KABANATA 3

22 1 0
                                    

Nandito ako sa mini forest ng school. Dito ko naisipan pumunta nung palayasin ako ni kalbo kanina at naisipan nalang mag-aral para sa quiz namin mamaya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Sino naman kaya to?" ani ko habang hinahanap sa bag ko yung cellphone ko.

* Amber calling*

Ano nanaman kaya kailangan nito.  

[NATALIE RAAAAAAIN!]

"ARAY! ANO BANG PROBLEMA MO AMBER WILLLIAMS!" bigla naman nagsitinginan ang mga tao sakin.

Nahiya ako bigla kaya yumuko nalang ako ng konti at ngumiti ng tipid sa kanila.

"Ano ba kasing kailangan mo at nagsisisigaw ka jan?"

[Wala naman hehe. Tatanungin ko sana kung nasaan ka eh.]

"Aish. Nandito ako sa mini forest nagaaral ako. Napaka ganda mong istorbo no?"

[Thank you. Haha punta ko jan wait mo ko.]

"Dalian mo" at pinatay ko na yung tawag.

Kahit kailan talaga hindi na nagbago boses nun. Tsk. Siya si Amber Williams sad to say childhood bestfriend ko siya.

Pero kahit na ganun yon, parang kapatid na turingan namin sa isa't isa kaya naman ganun nalang kami kung magusap.

Parehas kami ng edad kaya naman nagkakasundo talaga kaming dalawa. Magkaklase din kami ang kaso nga lang tamad pumasok yung baliw na yun kaya hindi mo siya madalas makikita sa klase.

"Tsk. Ang ingay naman. kitang may natutulog dito eh."

Napalingon lingon naman ako sa boses ng lalaking nagsalita. May natutulog? Saan? Hinanap ko nang hinanap yung 'natutulog daw' sa paligid pero nabigo ako.

"Tsk. Walang konsiderasyon sa mga natutulog na tao. Kung makasigaw akala mo siya lang tao dito."

Nagulat naman ako ng biglang may tumayong lalaki na gulo-gulo pa buhok sa likod ng sinasandalan kong puno. 

Bat di ko man lang naramdaman na may ibang tao pa pala dito.

"K-kanina ka pa jan?" tanong ko sa kanya. Hindi ko makita mukha niya dahil yung likod niya yung nakaharap sa pwesto ko.

"Oo. Ako nauna sa pwestong to." sabay harap niya sakin na siyang ikinagulat ko.

"I-ikaw?"

"Oh bakit may problema ka ba kung ako?"

"Kaya naman pala magaspang magsalita eh. Si Stranford the Great pala ito" bulong ko habang nakatingin ng masama sa lalaking nasa harapan ko.

"Anong binubulong bulong mo jan ha? Gusto mo bang suntukin kita?"

"Aba't ang yabang mo ah! Anong pinagyayabang mo ha? Na anak ka ng may-ari ng school? Yon ba? Pwes para sabihin ko sayo hindi ako takot sayo. Kahit sapakin ko pa yang mukha mo. Wala akong pakielam!"

"Hoy! Tomboy. Wala akong panahon sayo. Kung magpapapansin ka sakin pwede wag ngayon? Wala ako sa mood eh"

"At sino nagsabi sayong nagpapansin ako? Yung utak mo ba? Hah! Advice lang brad. Pagamot ka na. Baka pagiging baliw abot mo nyan." sabay tawa ng pang-asar.

"Bakit hindi ba? Hindi porket nagdadamit ka ng panlalaki hindi ka na babae. Para sabihin ko sayo mapababae man o lalaki hinahangaan ako. Hindi imposibleng pati tomboy magkagusto rin sakin. Kaya kung isa sa technique mo yan sabihin mo lang sakin. Bukas date tayo para matahimik na yang bunganga mo."

"Bastos ka!"

At sinapak ko siya sa mukha at sinipa ang pinakainiingat ingatan niya. Napaluhod naman siya sa ginawa ko.

"Para din sabihin ko sayo hindi ka diyos para tingalain ko. Pakielam ko sa mga humahanga sayo? Tinatanong ko ba? At katulad nga ng sabi ko kanina hindi ako takot sayo. Naiintindihan mo?"

Pagkatapos kong sabihin yun ay kinuha ko na lahat ng gamit ko at nagmamadaling umalis bago pa dumami anng mga taong nakatingin sa amin. Buti nga hindi sila pumalibot sa amin kundi nako mas lalong makakahakot ng tao yun. Mabuti pa sigurong salubungin ko nalang si Amber para na din di na siya makapunta dito at marinig ang mga usap usapan sa paligid.

"Hoy tomboy! Tandaan mo tong araw na to! Hindi kita tatantanan. I will make your life a living hell. Hndi kita titigilan hanggat ikaw mismo magmakaawa na ipaexpelled ka na sa school na to"

"Sige! Intayin ko yan!"  

Balik sigaw ko sa kanya. At tinaas ang middle finger ko habang nakatalikod tsaka nagmadaling umalis baka maabutan pa ko nun. 

Napahalakhak ako ng mahina ng marinig ko ang pagka-asar niya. Buti nga.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tomboy In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon