Chapter Two

3K 129 4
                                    


Pag gising ko ay katulad ng aking madalas na ginagawa, maliligo at magja-jogging tapos maliligo ulit pagka tapos ay matutulog. Nang magising ako ay medyo madilim na rin.

Tumayo ako at tinignan ang orasan na nakasabit sa pader. Alas otso pa lang pala. Lumabas ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Lumapit sa'kin si Dad.

"Tumawag pala ang Lola mo kagabi," Sabi n'ya sabay inom rin ng tubig. Nanatili lang akong walang imik. "Kinakamusta ka. Minsan ay dalawin mo rin naman daw s'ya," Sabi pa nito.

Tumango ako. "At sabi pa niya," Natigilan ako ng mag salita ulit siya. "Sana daw ay handa ka ng mag handle ng kompanya," Matigas na sabi pa ni Dad.

I sarcastically laughed. "That's not gonna happen," Sagot ko pa at tinalikudan siya. "Never." Malamig kong tugon sabay lakad.

"Why can't you just give up on that musician thing?" Napalingon ako sa sinabi ni Dad. "Why can't you just let me?" Tanong ko sa kan'ya pabalik at tuluyan na nga siyang iniwan doon.

Umakyat na ako sa kwarto ko at ni-lock ang pintuan. Pagka-upo ko sa dulo ng aking kama ay kinuha ko ang gitara ko.

I tried to strum anything on my guitar habang bumubuo ng iilang linya pero wala. Ganito ba talaga pag walang inspiration? Whatever.

Nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito na nasa ilalim lang pala ng unan ko. "Yes?" Ilang minuto akong naghintay pero wala paring sumasagot sa kabilang linya.

"Who's this?" Tanong ko ulit. Tinignan ko kung sinong tumawag pero unknown number lang ang nakalagay. "U-Uhmm," Sabi sa kabilang linya na nagpakunot naman ng noo ko.

Babae? "Wrong n-number yata," Sabi ng babae sa kabilang linya. I laughed. "That's fine," Sabi ko.

Narinig ko pa ang mga kaluskos sa kabilang linya na parang may nag uusap. "I'm s-sorry, papatayin ko na 'to,"


I stopped her. "Wait! What's your name?" Tanong ko. "Just call me Ava," Sagot n'ya at pinatay na ang kabilang linya.

Napabuntong hininga nalang ako. I don't even know why I'm interested to that girl. Maybe because her voice was so angelic? Nevermind.

May kumatok sa pintuan. "Daniel," Tawag ni Manang mula sa labas. Tumayo ako pag pag buksan siya pagka tapos ay nginitian ko siya. "Bakit po?" Sagot ko.

"May nag hahanap sa'yo sa baba," Sabi n'ya sabay ngiti. Pumasok rin siya sa kwarto ko. "Kukuhanin ko na itong marurumi mong damit, ayos lang ba?" Tumango ako bilang sagot.

Kinuha ko ang leather jacket ko at ang susi ng kotse na nasa lamesa. "Alis na ako, Manang." Paalam ko at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.

Pag baba ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Cayden. "Bro," Bati niya agad sa akin. Buti nalang at wala dito si Dad.

"Akala ko ba susunduin nalang kita?" Tanong ko sa kan'ya kasi 'yun ang sabi niya sa'kin sa text. Tinaas niya lang ang balikat niya at lumabas na.

Weird.

Pagpasok namin sa kotse ay agad na akong nag maneho papunta sa bar doon sa may Intramuros.

Nang makarating kami ay mabilis akong nag park. Tatawa-tawang bumaba si Cayden. Sumunod naman ako sa kan'ya at nakitang papasok na siya sa loob ng Bar.

Tss. Excited.

Papasok na sana 'ko ng makabunggo ko isang babae. "Aray!" sigaw nito. Napahawak ako sa balikat ko dahil sa lakas ng impact no'n. "I'm sorry. I-I didn't m-mean to—" tinabig niya ako at mabilis na pumasok sa Bar.

Ano problema no'n? Bahala na nga. Pumasok na rin ako sa Bar at tumambad sa'kin ang maingay at magulong kwarto.

Madami naring tao sa dance floor. May mga nasa gilid at umiinom habang ang iba naman ay simpleng nag uusap lang at nag tatawanan.

Nakita kong inangat ni Cayden ang kamay n'ya upang kawayan ako. Pumunta ako sa kan'yang direksyon. "Dito ba?" tanong ko sabay upo sa bakanteng upuan.

Napatawa si Cayden. "Ano gusto mong drink?" tanong niya at napaismid pa. Paniguradong ako pag babayarin n'ya mamaya. "Kahit ano na, ako rin naman mag babayad for sure," iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya pagka-tapos.

Tinawanan lang ako ni Cayden at umalis na para kumuha ng drinks habang bilibot ko naman ang mata ko.

Napako ang tingin ko sa babae. Nakasuot siya ng itim na dress na fit sa kan'ya at boots na medyo lang ang kataasan tsaka medyas na puti.

Napakunot ang noo ko at mas lalo pa siyang sinuri. Dahan-dahan siyang nag sayaw sa gitna ng dance floor at hindi ko naman alam kung ba't kusa akong napatayo at napalapit sa gawi niya.

Nang malapit na ako sa kan'ya ay napahinto ako't nakatitig parin sa mga mata niya. Kulay brown 'yon at ay mahabang pilikmata na sinamahan pa ng makapal na kilay.

Look how perfect she is. Damn.

I'm gonna approach her na sana kaso biglang may humila sa akin papaakyat sa stage. "Isang kanta naman d'yan!" hiyaw ni Cayden.

Inangat ko ang middle finger ko na ikinatawa naman n'ya kaso ay napatingin ako sa gawi nung babae. Nakatingin siya sa akin at tila kinakabahan pa.

Umiwas siya ng tingin.

I always knew that it was her.

The storm of my life.

Her name is Stormi.

Hey, Stormi (TORMENTA SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon