan yung room mo. Pumasok kana muna. Puntahan ko lang si Mama sa office niya. Babalik ako. Bye.!" excited na patakbong umalis.

Malaki yung kwarto ko. I mean ito yung dati kung kwarto.

Sa sobrang tagal ni Ivan bumalik naligo muna ako. Habang nagpupunas ay biglang namatay yung ilaw.

"Oh my gosh!" Sabi ko habang kinakapa yung mga damit ko. Bigla kung naalala yung sinabi ng lola ni Ivan yung tungkol sa multo kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan ng biglang bumukas ito at ayun nawalan ako ng malay.

"Nam? Gising. Nam?" nagising ako sa boses ni Ivan.

"Ivan...." pagtawag ko sa kanya.

Napansin kung kandila lang yung nagbibigay liwanag sa malaking kwarto.

One Day it HappenedWhere stories live. Discover now