Akala

22 0 0
                                    

Akala
by MariaAzyle

Masaya sa una.
Pero kalaunan, nag-iba na.
Sa una, feeling prinsesa.
Pero ngayon, ano na? Nganga?

Akala ko iba ako.
Akala ko masaya sya kasama ako.
At akala ko rin gusto nya ako.
Yun pala, isang maling akala lang lahat ng  ito.

Akala ko kontento na ako sa ganito.
Yung tipong di bale ng walang tayo.
Pero iba pa rin pala kung may titulo ako.
Yung tipong may karapatan ako sayo.

Ang daya nga naman.
Umaasa akong pareho tayo ng nararamdaman.
Yun pala isang maling akala lang.
At ako sayo'y walang karapatan.

Iniisip nila tayo na.
Mabuti pa sila at naisip nila na may tayo na.
At ako naman itong si umaasa.
Umaasa hanggang sa nagmukhang tanga.

Hwag kang mag-alala.
Di kita pipiliting sabihin ang katagang "Mahal kita".
Di mo kailangan sabihin sa akin ang ganyang mga linya.
Kung ang totoo ay hindi naman pala.

Pasensya kung isa akong asungot.
Kaya ngayon para kang binabangungot.
Hwag kang mag-alala.
Papakawalan na kita.

Salamat sa mga masasayang araw na nakasama kita.
Ito'y ibabaon ko sa akong mahiwagang memorya.
Paalam na aking pinakamamahal na sinta.
Naway ika'y maging masaya sa piling ng iba.

My Miss Ripley & Other PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon