KABANATA 2

23 1 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng strandford university habang nakasuksok sa tenga ang aking headset at sumasabay sa kanta ng 'Trap Queen'.

"I'm like "Hey, what's up? Hello?"
Seen yo pretty ass soon as you came in the door
I just wanna chill, got a sack  for us to roll
Married to the money, introduced her to my stove
Showed her how to whip it, now she remixin' for low
She's my trap queen, let her hit the bando... hmm hmm"

Feel na feel ko pa ang pagkanta ko ng may marinig akong boses na parang tumatawag.

"Miss!"

Hindi ko yun pinansin at ipinagpatuloy ang pagkanta with matching head bang na. Hindi naman ako chismosa para pansinin kung sino man tinatawag nun.

"Miss!"

May narinig ulit akong tumatawag pero this time alam ko nang ako yun dahil nakatingin na halos ng estudyante sakin.

"Sino ba yun?" tanong ko sa sarili ko habang palinga linga sa paligid ko.

tinanggal ko muna ang headset ko nang marinig ko ulit na may tumatawag sakin.

"Miss!"

Sakto pagkarinig ko sa tumawag sakin ay ang paglingon ko naman sa direksyon niya. At kung sineswerte nga naman, sumalubong sakin ang lumilipad na baseball papunta sa direksyon ko.

Bago pa magreact ang katawan ko, tumama na sakin ang baseball at hindi na napansin ang taong papunta sa kinaroonan ko dahil sa panlalabo ng paningin. Kinapa ko ang gilid ng noo ko nang may maramdaman na umaagos na malapot na likido.

"Dugo?" saktong pagkasabi ko noon ay ang pagdating ng lalaking papunta sakin at pag wala ng aking malay.

-------------

"Okay na ang kalagayan nya. Medyo nashock lang yung katawan niya at malakas ang impact ng bolang tumama sa ulo niya kaya siguro nahimatay siya. No need ng dalhin pa siya sa hospital."

"Sure ka Nurse Keyes? Baka kasi ano na nangyare jan. konsensya ko pa."

Naalimpungatan ako sa ingay sa kwarto ko. Aish! Sabi ko walang papasok ng kwarto ko kapag tulog ako eh.

Nagmulat ako ng mata at puting kisame ang bumungad sakin. Inikot ko ang paningin ko at napag-alamang nasa clinic pala ako ng school. Sino naman nagdala sakin dito?

"Yes Mr. Stranford don't worry, ako na din ang bahala sa kanya, you can now go to your class."

Napalingon naman ako sa nagsalita at napansin ang lalaking nakatalikod sa akin at si Nurse Keyes na naguusap. Siya siguro nagdala sakin dito, kailangan kong magpasalamat sa kanya.

"Sige ikaw na bahala sa lampang tomboy na yan, ayokong magkaroon ng responsibilidad kaya naman sinisiguro ko sayo kung wala talagang probema, but since wala naman then that's good to hear."

Nagbago na isip ko. Hindi na ko magpapasalamat sa kanya dahil una sa lahat, siya may dahilan kung bakit ako nandito. At ano!? Lampang tomboy? Kelan pa ko naging lampa? Inuubos ng lalaking to ang pasensya ko ah. Teka nga.

"HO-" naputol ang dapat kong pagsigaw sa kaniya ng nagmamadali siyang lumabas ng clinic ng makitang tumayo ako mula sa higaan at malakas na sinarado ang pinto.

"Aish! Sinong lampang tomboy ha? Naghahanap ata ng sakit ng katawan yung lokong yun ah. Humanda ka sakin sinasagad mo pasensya ko." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ng masama sa pintuang pinaglabasan niya.

"Ah, Ms. Cartwright. Okay ka na ba? Kasi kung okay na pwede ka ng magattend ng next class mo. Just sign this slip before you go."

Ginawa ko naman ang sinabi ni Nurse Keyes at tsaka nagtungo na sa next class ko nang naiinis pa rin sa Stranford na yon.


'Naisahan niya ko dun ah!'

------------

"Okay class, bring out your book and turn to page 54." aniya ni Sir Casas.

Napabuntong hininga naman ako ng malalim na akala mo'y pasan pasan ang mundo. Anong problema ko? Wala naman. Ayoko lang ng math. Dapat pala ay nag tulog-tulugan muna ako sa clinic kanina para hayahay ang buhay ko ngayon. 

Nagpasya nalang akong i-enjoy ang sarili ko sa magandang view sa labas na siyang nakatapat sa field ng university at di na inalintana ang guro sa harapan. Gustong gusto ko talaga ang pagka green ng mga halaman dito. Maaliwalas tingnan. 

Nabubusog na sana ang mga mata ko sa magandang tanawin sa labas ng makita ko ang bwisit sa buhay ko ngayong araw sa field at mayabang na naglalakad patungo sa mga players na naglalaro doon. 

"Yabang." bulong ko sa hangin.

Kunot na kunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang nakikipagkulitan sa mga players na mukhang mga barkada niya. 'Di malabo, mukha din naman mayayabang mga kausap niya, pwe!

tutok na tutok ang atensyon ko sa mga tao sa labas ng di ko mamalayan na tinatawag na pala 'ko ni Sir Casas. 

"Ms. Cartwright, are you listening?" 

Yare, di ko alam kung anong topic! Kingina naman oh, kung minamalas ka nga naman.

"Y-yes sir" sagot ko kahit hindi naman. Mas mayayare ako kung sinagot kong' hindi.

"Alright then, would you give us the meaning of hyperbola?" bigla akong pinagpawisan ng malamig. Sa dinami dami ba naman kasi ng mapapansin ako pa. Yung iba nga nagpphone nalang eh. Wala kong choice.

"N-no pala sir hehe" sagot ko ng alanganin habang nakamot sa ulo. 

Nakita ko namang parang hindi maipinta ang mukha ni Sir Casas. Hala, sorry na sir. Kasalanan ko bang enemies kami ni math.

"Get out!" Napatalon naman ako sa sigaw niya sabay nang pagtahimik ng klase. 

Skeri!

Dali dali naman akong nagligpit ng gamit habang nakayuko dahil ramdam ko ang titig nila sa akin na tagos hanggang bone marrow. Tiningnan ko muna si Sir na namumula at nangingintab na ang ulo sa pagkainis. 

Ba't parang kasalanan ko!

Chariz 

Nagsorry muna ako kay sir with matching bow para mabawasan naman pagkainis niya sa akin.

'Di naman na bago ang ganitong encounter ko kay Sir Casas, ewan ko ba ba't laging galit sa akin 'yon, kala mo pinaglihi sa sama ng loob hmp. Peyborit pa 'ko non, kahit may mas malala pa sa akin ay ako ng ako ang tinatawag, tapos biglang magagalit. Tama ba yon?

Hay buhay parang life.

Tomboy In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon