Chptr2

12 0 0
                                    

Pagmulat nang muli ng aking mata isang makisig na binata ang aking nakita.

Napawi ang kaba.

Napalitan ito ng kakaibang sensayon sa aking pandama, na tila ako'y kanyang inaakit.

Inaakit sa paraan ng pag titig nya.

Sinubukan kong hawakan ang kanyang mukha.

At dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang nakakaakit na mapupulang labi.

Parang nasa ilalim ako ng kanyang hipnotismo na sa lahat ng naisin at gustuhin nya ay gagawin ko para sa kanya.

Unti unting gumagalaw ang mga kamay nya pataas sa aking tyan papunta sa aking dibdib.

Di ako makahinga sa kiliting aking nadarama.

Yakap ko na ang kanyang mukha at para bang inuutusan nya akong halikan sya ng biglang~~~~

"Sweathart!!! Gising na beautiful girl. At ikaw ay malelate nanaman sa iyong pupuntahan." Wahhhh!!! Ayon na yun e.

"Yayah!!! Nakakainis ka naman e!! Naandun na ako sa rurok ng kaligayahan!!! Bakit mo naman ako ginising.. huhuhuhuhuhu" pagmamaktol ko kay Yaya Paning.

"Ayy sweathart di ko naman alam na yung dreamboy mo nanaman pala yang napanaginipan mo kaya hinahalikan yang unan mo." Eh?! Talaga?! Yak! "Sweathart di ba sabi mo kahapon ganito." Kinuha nya ang bag ko at lumabas sa pinto at isinara yun. Maya maya binuksan nya ulit. "Yaya tomorrow, wake me up early, ha? Need ko makipag meet dun sa guy na marunong mag paint--" di ko na pinatapos si yaya sa pag gaya sa akin. Dahil di nya kayang banggitin yung accent ko. Hahahah.

"Thanks yaya! Your the best talaga! Buti pina alala mo. Muah muah muah!" Kiniss ko ang magkabilang pisngi ni yaya. "Maliligo na po ako." Pumasok na agad ako sa bathroom which is nasa loob lang din ng kwarto ko. "Ayy wetitit yaya! Mag bihis nadin po pala kayo. Hahatid ko po kayo pauwi. Rest day nyo po ngayon diba?"

"Sweathart talaga. Wag kana mag abala. Susunduin ako ng apo ko mamaya. Kaya okay na ako ruon sweathart."

"Pero yaya!!"

"Sabi nga ng mommy mo sweathart. 'No buts, darling." Kuhang kuha ni yaya Paning ang ekspresyon ng mukha ni mommy pag nagagalit sakin. Hahaha

"Yaya naman e. Ginagaya mo nanaman si mommy. Hahaha. Sige po yaya. Ingat po kayo sa pag uwi nyo ha. Love you po yaya Paning." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"O tama na. Di na ako makahinga. Hahaha. Love ka din ni yaya Paning Monica." Niyakap nya din ako pabalik.

"Naman e! Jacky nga kasi yaya. Masyadong girly ang Monica." At sabay kaming tumawang dalawa.

"Kung nandirito lang sana yung apo kong sa Jeff-Jeff sigurado akong bagay na bagay kayo nun sweathart."

"Yaya naman e! Anebe." Nagpapabebe ako kasi bobolahin nanaman ako ni yaya e. Pero naco'curious na ako kung sino yung apo ni yaya na si Jeff-Jeff kasi the last time na pumunta ako sa kanila nung nagreunyon ang buong angkan nila. Wala namlang akong nalaman sa kanya. Nagtanong tanong ako ayaw naman nila mag salita at ang pinaka maganda. Wala manlang si yayang picture nya.

"O bakit sweathart? Maganda at mabait ka. Sya pogi at mabait din. Bagay na bagay talaga kayo." Dugtong pa ni yaya. Sa pag kakaalala ko sa kwento ni yaya dati e naaksidente daw ang buong mag anak nila habang nag babakasyon dito sa probisya. Balita ko wala namang napahamak. Bukod lang dun kay Jeff-Jeff na di na natagpuan pagkatapos ng aksidenting yun.

Kahit na taga maynila sila yearly bumabalik balik padin ang mag anak ni yaya dito sa province para mag sindi ng candles for him. "Namimis ko na ang apo ko na yun. Alam mo ba yun Monica?" Niyakap ko nalang si yaya para di na sya malungkot pa.

"Kung nasaan man po sya ngayon yaya. Alam kong masaya na sya. Kaya wag na po kayong malungkot po ha. Promise nyo po sakin yun." Tanging pagtango nalang ang ginawang pagsagot ni yaya. Maya maya ay may nag doorbell kaya tumayo si yaya para sana tignan kung sino yun pero inunahan ko na sya. "Ako na po." Pagkabukas ko ng pinto, yung apo lang pala ni yaya. "Yaya Paning nandyan na po si Kuya Lenard hinihintay kayo sa labas." Tawag ko kay yaya.

"Hi Ms. Jacky? Kamusta ka na po pala?" Bati sakin ni kuya Lenard. Si kuya ay may pagka moreno at may makisig na pangangatawan.

"Ayos lang naman po ako. Pasok po muna kayo. Kukuha lang po ako ng juice sa kusina." Pag yayaya ko sa kanyang pumasok.

"Nako hindi na po. Galing po ako sa bukirin. Baka mag kalat lang po ako diyan sa loob." Di naman madumi ang paa nya a?

"Sige na po. Dito nyo na po hintayin si yaya sa loob ng di na po kayo mainitan dyan sa labas." Pagpupumilit ko sa kanya. At di sya pweding tumangge dahil di ako mag papatalo. Hahaha

"Haha wala pari po pala kayong pinag bago makulit padin po pala kayo."

"Well talagang ganyan lang po talaga." Nang makapasok na sya ay pumunta na ako sa kusina. Sandali? Sino nag timpla nitong juice? Napatingin ako sa kwarto ko. Naandun padin naman si yaya paning so sino mag titimpla neto? Ahm? Bahala na nga. Baka si yaya lang gumawaneto kanina. Haha

"Ito po kuya Lenard."

"Salamat po Ms. Jacky." Pag katapos ay uminom na nga sya.

"Maiwan ko po muna kayo. Dito nyo nalang po hintayin si yaya. Nagpapaganda pa po kasi sya sa kwarto." Biro ko kay kuya.

Pagkatapos kong maligo. Nagbihis agad ako. Nag suklay at nag madaling lumabas.

"Sweathart mauna na kami ng apo ko ha." Lumapit sakin si yaya at nagbless ako. "Oh sweathart magsasara ng pinto at mga bintana pag dumilim na. Pag may kumatok ng hating gabi ayy wag na wag magbubukas ng pinto ha. Madaming masasamang loob dyan sa tabi tabi. Mabuti na ang nag iingat. At ang iyong mommy at daddy ay sa makalawa pa ang balik. Siguro ako'y babalik rin bukas ng umaga at ako ang makikita mo pag mulat ng iyong mata. Ang maganda mong yaya." Haha

"Opo. Tatandaan ko po lahat ng paalala nyo. Mag iingat po kayo sa pag uwi." Niyakap ko ulit si yaya at hinatid sila sa labas ng gate ng bahay. "Mag ingat po kayo ni lola sa pag uwi kuya Lenard."

"Sige po Ms. Jacky salamat sa juice."

"Nako walang ano man po." At kumaway na ako sa kanila habang silay papalayo na ng papalayo. Pagkasarado ko ng gate ayy napabuntong hininga ako. "So ano na gagawin ko ngayon?" Tanong ko sa sarili.

Pagkapasok ko sa pinto ng bahay ay sinarado ko kaagad iyon ng mabuti at lahat ng bintana na bukas ay isinara ko na. Pag katapos ayy nagkulong na ako mag isa sa aking kwarto. So, ito nanaman ako.

Kinuha ko ang earphone ko at ang cellphone. Makikinig nalang ako ng paborito kong musika. Habang natugtug nag huhumm lang ako... hangang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pervert GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon