Part 1

39 0 0
                                    




Zie's POV

"Dali na kasi konti lang!!" Konting konti nalang sasampalin ko na tong babaeng to.

"Sinabi nang ayoko! Kulit ng lahi mo!" Bat kami nagsisigawan? Simple lang. Kanina pa niya kasi akong pinipilit na lalagyan niya daw ako ng lipstick, o edi ako tong si pabebe/cute/dyosa ayaw pumayag. Baka kasi di na kayanin ng boys yung beauty ko. Kapalan lang ng muka.

"Sige na nga! Bahala ka na dyan dami mong arte!" Ede wew.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at sinabi ko sa aking sarili. Tangina ang panget mo.

Bakit ganon? Ang daming nagsasabi na maganda naman daw ako di lang daw ako marunong mag ayos. Pero para sakin napakapanget ko talaga, ang dami ko pang pimples sa noo. Kinilabutan ako sa sarili kong itsura. Panget ko talaga!

"Ayaw mo ba talaga sa Korea?" Tiningnan ko si Raj sabay iling.

"Nakakahiya kasi sa mama mo." Mahina kong sabi.

"Nahiya ka pa! Tinuturing ka namang anak ni mama at isa pa, kung ayaw mong tanggapin ang offer ni mama edi ikaw nalang magbayad." Tanga lang?

"Para namang may pambayad ako." Bobobobobobobob.

"Kaya nga tanggapin mo nalang, sagot na namin lahat. Baka magpalusot ka pa na kailangan mo pang magpaalam." Napatawa nalang ako. Kanino naman ako magpapaalam? Kay mama at papa na matagal nang pumanaw? O kaya naman kay lolo na pumanaw na din? O kaya naman kay lola na hindi na makakilos at makapagsalita? O kaya kayla Tito at Tita? Tanga wala kang tito at tita. Kay kuya at kay ate? Wala ka din nun bobo. Sa mga kamag anak ko? Para namang kilala ka nila. Napangiwi nalang ako.

"Pag iisipan ko, nakakahiya pa rin." Bigla namang lumapad ang ngiti niya na umabot hanggang batok.

"Yiyiyiyiyiyiyiyi!!!!!!"

"Nga pala malapit na pala pasukan. Dating gawi sabay uli tayo magenroll at mag exam. Pakopya na rin para same section." Binatukan ko namn siya.

"Gaga." Sabay naman kaming tumawa. Maganda si Raj, lang parang siga kung maglakad. Pero syempre pag ako kasama babaeng babae. Ayaw niya daw kasi ng may nagkakagusto sa kanya kaya ibang iba talaga siya kapag nasa matao kaming lugar.

"Di ka ba hinahanap ni Tita? Gabi na o!" Dugtong ko pa.

"Alam naman niyang nasa condo mo ako kaya hindi na siya nag abala pang tumawag. Dito nalang kasi ako matutulog puhleazz!" Kinilabutan ako ng sinayan niya pa yon ng pout at puppy eyes.

"Oo na! Di bagay sayo yan para kang ulaga." Agad naman siyang sumimangot sa sinabi ko.

"Nga pala, tutal, 7:30 pm palang tara bar hopping." Excited niyang sabi. Nasa legal age naman na kami para uminom ng alak. Pareho na kaming 18 yrs old and guess what sabay pa birthday namin kaya mas madali kaming naging close nung maliliit palang kami.

"Ge, tagal ko na ring hindi umiinom." Dati kasi nagiinom kami neto ng patago. Di ako yung nagyayaya, sa bait kong 'to.

"Tara dali!! Ako pipili ng damit mo!"




-----------------------------

Isabelle Cruz

Miss Nerd to Hot ChickWhere stories live. Discover now