Pilipinas

44 0 0
                                    

Oh! kay sarap sa pakiramdam.

May gobyerno tayong may pakialam.

Kung may katotohanan mang,

Ang batas ay hindi patas.

Sa mayaman, isa kang mangmang.

Ang lahat ay ligtas dito sa Pilipinas.

Isang kahibangan na,

Ituring ang hustisya’y para lamang sa may kaya.

Mga bata, huwag kang papaloko.

Tandaan! huwag magpakatuta sa manggagantso. 

Sandali, ang sabi ko’y maging matalino.

Halina’t pumanig  sa gobyerno!



Reverse PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon