Part 3

31 0 0
                                    




Zie's POV

Kanina ko pang nakikitang nakangisi si Raj na para bang may niluluto nanamang katarantaduhan sa utak niya. "Hoy, ano sinapian ka na?"

Nakaupo palang kami dito sa stool hinihintay yung inorder naming hard drinks. Hindi pala 'naming', 'niya' pala dapat.

"Ma'am here are your hard drinks." Agad naman 'yong binayaran ni Raj na nakangisi pa rin.

Anim na baso ang binigay samin ni koya.

"Tara dun tayo maupo." Agad niya akong hinila. Tigatlo kaming baso na hawak. Maliliit lang yon kaya pwede na yong mahawakan sabay sabay gamit lang ang isang kamay.

Nang makaupo kami narinig ko agad na may tumawag kay Raj. Nakarinig naman akong malademonyong tawa mula sa kanya bago niya itinaas ang kamay niya.

Agad namang may lumapit sa table naming dalawang lalaki. Yung isa ngiting ngiti, yung isa naman akala mo pasan niya ang buong mundo sa sobrang simangot.

"Upo kayo." Kinakabahan na ako kay Raj. Ngiting aso na siya ngayon.

Sofa yung upuan namin na nakacurve. Tumabi naman si koyang ngiti to the highest level kay Raj, si kuyang simangot to the max naman tumabi sakin.

"Zie, si Jasper nga pala. Yang katabi mo si Eros. Jasper at Eros si Zieannah nga pala my one and only bestfriend, Zie for short." Nginitian naman ako ni Japser.

"Jasper guwapo correction." Napangiwi ako, humangin ata.

Tumingin naman ako sa kaliwa ko. Seryosong seryoso pa rin siya at parang walang pakialam sa pinagusapan namin. Napangiwi nalang ako.

Dahil wala akong magawa ako na ang naunang kumuha ng baso at ininom ang laman nito. Ansakit sa lalamunan pero sanay na ako. Syempre, may kaibigan ata akong lasenggera. Char grabe naman sa lasenggera.

Feeling ko di tumalab kaya kumuha pa ko ng isa na sinundan pa uli ng isa pa.

"Uy Zie chill." Pang-aasar sakin ni Raj. Imbis na sagutin siya inirapan ko nalang siya. Ramdam kong nakatingin sakin si simangot to the max.

Kumuha pa ako ng isang baso at ininom iyon. Di ko alam kung bakit pero natatawa ako. Tumalab na ata yung alak. Pfffffft

Miss Nerd to Hot ChickWhere stories live. Discover now