Pagsuko

270 3 0
                                    


Naging matagumpay ako,

Ito ako ngayon,

Iyon ang aking itinatak sa isip ko,

Dahil,

Ang totoo,

Wala ng pag-asa pa para sa isang katulad ko.





Suko na ako,

Titigil na ako,

Wala ng patutunguhan pa ito,

Tinuran ko noon,

Mananampalataya ako sa panginoon,

Na,

Kaya pa,

Laban pa.







Pero,

Habang tumatagal,

Lalo akong nangangatal,

Nagmumukha na akong hangal,

Kahit,

Nais kong magsalita ngunit wala akong tinig,

Para masabi ang aking damdamin,

Hindi,

Hindi ko na maiahon ang aking sarili sa hukay.




At,

Hahayaan ko nalang ako'y malugmok,

Hahayaan kong ako'y mabulok,

Sa kinasasakdalan kong kadiliman.

Kung akala niyo,

May natitira pa akong lakas,

Para harapin ang bukas,

Nagkakamali kayo.







Ngayon din ako'y tatayo.

Hanggang sa ako'y matauhan,

Titingin ako sa langit,

Tapos,

Ako'y ngi-ngiti,

Bago ako tumalon, sa matayog na gusali.




---

Reverse PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon