Chapter 8

1.6K 65 0
                                    

Sor.

"Since midterm is fast approaching. One of your requirements is to make wedding events especially wedding cakes." Sabi ni Miss Valerie, our major teacher in Baking.

"Is it necessary to have a groom and bride miss? And do we have to make a prenup?" Tanong ng bakla naming classmate na si Kevin.

"Yes, and gagawin niyo rin ang flow sa isang wedding reception. I'll invite some faculties to witness the drama wedding and to taste your cakes. Kevin, you will be the head of the event."

"Okay! Pero ma'am, is it okay na kami na ang pipili? Like, we want a lgbt wedding." Masayang sabi ni Kevin.

"Of course, it's your grade naman. So, I'll let you spend the remaining hours for this class para mag meeting kayo. If you have any questions puntahan niyo lang ako sa cubicle and class, the wedding day would be on first week of April so you have a lot of time to prepare."

"Yes, Miss." Sabi naming lahat at umalis na si Miss Ann. 

"Kia." I poked her dahil kanina pa siya naka subsob sa armchair niya.

"I'm sleepy" Matamlay niyang sabi. I just smiled and patted her head.

Since kaninang umaga napapansin ko parang wala sa sarili si Kia. She still cooked our breakfast naman pero parang may something na nag babother sa kanya. 9AM yung start ng class namin and it's very unsual na hindi siya maaga gumising. Malelate na sana kami kanina kung hindi ko siya kinatok sa kwarto niya.

"So guys, since I am the head of the event. Is it okay na Lgbt Wedding? Para maiba naman tayo sa ibang block." Pagsisimula ni Kevin sa meeting.

"Okay lang basta hindi ako ha." Mataray namang sabi ng isa naming kaklase na si Cory.

"Well, ano ang gusto niyo? Girl-girl or boy-boy?" Masayang tanong ni Kevin sa lahat.

"I'm sure wala namang sasang ayon na boys sa boy-boy Kev. Let's choose the girl-girl, okay lang naman sa kanila di ba girls?" Sabi ni Mikael at kinindatan pa ang mga girls na parang baliw sa kanya.

"Yes!" Pagsang-ayon ng girls naman. Napailing nalang ako  at sumandal sa inuupuan ko.

"Okay then. This is the class record at kung sino man ang mapipili ng tip nang pen ay sila na ang ating brides. Okay ba yun guys?" Sumang ayon naman sila. Nag simula na din mag ingay ang mga girls. Pero si Kia, parang wala lang sa kanya ang nangyayari sa loob ng classroom. 

Sinimulan na inikot ni Kevin and ballpen sa class record. 

"Opssssss!"Huminto na ang ballpen. Parang kinakabahan ako habang tinitingnan ni Kevin ang class record. Ngumiti siya at tumingin sa aming lahat.

"Congrats Soria Gwyn Agustin." Masayang sabi ni Kevin at pumalakpak naman sila.

"Pwede ako nalang ang partner ni Soria Kev?" Tanong ni Mikael at ngumiti sa akin.

"Ako nalang Kevin. Cut the sht Lgbt wedding concept." Nakangising sabi ni Mark habang nakaupo sa armchair niya. 

"I'm sorry boys pero you all agreed naman na girl-girl yung wedding di ba?" Nakangising sabi ni Kevin.

"Ano ba yan!" Inis na sabi ni Mark at Mikael.

"So, sisimulan na natin para makahanap na tayo ng partner ni Soria." Sisimulan na sana ni Kevin ang pag ikot ng pen ng biglang tinaas ni Kia ang kanang kamay niya. Napahinto si Kevin sa ginagawa niya kaya napatingin ang lahat kay Kia.

"Yes Pres?" Tanong ni Kevin.

"I volunteer to be her partner Kev."

***

My Perpetually SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon