Chapter 66

1.5K 67 11
                                    




Cedric's Pov




Halos mag tatatlong buwan na nung nangayari ang lahat.





Nalipat na si Alvis sa Private room mula nung natapos ang Operation sa OR.




Salitan kami sa pag babantay..



Si Keiden minsan ang kasama ko, minsan si Mica at Amber at minsan naman si Peter.





Mukhang naka get over na ang lahat sa nangyari.

Pumapasok na sila sa University salamantalang ako, nag priprivate lessons nalang kapag gabi.

Nagagawa na nilang ngumiti. Dama ko sa mga galaw nila ang pag aalala sakin.

Halos di na kasi ako kumain at matulog dahil sa pagbabantay kay Alvis.


Minsan pinipilit kong ngumiti para lang mapasaya sila pero sa likod ng puso ko parang ayoko ng ngumiti pa.

Halos pinupunit yung loob ko  kapag pinipilit kong ngumiti.




Nandito ngayon ako sa tabi ni Alvis, kasama si Mica at Amber..



Matagal tagal na. Tatlong buan. Pero wala parin syang malay.



Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang tinititigan si Alvis.

Kung sumama nalang sana ako sa Hyle na yun sana hindi nangyari sakanya to.






  Hanggang sa...





"Kuya, ayos ka lang"


Tanong ni Mica kung kayat kaagad kong pinunasan yung luha ko at ngumiti.


"Ah e.. oo. Ayos lang naman. Hehe"


Sambit ko.



"Napuwing lang kanina"

dag dag ko pa. Pero sa mga mukha nilay alam kong hindi sila kumbinsido sa dahilan ko.



"Bok. Labas lang kami a. Bibili lang ng pag kain. Ikaw? Anong gusto mo?"


Tanong ni Amber saakin.

"Bahala kana bok . "

saad ko naman saka ngumiti.


"Oh sige. Saglit lang kami kuya"


Dagdag pa ni mica at umalis na.
Kasunod nun ang pag sara ng pinto..

Haiizzz...

Buntong hininga ko saka lumapit kay

Alvis.

Isang ngiti ang ibinigay ko rito pero kahit gaano ko man gawing katamis iyon, hindi ko parin magalawang hindi maluha.


"Tats, akala ko ba, hindi ko ako kayang iwan."

Sambit ko sabay dampot ng kamay nito at hinalikan. Kasunod non ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.




Ang sakit kasi. Para akong dinudurog.




"Tats, miss na miss na kita. Im *sob so *sob sorry tats."



Dagdag ko habang umiiyak parin.


"Tats, lumaban ka lang ha? Aantayin ko. Basta wag mo kong iiwan. May mga plano pa tayo e. Saka diba sabi mo walang iwanan?"


Saad ko kasabay ng pag hagulgol ko. Ang sakit kasi sa puso. Namimiss ko na sya ng sobra. Nakikita ko nga sya pero naka higa naman. Walang malay..

Mr. Silent Transferee meets Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon