Puti

253 4 0
                                    

Magkikita tayong muli..

Matamis ang iyong mga ngiti,

Paalam na..

Sinabi mo sa akin bago ka lumakad,

Tumawa ka bago mo ako talikuran.

Oh aking kaibigan..





Sana'y hindi mo ako kalimutan,

Sa pag alis mo at sa muling pagbabalik mo,

Mahal kita aking kaibigan.

Ang mga alaala natin ay mananatili sa aking isipan.





Nais ko lamang ipabatid sayo kaibigan,

Para kang anghel habang nakapikit ka,

Ang ganda mo sa suot mong bestidang puti,

Habang nasa malaking kahon ka rin na kulay puti.






---

Reverse PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon