Isang gabi.
Habang ako'y nahihimbing sa aking pagtulog 'ay may naramdaman akong kakaiba.
Na para bang may nakatitig sa aking isang pares ng mata.
Ngunit ng aking tignan.
Wala naman akong nakita kundi purong kadiliman sa paligid, sa kadahilanang mahimbing pang natutulog si haring araw sa kanyang kaharian.
Ipinikit ko nang muli ang aking mga mata. At pinilit ang sariling matulog na.
Pangalawang gabi.
Di ko na mawari ang nadarama.
Ang kakaibang pakiramdam, parang lalo pang lumala.
Pinipilit ang sarili na ito'y isawalang bahala.
Ngunit kahit anong pilit, di padin mawala.
Ang kaba na baka sa muli kong pag pikit at pag mulat ng mata...
kasama ko na pala sya.
Pangatlong gabi.
Biglang nawala ang pangamba.
At ako'y nakatulog na nga.
Nung una'y nag aalinlangan pa, pero may pumipilit.
Na para bang ako'y kanyang pinapakalma.
At akoy nadadala...
hanggang sa akoy nakatulog na nga.
BINABASA MO ANG
Pervert Ghost
FantasyAng lahat ng ito ay gawa gawa lamang ng aking imahinasyon kaya wag pong kuwestyonin ang mga pangyayare sa kwentong ito. haha. enjoy reading 😘😘