Third person point of view
Weeew...
Weeew
Weeew
Mga sirena ng mga patrol cars at ambulansya ang sunod na umalingaw ngaw sa labas ng abandonadong bahay kung saan naganap ang kagimbal gimbal na pangyayari.
Halos halat ng sahig sa bahay ay may marka ng dugo.
Nagkalat rin sa loob ang mga patay na katawan ng mga nakaitim na lalake na syang naingkwentro ng mga mag babarkada.
Ilan sa mga butlers na natira ay tinangkang tumakas ngunit agad naman silang nahuli ng mga pulis na sumaklolo.
"Bok. Anjan na yung ambulansya"
saad ni Amber kay Cedric habang hinaplos yung likod nito habang hawak hawak parin ang mga kamay ng kasintahan nito.
"Excuse me po sir"
Saad ng isa sa mga rescuers dahilan para bumitiw sa pag kakakapait si Cedric. Kaagad naman nila itong nilagay sa Stretcher saka binuhat papasakay ng ambulansya.
"Go ahead bok. Susunod kami"
saad uli ni Amber kay Cedric dahilan para sumakay na si Cedric sa ambulansya at tuluyan na itong umalis.
Maya maya pa.
Biglang may humintong sasakyan sa harap ni Amber saka biglang bumaba ang bintana nito.
"Lets go!"
Sigaw ni Peter sa loob.
Kaagad namang naalarma si Amber kung kayat kaagad itong pumasok sa loob ng sasakyan.
Halat balisa.
Naka tulala.
Walang imikan.
Sariwa parin sa kanila ang nangyari.
Pagkarating ng mga to sa ospital, kaagad nilang tinungo ang Operating Room kung saan nadatnan nila si Cedric na kaupo sa sahig habang nakasandal ang ulo nito sa pader.Halata rin nila ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nito at ang mga kamo nitong sugat sugat at ang mga bakas ng dugo sa damit nito.
"Kuya"
Saad naman ni Mica pagkakita ng mga to sa kanyang kapatid.
Nahalata naman nito ni Cedric at kaagad pinunasan ang mga luha nito at tumayo upang salubungin sila
"Bok"
saad ni Amber saka nakipag yakapan ito.
"Ayos ka lang?"
"Yeah im fine. Kayo? Sniff* ok lang. Nasaktan ba kayo kanina?"
Tanong ni Cedric sa mga kasamahan nito saka pinunasan uli yung mga luha nito.
Halata ng mga kasamahan nito ang labis na kalungkutang tinatamo ngayon ni Cedric. Manulamula ang mga mata at halata ring namamaga ang mga to.
"Ayos lang kami bro! Si kuya? Kumusta na?"
Biglang tanong naman ni Keiden kay Cedric na halatang nag aalala rin sa kanyang kapatid
BINABASA MO ANG
Mr. Silent Transferee meets Mr. Suplado
RomanceSi Cedric, isang dakilang Brat na saksakan ng pagka suplado na pinagkakaguluhan ng kababaihan sa isang sikat na University. Palaging tinitilian, palaging pinag kakaguluhan at minsan, palaging maraming napapaiyak dahil sa pag ka suplado nito. Ngunit...