"H-ha? What are you talking about?" Sabi ko pagkatapos ng pag-iwas sa kanya.
"Ang sabi ko nasundo ka ba ng kuya mo kahapon.." Paguulit niya.
"Are you talking to me? Sorry ha, ngayon palang kita nakita. Kaya nakakataka bakit mo ako tinanong ng ganyan?"
"Gusto mong ikwento ko kung bakit?" Tanong niya na halata ang panunuya.
"Ha! Whatever!"
"Class, I will be your adviser as well as your Trigonometry teacher. One week din hindi naging maayos ang schedule naming faculty dahil nga sa pag shushuffle ng students so we're sorry dahil nasayang ang one week nyo. Dahil ok na ang lahat let's start our lecture." Pagputol ni Ma'am sa napipintong pagkapahiya ko.
Nakinig nalang ako buong oras sa klase ni Ma'am Chua pero hindi ako masyadong makapag focus kasi napapansin ko na ung katabi ko e panay ang tingin tapos ngingisi sakin. Ano bang problema neto? E ano kung ako ung kahapon? What's the big deal?
"So..." Sabi niya pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am.
"So? So , so mo mukha mo. Ano ba problema mo?" Inis na sabi ko.
"Ambastos mo naman! Wag ganun." Nakangisi niyang sabi.
Grabe ang ganda ng ngipin niya ha! Sobrang pantay pantay naman. Nahiya naman ako bigla sa ngipin kong nakabrace.
"Huh? anong bastos dun?!"
"E sabi mo kasi---"
"Hep!" Tinakpan ko ang bibig niya. Sabay alis din kasi naramdaman ko ung labi niya sa palad ko. Para akong nakuryente. Pero inalis ko din sa isip ko pagkaalis ng kamay ko sa bibig niya. Mamaya ano ang isipin ng kaklase ko kapag binanggit niya un. Nagets ko naman ung gusto niya sabihin.
"Iwwww Yuck!" Sabi ko ng pinupunas ang palad ko sa palda ko. Tawa naman siya ng tawa. Infairness naman, ang gwapo pala niya. Ang cute niya tumawa. Natural na natural. Walang halong papogi. Ha? ano ba tong iniisip ko? Nababaliw na ata ako.
"Hi Jaei? I'm Lexi Anne. You may call me Lex or Anne or kahit ano gusto mo." Singit ng kaklase namin na katabi niya.
Eto na naman tong babae na toh. Ang harot mo talaga!
Hindi pinansin ni Jaei si Lexi. Tumingin ulit siya sa akin. Beh! Buti nga ang landi mo kasi!
"Andyan na si Sir!" Sigaw ng kaklase ko. At ganun pa din. Lingon pa din siya ng lingon sa akin. Pagkalabas ni Sir ako naman ang nagsalita.
"Ano ba problema ha? Alam mo kung wala kang balak makinig at mag-aral pwede ba tigilan mo pagtingin tingin mo dyan? Hindi ako makapagconcentrate sayo, My God!" Pagalit pero medyo pabulong kong sinabi sa kanya. Baka meron makarinig eh. Sabihin close kami.
"Bakit affected ka?" Naramdaman ko bigla ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya. Oo nga naman! Bakit ba affected ako?
"O namumula ka. Pwede ko na gamitin yang muka mo pangkulay sa buhok ni Sakuragi."
Hay grabe ang lakas mang-asar neto! Kung umbagan ko na kaya toh?
"Excuse me, Who told you na affected ako?"
"Action speaks louder than words." Maikling sabi niya.
Dumating na ulit ang teacher namin sa next subject. Ang masaklap may activity agad dahil nga one week daw nalate ang lectures.
Badtrip! Kasalanan ba namin un? Bakit pati kami damay? Eto kasing mga basagulero na toh eh!
Pagkasabi ko sa isip ko nun nilingon ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sakin. Ngumiti siya na kita ang buong ipin. May dimples pala ang loko! Inirapan ko naman siya pagkatapos taasan ng kilay.
BINABASA MO ANG
Lovestruck (Book one: Completed)
RomanceHearts don't have eyes, ears nor mouth. No one can tell you what is right or wrong. You just have to listen to its every beat. Because simply, heart don't lie.