Grabe ha! Sinungitan ko lang kanina meron agad babae nakaangkas? Wow. That was fast! Kahapon lang mag-isa siya. Siguro pagkaalis ko saka niya sinakay ung babae na yun! Bwiset ka talaga Jaei kulugo! Wag na wag mo ako kakausapin!
Hindi ko alam bakit galit na galit ako. Galit ba ako dahil hindi man lang niya ako tinignan kahit alam niyang nandun lang ako o galit ako dahil may babae siyang kasama.
Natural ung una ang sagot diyan. Kasi kahapon lang diba sinamahan niya ako dito. Tapos nang-aasar siya. Tapos ngayon di man lang ako nilingon. Yun lang yun. Kumbinsi ko sa sarili ko.
Dumating din naman agad si Kuya na hindi katulad nung mga nakaraang araw na pinaghintay ako. Magagalit kasi si Mommy sa kanya kapag nagreklamo na naman ako pagkauwi. Pansin na pansin niya ang pagkairita ko. Ako kasi ung tipo ng taong transparent. Alam na alam mo kung kailan masaya at alam na alam mo kapag galit. Hindi ko kayang magtago ng emosyon. Kapag galit ako , galit ako. Hindi kita papansinin. Ayaw ko nung kaplastikan.
"Be, napapansin ko lately na lagi ka nakabusangot. Sige ka mamaya niyan tumanda ka agad. Baka mas maging mukhang matanda ka sa akin." Niyakap ko lang si Kuya mula sa likod at hinilig ang ulo ko. Ayaw ko magsalita. Wala ako sa mood makipagusap.
Pagkauwi sa bahay nakahanda na ang miryenda. Kadalasan sabay sabay kami kumakain nila Mommy lalo na pag maaga ako nasusundo ni Kuya. Ito na rin kasi ang bonding time namin.
"Ahmm. Mommy, malapit na pala magstart ang Intrams. Gusto ko po magtry-out sa track and field."
"Ano ba naman baby. Ang daming pambabaeng sports bakit yan na naman ang lalaruin mo?" Tanong ni Kuya.
"Kuya, alam mo naman na engot ako sa pag volleyball eh. Ni pagseserve nga hindi umaabot sa net. Sa badminton naman e hindi naman ako ganun kagaling. Kailangan dun marami ka alam na techniques. Simple lang mga alam ko. Saka alam mo naman passion ko ang running eh diba. Hindi lang ako nakasama netong last two years kasi busy busyhan ako sa ibang activities. This time gusto ko naman bigyan ng time ung hilig ko. Two years nalang gagraduate na ako. " Mahabang paliwanag ko.
"Okay Sige, kung yan ang gusto mo. Ano oras ka na makakauwi niyan?"
"Oo nga be, gagabihin ka na ng uwi?" Tanong ni Mommy.
"Hindi naman po gabing gabi talaga, Ma. May araw pa naman pag uwian. One hour lang naman practice kung makakapasok ako"
"For sure naman yan makakapasok ka eh. Nung elementary ka diba varsity ka dyan?"
"Oo Kuya pero medyo tumaba na ako ngayon. Baka hindi na ako ganun kabilis."
"Practice makes perfect. Kaya mo yan Elle! Susunduin ka pa din ni Kuya."
"Syempre noh Kuya! Walang palya dapat un kundi uumbagan kita!"
Nagtawanan kami. Masaya kami at kuntento na sa ganito.
Nang matapos ang hapunan umakyat na ako sa taas para maaga makatulog. Un nga lang. Hindi ko nagawang makatulog agad dahil sa kakaisip sa nangyari kanina. Kapag naalala ko ung mukha ni Jaei na nang isnob sa akin ay bumabalik ung pagkaasar ko. Parang di ako nageexist sa earth non ah.
"Kakainis talaga ung mokong na un! Agad-agad may babae na."
Teka nga, bakit parang ang dating eh nagtaksil sayo! Hoy te! Wag kang assuming ha!
"Oh my God ayan na naman sila! Arggghh! Patulugin niyo ako please lang!"
After 3 hours, dinalaw din naman ako ng antok. Mula ng makilala ko yang tukmol na yan hirap na ako lagi sa pagtulog. Palagi na ako napupuyat. Hindi pwede to. Masisira ang beauty ko dahil sa eyebags. Kailangan gawin ko na normal ang lahat. Kung hindi niya ako papansinin, e di huwag. Kapag pinansin niya ako e di okay lang.
"Good morning world! Let's start the day with smile!" with my arms wide open, binati ko si Mommy at Kuya na kumakain na ng almusal.
"What's good in morning baby ha?" Sabi ni Mommy na sinuklian naman ung ngiti ko.
"Aba , good mood ang bunso ah." Nakangiti din si Kuya
"Wala lang naman po. Naisip ko lang na dapat paggising palang nakasmile na para buong araw eh masaya!" Paliwanag ko sa kanila.
Matapos kumain hinatid na ako ni Kuya sa school.
Dumiretso na ako sa upuan ko at nakita kong wala pa ang bestfriend ko.
"Napaaga ata ako." Kinuha ko nalang ang cellphone at headset ko at nagsimulang makinig sa music. Pumikit ako habang nakasandal sa upuan. Nakatulog pala ako. Dala ng puyat kasi kaya konting pikit lang makakatulog na. Hindi ko na namalayang isa-isa na palang nagdatingan mga kaklase ko sa lakas ng tugtog na nasa tenga ko at dahil na din sa himbing ng tulog ko. Paglingon ko sa kanan ko nakita ko nandun na ang tukmol at nakatitig sa akin.
"Hello Elle! Ang ganda mo pala kahit nakapikit ka lang." Nakapalumbaba at nakatitig na sinabi niya sa akin. Naramdaman ko agad ang pamumula ng mukha ko at tenga ko. Mukang kanina pa niya ako tinitignan habang nakapikit.
Nakakahiya baka nakanganga ako ha!
Kaya naman para hindi niya mapansin, inirapan ko nalang siya. Nag-iba ako ng tingin.
Kainis toh. Matapos ako sungitan kahapon kakausapin ako ulit ngayon! May sakit ata to sa utak eh. Sabi ng nasa isip ko.
"Thank you!" Un lang sinabi ko kasabay ng pilit na ngiti.
"Marunong ka rin palang ngumiti. Sana araw-araw mo na lang akong nginingitian." Sabi niya na hindi ko na pinansin. "Elle, bakit hindi ka na naman namamansin diyan?" Tanong niya ng hindi na ako sumagot.
"Akala ko ba mas gusto mo na nginingitian ka? So wag ka gumawa ng paraan para simangutan na naman kita."
"Ang sungit mo talaga."
"So ako pa ba ang masungit ngayon matapos kang dire-diretso kahapon lumabas ng kwarto tapos nung uwian ni hindi ka man lang lumingon sa akin nung nasa waiting shed ako kahit na alam mong andun lang naman ako. Bakit kasi may sakay kang babae---" Natigil ako nung narealize kong ung nasa isip ko ay bigla ko nalang nasabi.
Oh my God! Ano ba ung sinabi ko?
Author's Note:
Sorry po kung may mga wrong grammar or misspelled words. Hindi ko pa kasi naeedit ito. :D
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Lovestruck (Book one: Completed)
RomanceHearts don't have eyes, ears nor mouth. No one can tell you what is right or wrong. You just have to listen to its every beat. Because simply, heart don't lie.