dedicated kay ms sharonrosecatalan, idol ko po kayo! :))
Okay lang naman ang naging daloy ng araw ko ngayon. I mean, di naman ako masyadong nahiya makipag-interact sa mga classmates ko dahil madami din palang Asians dito, karaniwan Chinese. Pero di pa din ako masyadong komportable makipaginteract sa kanila, kay Natalie palang talaga.
Ki-nut yung klase sa hapon so hindi ko nameet yung prof for Public Health 203 Laboratory class. Nandito ako ngayon sa gymnasium for orientation. May grand parade ng banda na tumutugtog ng malalaking drums at trumpets. Nakita ko na rin ang Bear mascot. Mataas ang school spirit dito at magagaling din yung cheerleaders nila. Pagkatapos nung program ay wala nang klase. Nagkahiwalay na din pala kami ni Natalie pagkatapos nung Chem 10 A class namin pero hiningi nya yung mobile number ko in case kailanganin.
Pagkatapos ng ilang oras ng paghahanap ng ma-aapplyan for Student Assistantship, napadpad ako dito sa may Athletes' Gym na katabi lang ng pinag-orientationan kanina. Sana eto na lang pala inuna ko puntahan, dahil napakalaki neto. Nakita ko din dito sa list na binigay ni Sarah na may slot pa dito para sa receptionist. Agad kong pinuntahan ang front desk.
"Uhm-excuse me?" Kinuha ko ang atensyon ng isang babaeng tingin ko ay nasa early 30s na.
"Yes dear?" Nginitian nya ako.
"Hello, do you still have any available slots here for student assistantship?"
"Hold on let me check," Sagot nung babae sa akin at tumalikod saglit para maghanap ng papel. Saglit lang at hinarap na nya ako uli.
"Yes, we do have one last slot for the receptionists. Are you gonna get it?"
"Sure," Maikling sagot ko.
"Alright, can I see your schedule?" Hinalungkat ko sa bag ko ang isang papel at pinakita sa kanya.
"I see you are mostly free during afternoons. Alright, your shift would be anytime in the afternoon as long as you are free. But you need to lay at least an hour a day, would that be okay?" She further explained. Tumungo lang ako bilang sagot.
"Okay, let me now sign your SA form please. Oh and by the way you can just call me Debbie."
"Thank you so much Debbie, my name is Belle." I replied as I gave the SA form. Inorient na din ako ni Debbie sa magiging trabaho ko as a receptionist. Dun din ako sa front desk mag-stay, and basically I just need to manage the log book for the athletes' time in and time out. Nagkaroon din ako ng time para makapaglibot sa loob ng gym. Napakalaking space sa loob na nahahati sa iba't ibang courts ng basketball, volleyball, table tennis, badminton. Meron ding mats for the judo team. Sa isang sulok, kumpleto din ang mga apparatus ng Gymnastics, may mats din para sa Cheerleaders. Nagawi din ako sa entrance nung football field, yun ang pinakamalaki sa lahat, parang sin-laki ata ng Araneta.
Palabas na ko ng gym nang may madaanan akong entrance. Out of curiosity, pumunta ako dun at nadatnan ko ang dalawang magkahiwalay na Olympic size pools. Nakita ko ang nakasulat sa dingding na 25 meters pala ang haba neto at 10 ft ang lalim. Bigla kong naalala yung schedule ko, agad kong kinuha sa bag ko yung papel na may sched, tas binasa muli. I have a swimming class?!? Masterals na ko pero bat may swimming class pa din? Hindi ba pwedeng volleyball na lang, basketball, or any other sport? Please other than Swimming! I can't swi----
"Ayyyyyyyyyyyy!" Napasigaw na lang ako nung madulas ako dahil sa basang sahig. Ugh! May nakakita ba? Shiiit! Parang ayoko na ata idilat ang mata ko. Finold ko yung legs ko hanggang sa magkapantay na ang tuhod at dibdib ko. Nang may narinig akong nagsalita.
"You okay?" Napadilat ako ng mata ko nang marinig ang baritonong boses na yun. Nakita ko ang mahabang legs ng isang lalaki. Tinignan ko sya pataas ng pataas hanggang sa, SPEEDO? Holy shit nakaswimming trunks yung guy! At dahil na-alarm ako baka Makita ng taong 'to na ng-iinit ang mga pisngi ko at isipin ng taong 'to na I was checking him out, napatingin na ko sa mukha nya na ngayon ay nakayuko na sa akin.
"Are you okay?" Ulit nya pa sa tanong nya. Ngayon nakita ko na ng buo ang mukha nya, he looked worried. Short hair, square jaw with a jawline to die for, very fine brows, brown eyes, of course chiseled nose, thin lips, and I also noticed that tiny scar on his left cheek. I guess his face was a foot or two away from me so madali kong naidescribe ang mukha nya. Shet, ang gwapo. Lord! Anggwapo naman ng chinito na to! He offered his hand to me para alalayan akong tumayo. Nahihiya akong tanggapin pero kusang kumilos ang katawan ko para sa akin at tinanggap iyon. Nang magtama ang mga balat parang may naramdaman akong kakaibang kuryente at kilig. Gwapo eh!
Pagkatayo ko nang nakayuko agad kong pinagpag ang aking likod, umaasang hindi masyado nabasa yung pants ko. Napatingin uli ako dun sa guy na tumulong sa akin at napansin ko hanggang dibdib nya lang ako! And because of that, napansin kong napakatipuno ng kanyang dibdib, walang paglagyan ang muscles, gym freak! And that washboard, 8-pack abs, Oh Lord. Tumingala ako ng konti para matignan uli ang mukha nya. He's smiling a bit at me.
"T-thanks." Nahihiya kong sabi. Gosh, this guy is a really big guy. I mean, I was like 5'8" tall, pangvolleyball ang height ko; pero he's still like, a foot taller from me.
"Be careful next time, you know, it's really slippery here near the benches." Again that baritone voice, it's just so deep. Nagnod na lang ako sa kanya at dali-daling tumalikod at umalis. Nahiya talaga ako, shet, gwapo pa naman sana.HH
BINABASA MO ANG
The New Girl in Town
Ficción GeneralBelle Cruz is just your ordinary girl na natanggap sa isang prestigious na University sa America. Well, on the other hand, Nathan Adrian is an extraordinary guy. Graduated with honors sa kanyang school, Gwapo, Matangkad, at member ng National Swimmi...