Ano

19 0 0
                                    

Andito na naman ako sa punto,
Kung saan ako'y napapa-isip ng ganito.
Ano nga ba tayo?
Kathang-isip o totoo?
Sabihin mo, para ako nama'y di na maging bobo.

Di ko alam ba't ka pa bumalik.
At sa akin ka na naman sumisiksik.
Nakaya ko na sana ang ngumiti,
Tumawa ng hindi pini-peke,
At bumabalik na sana yung sigla kong nawala ng konti.

Bobo na ba ang tawag sa akin?
Kung ika'y aking tatanggapin?
Kahit pa magmukha man akong alipin?
Para lang ako'y iyong ibigin.
At mapansin ng kahit na katiting.

Iniwan ka na ba niya?
Kasi sa akin ka naman nagkakandarapa.
Ano nga ba ako sayo?
Mahal na totoo?
O, tuta na iyong inuuto-uto?

Kala ko okay na ako,
Na kapag bumalik ka, di na ako o-oo.
Pero lintik na gayuma,
Akala ko wala ng bisa.
Yun pala, mas ga-grabe pa.

Pero ngayon napagisip-isip ko.
Mahal mo ba talaga ako?
O, minahal mo ba talaga ako?
Kasi kung ako'y tatanungin mo,
Ang sagot ko, hulog-na-hulog na ako.

Gusto mo lang ba ako kasi alam mong gusto kita?
Pakiusap naman sabihin mo na.
Sawa na kasi akong magmukhang tanga.
Gusto ko na kasing makawala,
Sa pag-ibig kong napariwara.

♔MariaAzyle

My Miss Ripley & Other PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon