Chapter 3:

2.3K 101 2
                                    

Bumalik na naman kami sa klase matapos ang isang oras na break. Eto na naman ung asar. Nagsimula na naman. 

"Hi Elle slash Ms. Sungit slash Ms. Yakap." Panimulang pang aasar niya.

Manigas ka dyan! Hindi na kita papansinin!

Habang naghihintay sa next na subject namin kinuha ko ulit ung headset ko at sinuot sa tenga ko. Tinanggal niya uli kaya nainis na ako at hinarap siya. 

"Ano ba! Kung hindi mo kayang tumahimik pwede ba wag ako ang kulitin mo! Asar ka!" Sigaw ko sa kanya pero hindi malakas. Sinigurado kong siya lang ang pwedeng makarinig. Konti palang naman kami sa room.

"E paano un. Wala naman ako iba gusto na kakulitan eh. Ikaw lang."

"Tigilan mo ko. Please lang. Sumasakit na ulo ko sayo." Hinawakan ko ang ulo ko. Totoong masakit na iyon. Dahil siguro sa init ng panahon tapos umambon. Tumahimik naman siya pero nakikita ko pa din sa gilid ng mata ko ang paglinga linga sa akin. Isang subject nalang ng tumayo siya. Wala pa naman si teacher kaya umalis siguro. Di na kinayanan ang inip. Lumabas din ako para mag CR. Pagkabalik ko galing dun nakita ko sa armchair ko ang dalawang pirasong paracetamol at may bottled water. Malamang si Bessy nagbigay nito. Ang generous talaga! 

Agad ko din naman ininom un para mawala na ung sakit ng ulo ko. Nakita kong tinitignan ako ni Jaei habang iniinom un. Nakakabwiset na ung patingin-tingin nito. Paglinga ko sa mga kaklase ko nakatingin din sila. Nakakataka pero binalik ko ung tingin ko sa katabi ko.

"Oh Bakit na naman?!" Sabi ko.

"Wala lang.. " 

Inirapan ko lang siya. Nagpapasalamat ako dahil madali naman pala siyang makaintindi. So dapat pala everyday sabihin kong masakit ang ulo ko. Ting! Great Idea!

Natapos ang buong klase at nagpaalamanan na kami ng bestfriend ko. Hinihintay siya ng boyfriend niya at sabay na sila lalabas ng school. At ako, mag-isa naglalakad palabas. Dumiretso na ako sa waiting shed para hintayin ang sundo ko.

Oo. Ganito lagi ang scenario. School-Bahay lang ako. Wala naman kasi mapagkakaabalahan sa labas. Nakakatamad din. Sabi nga nila loner daw ako. Madalas nga kasi ako mag-isa at ung bestfriend ko lang ang lagi ko kasama. Kuntento na ako dun basta may nakakausap. Kung wala naman e di wala. Di ko naman ikakamatay un.

PiPiPiP!

May bumusina ng pagkalakas lakas kaya naman napalingon ako pati na din ang iba pang malapit dito sa waiting shed. Si Jaei. Na naman. Sabay kunot ng noo ko at  nag-iwas ng tingin.

"Tara hatid na kita. Baka matagalan ka na naman dyan at iba na naman ang masakyan at mayakap mo." Sabi niya pagkalapit sa akin.

"Thanks, but no thanks." Ngumuso ako sa kanya at umirap. Bakit ba hindi matahimik to sa nangyari? Pwede namang kalimutan un ah. 

Umalis siya at nakahinga ako ng maluwag. Pero nagulat nalang ako ng nakita ko siyang papalapit. Helmet nalang niya ang dala niya. 

"Hi!" Bati niya na para bang ilang araw na kami huli nagkita.

"May pa Hi Hi ka pa dyan eh kanina lang nandito ka. Oh ano ginagawa mo dito?"

"E di sinasamahan kang maghintay. Baka kasi sumakay ka sa iba."

"Haaaay! You think mauulit pa un? Syempre ngayon aware na ako at sisiguraduhin kong hindi na mauulit pa un! At saka hindi ko kailangan ng kasama! Tsupi!" Pantataboy ko sa kanya.

Kainis toh. Hindi yata alam ung salitang move-on.

"Whatever."  Maikling sagot niya. Nasa magkabilang pole kami. Un parang hindi magkakilala dahil sa tagal hindi man lang kami nag-usap. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na lumilingon-lingon siya sa akin pero never ko siyang tinignan at kinausap. Ayoko bigyan siya ng pagkakataon na makapang-asar na naman.

Tinotoo nga. Sinamahan nga ako sa paghihintay. Mag 20 minutes na kami nakatayo pero wala pa din si Kuya.

"Ang tagal naman ng sundo mo." Tanong niyang halata ang pagkainip.

"Sino ba naman kasi nagsabi sayo na maghintay ka? Diba sabi ko nga kanina umalis ka na."

"Ganito ba araw-araw? Gusto mo ako nalang ang magiging service mo? Para naman hindi ka maghihintay."

"Wow! Ang pagkakaalam ko eh kanina lang tayo nagkakilala. Sa klase lang. Kanina lang din kita nakausap at kanina lang din kita nakita." Sarkastiko kong sagot.

"Kahapon pa tayo nagkita at nagkausap, remember?" Nakangiti niyang sabi.

Hindi na ako sumagot. Ewan ko ba parang nakakabit na sa noo ko ung kunot kapag nasa paligid siya. Naaasar talaga ako sa presensya ng kolokoy na toh. Nang umabot ang 30 minutes nakita ko ng parating si Kuya.

"Ang tagal mo Kuya!" Sabay sakay sa kanya. Hindi ko na nilingon si Jaei. Hindi ko alam kung pagkaalis ng motor namin eh umalis na din siya. Ayokong hanggang pag-uwi ay dala ang bwiset at asar sa kanya.

"Sino un Elle?"

"Ha??? " Nagkunwari akong di ko narinig para makalimutan na niya ang tungkol don.

Nang nakarating na kami sa bahay, akala ko nakalimutan na ni kuya ung tungkol sa kasama ko habang hinihintay siya. 

"Be, sino ung kasama mo dun kanina? Boyfriend mo?" Tanong ni Kuya.

"Kapag kasama boyfriend agad? Di ba pwedeng malay ko ba sa kanya na baka naghihintay din siya ng sundo niya at inabot din ng kalahating minuto?" Inis na tanong ko sa kanya. Naaasar na kasi ako kay kuya. Nasasanay na siyang pinaghihintay ako ng ganun. 

Paano nalang kung wala ako kasama dun?

Ha? Ano daw? E ano kung wala ako kasama? Ayan na naman. May mga kung ano ano na naman na bumubulong sakin.

"Ahhh Sorry natagalan ako. Kailangan ko pa kasi idaan ung pinabibigay ni Mommy kay Nanay. Sorry na ha." Nanay ang tawag namin sa lola namin. Be naman ang malimit itawag nila ni Mommy sakin short for Baby. Ako kasi ang bunso at malayo ang agwat ng edad ko kay Kuya. Nagkibit balikat nalang ako. E hindi naman kasi  magtatagal ang galit ko sa kuya ko na to eh. Super lambing kasi. At ayan. Nilalambing na naman ako.

Pagkatapos namin kumain pumanik na ako sa taas. Ginawa ko muna ung mga assignment ko at humiga na sa kama. Nakakapagod talaga ung maghintay ng ganun. Ang sakit sa paa. Bakit ba kasi hindi pagawan ng upuan ung waiting shed na un. Para naman kapag may mga katulad kong kinakawawa ng taga-sundo hindi maiinip ng ganun.

Arte-arte mo kasi! Sabi na nga nung pogi dun ihahatid ka! Makaarte ka kala mo maganda!

"Hoy! Bakit maganda naman talaga ako ha! Maka-ano toh!" Ayan na naman ang taksil kong konsensya! Kontrapelo talaga kahit kailan!

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext ang bestfriend ko.

Bessy, thanks sa gamot kanina. Napakagenerous mo talaga. Pero paano mo nalaman na need ko ng gamot? You can read minds ba? Haha! Nweiz, thanks ulit. See you tom. Labyu.

Mga limang minuto ang lumipas ng tumunog ang cellphone ko .

What are you talking about? Hindi ako ang nagbigay sayo nun noh!

Nireplayan ko siya.

Ha? E kanino galing un?

Eh di kanino pa? Sa seatmate mo. :D

Lovestruck (Book one: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon