"Kuya!!!" Sigaw ko habang tumatakbong palapit sa kuya kong nakasakay sa motor niya. "Grabe ka kuya ang tagal mo! Ang sakit na paa ko pagtayo doon oh!" Pagkaturo ko sa tinayuan ko eh yumakap na ako sa kanya. Si kuya ang taga-hatid at sundo sa akin sa eskwelahan. Kapag uwian, hinihintay ko siya sa waiting shed sa labas ng school na wala man lang upuan kaya kapag ganitong nagtatagal siya banas na banas ako dahil inuugat na paa ko sa pagtayo.
"Tara na nga! Gugutom na ako !" Dagdag ko pa.
Biglang humarap sakin si Kuya. Pagkatanggal ng helmet nya ay laking gulat ko na hindi pala siya iyon.
"Oh my Gosh! Sorry po naku Sorry.... " Dali-dali akong umalis sa pagkakasakay sa motor at hindi na ulit tinignan ung driver. Kainis ka Kuya! Kasalanan mo toh! Ramdam na ramdam ko ung pamumula ng muka ko hanggang sa tenga ko. Sobrang nakakahiya talaga!
Bumalik ako sa pinaghihintayan ko sa kay Kuya at maya-maya lang dumating na siya.
"Kainis ka kuya! Grabe sa sobrang tagal mo nangyare na ang most embarassing moment ko! Argggghh!" Sinasapak ko ang likod niya habang sinasabi ko un.
"Aray aray! Teka nga ano ba! Wait! Ano kamo? Most embarassing moment mo? Bakit? Ano ba nangyari?" Natatawa niyang tanong habang dinedepensahan ang sarili sa pagpalo ko. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi niya pa rin mapigilan ang pagtawa. Ako naman nakasimangot buong biyahe namin.
Pagkauwi sa bahay napansin ni Mommy ang nakabusangot ko na mukha.
"O bakit ang baby ko parang pinagsakluban ng langit at lupa? Ano na naman ba Jere ang ginawa mo dito sa kapatid mo?" Usisa ni mommy
Hayun, kinuwento ng kapatid ko ang kwento ko kanina. Si Mommy halatang nagpipigil ng tawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa dun? Kung hindi lang ako ung nakaranas baka nakikitawa na din ako sa kanila. Sobrang nakakahiya un. Take note. Yumakap pa ako. E ganon naman ako kasweet talaga sa kapatid ko. Paano ba naman kasi akala ko si Kuya talaga un. Pareho sila ng modelo ng motor. Pati kulay. Ung built ng katawan. Pati pananamit. Kaya ayun. Hay naku. Di bale na nga. Sigurado naman akong hindi na kami magkikita nun eh. Kumbinsi ko sa sarili ko.
Matapos kumain umakyat na ako sa taas. Pinipilit kong tandaan ung lalaking nasakyan ko .
Infairness, ang bango niya ha.
At saka napansin ko ung ilong niya. Ang tangos sa sideview. Hindi ko naman kasi nakita ang buong features ng mukha niya kasi nga paside lang. Hindi ko din natitigan ng husto. Basta ung ilong lang niya ang talagang nakaagaw ng atensyon ko.
Hindi ko alam kung bakit parang imbes na isipin kong wag ko na sana siya makita eh may side sa utak ko na nagsasabi sana makita ko pa siya. Kaso sigurado, hindi ko siya makikilala kasi nga di ko na matandaan ang mukha.
Baka pag naamoy ko siya matandaan ko pa. Baliw ka na. Pwede ba namang siya lang may ganong pabango? Natural marami un.
"Haaaaay!! Ano ba toh! Bat ko ba iniiisip un eh kahiya hiya ung pangyayari na un! Kapag may autograph akong pipirmahan ng mga kaklase ko, may mailalagay na ako sa Most Embarassing Moment dun. Erase Erase Erase!"
Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ko makalimutan un. Hindi ko alam kung bakit talaga namang nanghihinayang ako kasi hindi ko man lang nilingon ung lalaki para naman makita ko mukha niya.
Ano kaya ang ginawa niya after ko bumaba? Tinignan kaya niya ako? Sinundan kaya niya ako? Sayang talaga!
Pero hindi dapat ako nanghihinayang. Hanggang ngayon feel na feel ko pa din ung pagkapahiya kanina. Di ko lubos maisip na mangyayari sakin ung katangahan na un.
BINABASA MO ANG
Lovestruck (Book one: Completed)
RomanceHearts don't have eyes, ears nor mouth. No one can tell you what is right or wrong. You just have to listen to its every beat. Because simply, heart don't lie.