"Kailan ka ba matututo, Daniel?" Galit na tanong ni Dad sa'kin. Inismidan ko lang siya at hindi pinansin.
Inangat ko ang aking tingin dahil sa pikon. "Sabi ko naman sa'yo ayoko maging isang Engineer! That's not what I want, Dad!" Tugon ko sa kan'ya. Umiling lang s'ya sa akin.
Tumawa siya. "Then ano gusto mo? Maging isang tambay?" Mas lalo ko pang ikina-galit ang sinabi n'ya.
Ano? Tambay? Anong akala n'ya sa'kin? Walang pangarap??
"I want to be a musician. End of the story." Sabi ko at mabilis ng tumakbo paakyat sa'king kwarto. Hell no! Narinig ko pa ang mabibigat na yapak na sa tingin ko'y galing sa kan'ya.
"Wala kang mararating sa pangarap mong 'yan, Daniel. Makinig ka sa'kin dahil ako parin ang tatay mo!" Sigaw n'ya sa pa sa tapat ng pinto ko. Kinuha ko ang earphones ko na nakalapag lang sa lamesa na nasa tabi ng aking kama.
Nang magising ako ay sobrang sakit ng ulo ko 'yung tipong dinaig pa 'yung may hangover. Hakdog.
Bumangon ako at agad na pumasok sa banyo. Pagka-tapos maligo ay namili na ako ng susuotin ko. Tumingin ako sa orasan, 4 am pa lang pala.
Jogging lang naman ang gagawin ko kaya ayos lang pag ganitong mga oras bukod sa kaunti pa ang mga tao sa daan ay hindi rin gaanong mainit.
Suot ko ay isang black shorts na hanggang taas ng tuhod ko at puting v-neck shirt na tinernuhan pa ng puting nike.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. "Napaka-gwapong nilalang," Bulong ko pa sabay ngiti ng nakakaloko. Hindi na ako magtataka kung bakit madaming babae ang nahuhumaling sa kagwapuhan ko.
Pag labas ko sa bahay ay naabutan ko ang tatay ko na nililinis ang sasakyan namin. "Saan ang punta mo, Daniel?" Paguusisa nito sa'kin.
"None of your business." Malamig kong tugon at iniwan s'yang pawis na pawis sa galit. Buti nga sa'yo.
Nag-jogging lang ako hanggang sa marating ko ang parke. Tahimik pa ito at may makikita ka naring mga tao ngunit iilan lang. Maya-maya pa ay narating ko ang malapit sa seaside. Napahinto ako ng makita ang babaeng nakalikod mula sa'kin.
May kulay itim na buhok na wavy naman sa dulo. Nakasuot ito ng itim na damit at short na bumagay naman sa kan'ya. Balak ko sana s'yang lapitan ngunit sakto namang nag ring ang phone ko.
"Yes? This is Daniel, who's this?" Tanong ko sa kabilang linya ng may tumawa. "Si Cayden 'to, pare!" Tatawa-tawang tugon ng kaibigan kong si Cayden sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko. "Anong kailangan mo?" Nauubusan na ng pasensya kong tanong. "Birthday ni Tan bukas 'di ba? Nakalimutan mo 'no?" Sabi n'ya sabay tawa.
Umismid ako. "Nakalimutan ko nga," Pag amin ko sa kan'ya. Tumawa na naman s'ya. Minsan hindi ko talaga alam kung may sapak ba 'tong kaibigan ko na 'to o sad'yang gan'yan lang talaga siya.
"May birthday party daw bukas, sama ka ba?" Pag aalok n'ya sa akin. Bahagya pa akong natahimik at inisip kung may gagawin ba ako bukas pero luckily wala naman.
"Game ako. Text mo nalang sa'kin kung saan." Sabi ko at pinatayan na siya. Pag lingon ko sa kinaroroonan ng babae kanina ay wala na s'ya.
Kaepal naman ni Cayden. Mabaog sana.
Pagka-uwi ko sa bahay ay naligo na agad ako dahil pawisin nga ako 'di ba? Galing jogging malamang. Itlog
Nang maapupo ako sa dulo ng aking kama ay sakto namang tumunog ang cellphone ko.
Cayden: sa Intramuros daw, doon sa may tambayan, 6 daw kailangan nandoon na.
Daniel: okay.
Cayden: sunduin mo naman ako!
Daniel: may kotse ka 'di ba? tigilan mo 'ko.
Cayden: tanginamo basta sunduin mo 'ko, bye
Napairap nalang ako at walamg nagawa kun'di ang matulog nalang.