Part 8

10 0 0
                                    



Zie

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Hey hey Raj gising na si Zie." Medyo malabo parin ang paningin ko at kumikirot din ang ulo ko.

"Hey Zie do you remember what happened?" Medyo umayos na ang paningin ko. Si Raj.

"Raj.. Anong nangyari?" Umayos ako ng upo. Nasa isang kuwarto kami na hindi pamilyar sakin.

"You passed out nung nasa airport tayo kaya we ended up using one of Eros' private airplane. Why didn't you tell me na masama parin pala pakiramdam mo? Edi sana we just moved our flight." No hindi pwede. Masasayang lang pera nila tita kung ganun ang ginawa namin.

"I'm okay Raj. I feel better na kaya wag ka magalala." Kumunot lang ang noo ni Raj.

"Your temperature nung umalis tayo isa 39.3 ngayon ay 40.7 na and you're telling me you feel better na?" Napangiwi naman ako.

"When Eros knew this he immediaetly called his brother para siya muna bahala sa kompanya. Eros will be here tomorrow morning. He seemed worried, anong ginawa mo sa bestfriend ko Zie? Baka pwedeng turuan mo ko at gagawin ko naman kay Raj." Napatawa naman ako habang si Raj naman ay sinapok lang ng malakas si Jasper.

I don't think he's worried. Kakakilala lang namin and from what I heard he's a playboy. I think i became one of his target because of that bathroom incident. He'll just play with me at kapag nagsawa na siya ay itatapon niya lang ako sa tabi. Bat ko ba siya iniisip ngayon lalo lang sumasakit ulo ko.

Tumingin ako sa labas, umaga na. 12:00 kami nakarating sa airport, 3 hours ang biyahe papunta dito.

"Raj anong oras na?" Tumingin ito kay Jasper.

"9:54 a.m" sabi ni Jasper pagkatapos nito tumingin sa relo nito.

Tumingin uli ako sa paligid. Nakahiga ako sa isang malaking kama. Itim halos lahat ng kulay ang nakikita ko sa kuwartong ito. Ang kumot ,ang kama pati na rin ang mga pader.

"Nagtataka ka siguro kung nasan tayo?" Tumango naman ako sa sinabi ni Raj. "Well, nasa mansion tayo ni Eros dito sa Korea. You should thank him pagdating niya dito dahil ang dami na niyang naitulong satin." Napairap lang ako.

"Zie." Seryosong banggit ni Raj sa pangalan ko.

"Fine fine I'll thank him since napakabait niya." As if.

"Good. Kahit may sakit ka di parin nawawala yang katarayan mo ano?" Inirapan ko nalang si Raj. Sumasakit ulo ko kakairap tigil na nga.

"Punta lang kami sa pinakamalapit na convenience store at bibili kami ng ice cream para sayo senyorita at baka magtantrums ka pa mamaya." Napangiti nalang ako. Gusto ko laging kumakain ng ice cream tuwing nilalagnat ako. Dahil siguro kumakalma ako tuwing kumakain ako nito.

Tumango nalang ako habang nakangiti.

"And by the way Zie. This is Eros' bedroom." Kinindatan ako ni Raj bago sila lumabas ng kuwarto. Holy shit i can't stay here. Nagkakatotoo na ang mga sinasabi ng kumag na yon. Bago ko pa mamalayan ay nakatulog na uli ako.

-----------

Bumangon ako. Nasa may desk sa tabi ng kama ang cellphone ko na kinuha ko agad. 4:55 a.m. Napahaba ata tulog ko.

I checked my temperature with a thermometer na nasa tabi ng cellphone ko kanina. 39.8. Atleast medyo bumaba.

Kailangan kong umalis sa kuwartong to bago pa man makarating yung kumag na yon.

Tumingin ako sa suot ko. I'm only wearing a oversized t shirt and undies. Kaya pala ang komportable ko. By the way who the hell owns this shirt? Di ko natatandaang meron akong ganitong size na t shirt.

Napatingin ako sa reflection ko sa cellphone. Nakitang kong may malaking sticky paper sa noo ko. What the heck. Binasa ko ang nakasulat dito.

Di ko alam password ng luggage bag mo kaya kumuha nalang ako sa cabinet ni Eros para may maisuot ka na. Ang thoughtful ko ba? Alam ko hihi Love you Zie

-Raj

Raj hayop ka talagaaaaaaa!

Natandaan ko bigla ang dapat kong gawin I need to get out of here.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan. Nagulat ako nang bigla itong nagbukas dahilan para mawalan ako ng balanse. Napapikit ako dahil alam kong babagsak ako.

Huh? Bat parang ang tagal ata.

Iminulat ko ang mata ko. Nanlaki kaagad ang mata ko nang maramdaman ko ang dalawang brasong nakayakap sa baywang ko.

"Going somewhere sweetie?"

Miss Nerd to Hot ChickWhere stories live. Discover now