Oh. I see. Reply ko sa kanya. Syempre hindi ko pinahalata ung gulat ko.
How sweet... Don't hide your kilig bessy. O siya. Goodnight na. Mag thank you ka dun sa tao ha! Alam mo bang halos lahat ng classmate natin nakita un. Naging 101% ang pogi points niya sa akin at sa mga kaklase natin! Sige ka lalo dadami haters mo! Babush! Labyu too.
Talaga naman. Magthank you? Bakit? E isa siya sa dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko kanina. Kung hindi siya kulit ng kulit hindi din ganun kasakit ang ulo ko.
Hindi ako nakatulog agad na naman ng gabing iyon. Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko sige pa din ung utak ko kakaisip. Iniisip ko kasi kung bakit ba gagawin niya un. Ayaw ko mag assume. Ayaw ko namang isipin na may something. Baka talagang ganun lang siya kasweet. E isa't kalahating g*go un eh! Basagulero! Baka naisip na niya na siya may kasalanan kaya nakonsensya. Un nalang ang inisip ko kaya naman alas dos eh nakatulog na ako.
Pagkagising ko agad akong naligo dahil antok na antok pa ako. Ilang oras palang ang tinulog ko kasi nga sa walang kwenta kong iniisip. Sinuklay ko ang buhok ko. Naglagay ng konting powder at lip gloss. Wait! Bakit ba ako naglalagay neto? Agad ko namang binura ung lipgloss. Etong si Bessy kasi ang lakas makahawa. Bigay bigay pa ng ganito eh di ko naman magagamit toh. Sus kunwari ka pa eh kalalagay mo lang!
"Grabe talagang tatraydurin na ako ng konsensya ko?" Tanong ko sa sarili ko.
Bumaba naman ako pagkatapos ko ayusan sarili ko. Ayusan talaga?
"Ano ba yan! Nababaliw na ata ako. Ang dami nagsasalita sa utak ko!"
"Baby ano un?" Tanong ni Mommy ng nakita niya akong pababa na ng hagdan.
"Wala po." Umupo na ako at nagsimulang kumain.
"Hotdog na naman baon mo? Di ka ba nagsasawa anak?"
"Hindi po Ma." Mabilis kong sagot sa kanya.
"Okay. O heto na. Hintayin mo lang si Kuya mo pababa na un."
"Thank you Ma."
Si Mommy nalang ang kasama namin ni Kuya. 4 years old palang ako ng naghiwalay sila ni Mommy. Ang sabi lang ni Kuya sa akin ay "May mga bagay na talagang kahit anong gusto natin hindi natin pwedeng pilitin. It's better this way. Don't worry, Kuya will never leave you, ever."
Parang naririnig ko pa ang boses ni Kuya habang sinasabi sa akin un. Oo bata pa ako nung mga panahong iyon pero gumawa si Kuya ng paraan para maintindihan ko ang mga nangyayari. Ayaw daw niyang maging bulag ako sa walang katotohanan. Sa totoo lang wala na akong balita kay Daddy. Hindi din kasi tinanggap ni Mommy ung sustento na binibigay niya. Kaya yun, hanggang ngayon wala na kami alam sa nangyayari sa kanya. Siguro tuluyan na niya kami nakalimutan.
Pero paano kapag dumating siya? Kapag bumalik siya? Kaya ko kaya tanggapin? Naku hindi ko na nga iisipin un dahil malabo pa sa malabo mangyari yun. Masaya naman kami ni Kuya kahit na si Mommy lang kasama namin.
Mabuti nalang at may kaya ang pamilya ni Mommy kaya nakakasurvive kami. Pinahawakan sa kanya ni Nanay ung isa sa family business nila. Kaya ayun. Full-time pa din si Mommy sa pag-aalaga sa amin dahil kahit kapag wala na kami sa bahay saka nalang siya pupunta sa store. Malakas naman kumita kaya buhay na buhay kami. Kaya din siguro malakas ang loob ni Mommy na huwag tanggapin ung sustento ni Daddy kasi alam niya na kayang kaya niya kami buhayin. Bilib ako kay Mommy at un ang gusto ko mamana sa kanya. Ang lakas ng loob niya.
"Kuya kain na." Anyaya ko pagkababa ng Kuya ko.
"O Jere, baka na naman paghintayin mo na naman yang kapatid mo ha. Mamaya mapano yan. Iba na ang mga tao sa panahon ngayon. Ultimo mga bata eh pinagsasamantalahan. Ang ganda ganda pa naman ng baby ko." Sabay kurot sa pisngi ko ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Lovestruck (Book one: Completed)
RomansaHearts don't have eyes, ears nor mouth. No one can tell you what is right or wrong. You just have to listen to its every beat. Because simply, heart don't lie.