Chapter 1

65 2 0
                                    

dedicated sa isa sa mga favorite authors here @beeyotch :)

Welcome to San Francisco International Airport. Please get your belongings at the luggage area.

Nagising na lang ako sa maingay na intercom. Sht, nandito na pala ako! Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko. Here I am, America!

Pagpasok ko sa airport ay dito na talaga pumasok ang kaba ko. Napatingin ako sa paligid, napakaraming tao, may kanya-kanyang buhay, first time ko makakita ng maraming blue-eyed at blondes!

"Ms. Cruz! Ms Cruz!" Napalingon ako at nakita ang isang lalaking nakalongsleeves na may hawak na puting papel at nakasulat ng malaki doon ang pangalan ko. Iwinawagayway nya to at parang may hinahanap.

"You're looking for me sir?" Agad ko syang nilapitan. "I am Justine Ysobelle Cruz"

"Oh! Finally! Good morning and welcome to USA! I am Tim and I'm the one to assist and bring you to UC Berkeley. Come on, let's go!" Yaya nya sa akin.

Mahigit isang oras ang biyahe mula San Francisco papuntang Berkeley, California. Pagkasakay namin sa kotse, agad ako in-orient ni Tim about sa start ng Schooling. Binigyan nya rin ako ng tips. Sabi nya, along my way there's a great chance to meet co-Filipinos, kasi madami daw talaga Pinoy sa Cali. Nakwento nya pa nga na may kaibigan daw sya na Filipino kaya napasarap din ang kuwentuhan namin dahil malapit pala sya sa mga Pinoy. Masaya kausap din to si Tim, kahit medyo nahihiya pa ko mag-english eh Thank God, di naman ako masyado naro-wrong grammar. HAHA. Sabi pa ni Tim, pag nagkita daw kami pwede nya daw ako bigyan ng tour at maipakilala sa kakilala nya na Pinoy.

Napansin ko ang green na signboard na nagtuturo ng direksyon papuntang Berkeley. Naramdaman kong malapit na ko. Ang UC Berkeley pala ay parang UP din, pwedeng makapasok ang mga sasakyan dahil sa sobrang laki ng campus. Pagpasok namin sa school premises, natulala na lang ako sa ganda ng paligid. Di mo talaga maikakaila na nasa first world country ka. Luntian ang mga paligid, at dahil spring ngayon hindi naman masyadong kalamigan. Parang nasa Baguio lang ako, naks, pero kailangan pa din ng makapal na suot. Bumaba ako sa building ng College of Science. Sa tingin ko, ito ang pinakamalaking building sa lahat ng nadaan ko. Agad akong pumasok. Tinanong ko na din sa security kung saan ang office ng public health.

Pagkasakay ko ng elevator agad kong pinindot ang 5. Parang ospital ang ambiance dito sa College of Science, although sa likod ng building na ‘to yung College of Medicine. Pagkarating ko sa 5th floor, kumaliwa ako para hanapin ang room 539. Malawak ang pasilyo at medyo kaunti pa ang mga estudyante dahil hindi pa naman nagstart ang pasukan. Pero kahit konti lang ang mga nadadaanan kong tao di ko pa din maiwansan mafeel ang spotlight effect kung saan feeling ko lahat ng tao nakatingin sa akin, nakatingin sa “New Girl”. Yeah, overreacting, right?  Sa wakas nahanap ko na rin yung 539, na may nakalagay na sign sa taas nung door na Scholarships and Finances Division. Pumasok ako at nagtanong sa front desk.

“Hi! Good morning, my name is Justine Ysobelle Cruz” Tapos pinakita ko na yung admission letter.

“Oh! Hi there! I am Ms. Sarah Walker, just call me Sarah. I’m an administrator here for Scholarships and Finances Division for Public Health. Welcome to Cal!” Sabay ngiti nya sa akin.

“Thank you ma’am,” Ginantihan ko din sya ng matamis na ngiti. Binigay nya sakin ang ilang documents na kakailanganin ko pati na rin yung schedule ko. Nagkaron rin ako ng konting orientation at binigay na rin yung weekly allowance ko. Tama na ba ang $100 sa isang linggo? Di ko alam kung mabubuhay ba ako sa ganung halaga tuwing linggo kasi di ko pa alam ang lifestyle dito. Buti na lang natanggap din ako sa scholarship sa munisipyo, may matatanggap ako na  $1000 kada buwan. Naku, mukhang kailangan ko na atang maghanap ng trabaho.

“Uhm, Sarah I just wanna ask if your department offers student assistantship. I mean, I live alone and you know, I might need extra money.” I hesitantly said

“Yeah sure,” pagkatapos ay parang may hinanap sya na papel. “Here is the list of student assistantships that you may apply for.” Agad kong tinanggap yung papel.

“Thank you so much!” Nagpasalamat na rin ako kay Sarah at tuluyan nang umalis.

Katabing building lang College of Science yung mga dormitories. Napag-alaman ko na ang dorm dito ay para sa mga athletes, exchange students, foreign students at iba pang scholars ng school. Alternate ang floors for men and women. Na-assign ako sa room 3516, 3rd floor. Kumatok muna ako bago pumasok. May isang bed, parang single bed lang pero tingin ko pwede magkasya ang dalawang tao. Sabagay, malalaking bulas talaga ang mga amerikano. May pinto akong nakita, wow, sosyal may kanya-kanyang CR. May table and chairs tas meron ding malaking closet na may mirror sa pintuan nito. Para syang pad or maliit na condo kung ihahalintulad mo. Narealize ko wala pala akong magiging roommate. Iba nga pala dito, people here valued their privacy.

Pagkalapag ko ng maleta ko, nag-ayos-ayos muna ako ng mga kagamitan. Imagine isang backpack lang ang dala ko at isang maletang de-gulong so saglit lang yun. Kaunti lang ang mga gamit ko dahil ayoko magbayad ng luggage sa eroplano. Napagdesisyunan kong lumabas at gumala pagkatapos kong maligo.

Ansarap magshower! May heater ang tubig. Sosyal talaga ang dorm dito, kumpara nung undergrad ako  may roommate pa ako, tapos may malaking CR na para sa buong  floor. Ngayon ko lang narealize ang importance ng roommate. Now I am alone! L

The New Girl in TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon