THIRTY-EIGHT

1.2K 42 3
                                    

Lindsay Navarez

16 minutes ago

Ang sakit ng puson kooo. Kagabi pa 'to, eh! 😭😭 Bakit kasi kelangan ko pang maging babae? HAHAHAHAHAHAHA.

Gusto ko pa naman gumala. Sayang 'yong weekend ko!

Andrei Uzzea, Claudine Pangilinan, and 14 others like this

Claudine Pangilinan : Aww, bading ka pala ngayon, Linds? 😂

Andrei Uzzea : Magpahinga ka nalang, okay? 'Wag mo pating sisihin ang pagiging babae mo. Paano naman ako kung naging lalaki ka?

   | Lindsay Navarez : Ewan ko sa'yo Andrei! 'Pag nawala 'yong sakit, gagala ako mamaya. Hahahaha!

   | Andrei Uzzea : Gusto mo ulit ng chocolates?

   | Lindsay Navarez : 'Wag na! Andami pang natira sa dala mo kagabi, eh.

   | Andrei Uzzea : Okay, okay.

Cara Morales : Mamahagi naman, andadamot n'yo, eh!

Nestle Morales : Kapag nililigawan ang pinsan namin, dapat pati kami binibigyan. Hahaha.

   | Claudine Pangilinan : Ate, pumunta si Andrei kina Lindsay kagabi, ano? 😂😂 Hindi sila nagkukwento sa atin. Hahaha.

   | Cara Morales : May padala-dala na ng chocolates, eh. Nanliligaw na siguro. Hahaha!

--

Andrei Uzzea

1:24 PM

Andrei : You fine now?

Medyo, hindi na masyadong masakit.

Why?

Andrei : Let's go out.

Halaaa.

Nakakahiya. Hahahaha.

Andrei : Nahihiya ka pa rin ba sa akin?

Medyo. Hehe. 'Wag mo kasi akong titigan lagi! Naiilang ako, eh!

Andrei : I can't help it. Ang ganda mo kasi.

Andrei : So, tara?

Seen, 1:29 PM

Bolero ka na din? Haha.

Hmm. Magmomotor tayo? 😂

Andrei : Yeah. Pero ako ang magddrive.

Ayaw ko na pala sumama sa'yo.

Andrei : Tsk. Next time na lang baby, okay? Pero sa ngayon, ako muna magddrive.

Okeh.

Saan ba tayo?

Seen, 1:33 PM

Andrei : Sa amin.

😱😱😱😱😱

Anong gagawin natin doon?

Bata pa ako Andrei! Hindi mo pa nga ako nililigawan, eh!

Andrei : Damn. Haha!

Andrei : Wala naman tayong ibang gagawin. Isa pa, andoon sina Mommy at Daddy. For sure matutuwa rin si Andrea 'pag nakita ka n'ya.

Nakakahiya sa parents mooo.

Seen, 1:36 PM

Andrei : Don't be shy. At oo nga pala.

Andrei : Kung may gagawin man tayo, matagal-tagal pa 'yon. Kapag kasal na tayo. Nanliligaw na ako sa'yo, hindi pa ba halata?

Aba! Malay ko ba! Sabi mo dati hihintayin mo muna akong maging ready, eh!

'Di ko tuloy alam na nanliligaw ka pala!

Andrei : Hindi ko na kailangang ipaalam sa'yo na manliligaw ako. Ipaparamdam ko nalang. Hindi ko na mahintay na maging ready ka, baby, eh.

*Speechless* HAHAHA.

Nasaan si Ate Abby?

Andrei : Wala s'ya. Nasa QC. Sa isang araw pa ang balik.

Haaay. Okay. Anong isusuot ko?

Andrei : You can wear whatever you want.

Seen, 1:39 PM

Wooow, pwede shorts?

Andrei : Yeah. Sa amin lang naman tayo. At least hindi ko na kailangang magworry dahil sa dami ng taong nakatingin sa'yo dahil sa suot mo.

Okay, okay.

Andrei : Magprepare ka na, baby. I'll be there at half past 2.

Okay, mag-ingat ka, hmm?

Don't forget to wear your helmet.

'Wag bilisan ang pagddrive.

Take care. 😘😘

Andrei : Yes, baby.

--


11:23 PM

Ang saya kausap ng parents mo, hahaha. Ang jolly nila! 'Di ko inexpect na sobra nila akong iwewelcome. It was nice meeting your family! 😘

11:30 PM

Uy, Andrei, please take care. Sabi ko naman kasi sa'yo magcocommute nalang ako, eh.

Please take care.

12:30 AM

Hindi ako mapakali! Nagddrive ka pa ba? 1 hour na, ah? Ang tagal naman yata?

1:00 AM

I'm waiting for you.

Andrei, please, talk to me.

1:52 AM

Kinakabahan na ako!

Andrei Uzzea!

2:42 AM

Wtf Andrei! Anong oras na!

Sabi mo magchachat ka kaagad sa akin 'pag nakauwi ka na!

😭😭😭

--

Bakit hindi nagmemessage at nagrereply si Andrei kay Lindsay?

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon