Prologue

83 1 0
                                    

This story is dedicated to one of my favorite authors, one of the bests @jonaxx :)) Mejo silent reader po ako pero idol ko po talaga kayo hehe :))

Maaga rin akong gumising ngayong araw para asikasuhin ang mga huli kong requirements sa iiwan kong paaralan. Sa wakas pagkatapos ng ilang taong paghihirap makakagraduate na din ako. Magpapaclearance na lang, tas graduation na!

*TOK TOK TOK                                                 

May tao sa labas ng ganto kaaga? Well, hindi naman masyadong early ang 9am hahaha

"Ma, may tao! Nagluluto pa po ako dito." Di ko naman maiwanan ang niluluto ko para tignan kung sino ang dumating.

Narinig ko na lang ang yabag ng mga paa ng nanay ko papuntang kusina.

"Oh, may sulat ka pala. Para sayo pala to eh" Nakita ko ang isang maliit na envelope na hawak nya. Nagtataka naman akong napatakbo.

May kulay blue at yellow yung color ng cover.

"Justine Ysobelle Cruz

Lot 3 Blk 4 Sampaloc St. Brgy. 314 Santa Rosa Philippines"

Nakasulat dun sa baba. Para sakin nga 'to. Dahil nakutuban na ako kung ano ito, kabado man ay dali dali kong binuksan.

Nandun ang blue at yellow na header. Agad akong napaluha nang mabasa ko kung sino ang nagpadala.

University of California, Berkeley

Berkeley, CA USA

College of Science

Department of Public Health

Dear Ms Cruz,

Good day! We have read your formal request for 2-year scholarship in Masters in Public health. Congratulations, this letter informs you that you got a slot in our department for Foreign Students Scholarship and you may now start this coming spring. You met our standards and you are more than qualified to join the Cal. For this scholarship, all of your expenses are paid, including the following:

1. Free ticket for the flight to USA

2. Free dormitory

3. Free tuition fee and all miscellaneous

4. Weekly allowance of $100.00

All you need to do is make a response by sending a confirmation letter through our email deppubhealth@berkeley.edu. Your flight details will be arranged afterwards.

Again congratulations WELCOME TO BERKELEY.

Tulala ako pagkatapos ko mabasa ang sulat. Inagaw ng nanay ko mula sa kamay ko ang papel at binasa nya rin. Nagkatinginan kami sa isa't isa at,

"Waaaaaaaaa! Mama natanggap ako!"

"Naku anak! Proud na proud talaga ako sa'yong bata ka!" Habang nagyayakapan kami.

"Pero mama tutuloy ba ako? Amerika yun, napakalayo at mawawalay talaga ako sa inyo. Bukod pa dun, bagong environment ang makakasalamuha ko dun pagdating. Mag isa lang ako. Kayanin ko kaya?" Pagkakalas ko sa yakap, eto na lang ang nasabi ko.

"Tutuloy ka anak, at kaya mo yan. Sayang ang opportunity, iilan lang ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon."

"At saka, puro english yun! Mama kayanin ko kaya ang straight english! Huhu"

"Of course, my dear daughter, I know you can do it!" Sabay kami napatawa sa pagtatry hard ni Mama mag-english at muling nagyakapan.

The New Girl in TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon