KABANATA 1

33 1 0
                                    

"Natalie Rain! Bumaba ka na riyan bata ka at malalate ka na sa skwela mo!" rinig kong tawag sakin ni manang mula sa baba.

"Opo manang! Pababa na po!"

Tugon ko kay manang habang sinusuklay ang mahaba kong buhok at sinuot ang sumbrero na kinuha ko pa sa kwarto ni kuya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Maluwag na t-shirt . Check.
Maong na pantalon. Check.
Rubber shoes. Check.
Cap. Check.

Ngumiti ako sa salamin at tsaka nagpogi pose.

"Ang gwapo ko naman" puri ko sa sarili ko at hinimas ang baba ko na akala mo may makapal na balbas katulad ni santa claus. 

Nang makuntento na ako ay tsaka ko kinuha aking bag at nagpasyang bumaba na.

Ako nga pala si Natalie Rain Cartwright masyadong pambabae yung pangalan ko kaya Rain na lang for short. 16 years old,kasalukuyang nasa 4th year highschool at nagaaral sa Strandford University. Meron akong kuya ang pangalan niya ay Natahaniel Rhys Cartwright, 19 years old, 1st year college at dun din sya nagaaral kaya lang magkaiba kami ng schedule kaya naman hindi kami sabay na pumapasok.  

"Jusko! Ikaw na bata ka. Ano nanaman ba yang suot mo? Kinuha mo na naman ba ang damit ng kuya mo? Nako panigurado mag-aaway na naman kayo nito" sabi ni manang habang nakapameywang na nakaabang sakin sa hagdan.

"Manang, ayaan nyo na yun si kuya. Panget kasi yun kaya hindi bagay sa kanya yung mga ganitong damit, hindi rin naman nya to sinusuot kaya akin nalang hahaha!" paglalambing ko kay manang at saka umakbay sa kanya.

"Ewan ko sayong bata ka, oh sya baunin mo nalang itong almusal mo dahil tiyak na malalate ka kung dito ka pa kumain, kung bakit ba naman kasi ang tagal mong bumaba?" panenermon pa sakin ni manang habang inaabot sakin ang almusal na pinapabaon niya.

"Sus! Manang talaga nagabala pa, kaya love na love kita eh."  Niyakap ko si manang at napatawa naman siya sa ginawa ko.

"Ikaw talagang bata ka...ay sya nga pala sabi ng daddy mo next month pa daw ang uwi nya kaya yung allowance nyo daw ng kuya nyo kunin nyo nalang daw sa ATM nyo..." Napabitaw naman agad ako kay manang nung narinig kong binangit nya si daddy at ang masayahing awra ko kanina ay biglang napalitan ng pagkawalan nang gana.

Ano pa bang bago? Kelan ba namin sya nakita dito? Eh kahit nga makasalubong lang siya dito sa bahay hindi nangyayare eh. Ang paguwi pa kaya nya. OA man pakinggan pero sa tingin ko hindi ko na alam ang mukha ng tatay ko. 6 years mula nang iwan kami ni mommy, anong dahilan? Hindi rin namin alam, basta nalang namin siyang nakitang paalis ng bahay dala dala ang maleta niya.

Nakita namin ni kuya kung paano ni daddy habulin si mommy pero walang ginawa si mommy kundi pagtulakan ito sa pagpigil sa kanya sa pag-alis. Nakita niya kaming nakasilip noon sa hagdan pero ang masaklap? Tiningnan niya lang kami tsaka nagmamadaling umalis.

Walang nakakaalam kung anong dahilan niya. Kapag naman tinatanong namin si daddy, iling lang at tipid na ngiti ang sagot niya samin. Ilang buwan din siyang umiinom sa bar counter sa bahay nang mag-isa at kapag nahuhuli naman namin siyang lasing na lasing, maririnig nalang namin ang panay na sorry niya hanggang sa makatulog siya.

 
Ilang buwan ding paulit ulit na nangyari yon hanggang sa isang araw nakita namin siyang bihis na bihis at mukhang nagmamadaling umalis. Akala namin noon aalis na din siya katulad ni mommy pero hindi, dahil bukod sa wala siyang dalang maleta sinabi niya rin saamin na papasok na siya sa opisina.

Hindi kami sobrang yaman katulad ng iba. Siguro. 'mayaman lang' kung ganoon ba ang tamang paglalarawan doon. Meron kaming kumpanya na mismong si daddy nagpapatakbo. Hindi ito masyadong kilala sa ibang bansa kasi konti pa lang nagiinvest sa kompanya namin ayon kay kuya, pero ngayon mukhang gumagawa na rin ito ng pangalan dahil nga sa todong pag tatrabaho ni dad kaya magmula noon hindi na kami nagkakakitaan.

Magkakakitaan lang siguro kami kapag may event lang katulad ng reunion or parties pero bukod doon ay wala na. Hindi namin magawang magalit kay daddy dahil alam naming lahat kung gaano nya kamahal si mommy kaya naman sa kanilang dalawa imposibleng si daddy ang may kasalanan, pero hindi namin maiwasang malungkot dahil bukod sa hindi na namin siya madalas makasama,sinasarili niya lang ang mga problemang dinadala nya pero kahit na ganon hinahangaan ko pa rin siya dahil napaka tapang niya..silang dalawa ni kuya dahil nakayanan nilang makarecover at matanggap na wala na si mommy.

Pero ako? Hindi, napakatagal na panahon bago ko natanggap na hindi na siya babalik sa amin at dumating yung araw na napagdesisyon ko na maging sina kuya at dad, mula sa pananamit at kilos nila.

Sa pagiging matapang, matigas at hindi basta basta napapaiyak ng kung sino sino lang. Nagalit man sila sa mga padalos dalos na mga desisyon ko wala na rin silang nagawa dahil iniisip nila na baka naisip ko ang ganong bagay dahil nakikita at naaalala ko si mommy kapag humaharap ako sa salamin na babaeng babae ang ayos na totoo naman at isa rin sa dahilan.

Pumayag sila pero ang hindi nila pinagayagan ay ang pagputol ng buhok ko kaya naman hanggang bewang na ang buhok ko na ikinaiinis ko lagi dahil hassle at napakahirap suklayin.

"Anak ... anak... Ano na bang nangyayari sa iyo? Narinig mo lang na binanggit ko ang daddy mo natulala ka na riyan" Napabalik naman ako sa wisyo ng kumaway si manang sa mukha ko.

"Ah... Wala yun manang sige po alis na ako late na po ako eh. Hehe" sabi ko nalang at mukhang naghahanda nanaman siya ng sasabihing panermon sa akin.

"Mabuti pa nga.. Oh siya alis na" at pinagtutulak naman niya ko ng mahina papunta sa pintuan.

"Eto na po.. Eto na po.. Bye manaaang. Mwah!" natatawa ko pang sabi at nagflying kiss pa sa kanya.

Napapailing na natatawa nalang siyang kumaway sakin. Masyado na kaming close ni manang hindi lang saakin kundi samin ni kuya. Siya na kasi ang nagsilbing nanay namin magmula ng umalis si mommy.

"Alis na po tayo Mam Rain?" tanong ni Manong Jun.

"Manong Jun naman sabing wag masyadong formal eh. Tska ano po yung mam? Masyadong babae yuck!"  natawa naman si Mang Jun sa inasal ko.

Si Mang Jun ay ang family driver namin matagal na siyang namamasukan samin kaya naman nakakabiruan ko siya at isa pa tinuturing namin silang pamilya.

"Rain naman iha, sayang naman yang ganda mo kung magiging ganyan ka lang? hindi ka ba nanghihinayang ha?" napatingin naman ako sa labas ng bintana ng marinig ang tanong ni Mang Jun.

"Mang Jun naman. Alam mo naman po na hindi na magbabago yung desisyon ko diba?"

"Oo Naman. Kaya lang ako nanghihinayang eh."

'Ako din naman po Mang Jun nanghihinayang din ako pero wala eh. Masyado kasi akong naapektuhan na dumating sa puntong naisipan ko nang mag-ibang anyo para lang matago ang pagiging mahina at matatakutin na Natalie at ang masayahin at matapang na Rain lang lagi ang nakikita nyo.'  Gustong gusto kong sabihin kay Mang Jun kaso hindi ko kaya at tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

Naramdaman niya ata na hindi ko na kayang sumagot kaya tumahimik na siya at nagdrive nalang.



Tomboy In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon