Kaibigan

474 6 0
                                    


Isang mabuting kaibigan,

Sasamahan tayo sa kasiyahan,

Dadamayan tayo sa kalungkutan,





Kaibigan.

Wala tayo n'yan,

Kaibigan ka pero sinisiraan,

Kaibigan kapag mayroong kailangan,

Kaibigan kapag nasa harap mo lang.





Mali ang iyong pagkakaalam,

Mali,

Ang mga tao ay sasaktan ka lamang.

Akala mo,

Sila ay nariyan sa iyong tabi,

Ngunit hindi,

Sarili mo lamang ang iyong kakampi.







Sa tuwa at pighati,

Mag-isa kang nagdadalamhati,

Kung sana,

Iniisip nila ang iyong kapakanan,

Kaso hindi.







Kaibigan,

Sila ay mga taong may lihim na kasamaan,

Kunyaring may mga pakialam,

Ipinanganak sila sa mundo,

Upang lalong guluhin ang buhay mo.







---

Reverse PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon