BAWAL BITTER DITO KAHIT WALA KAMING JOWA
8:11 PM
Claudine : Thanks sa time n'yo, mga mahal!
Edge : Mga mahal?
Claudine : Oo, walakampake. 😂😂
Nag-enjoy ako, pati 'yong t'yan ko. Haha!
Kahit kung saan saan tayo nagpunta, hindi ko naramdaman 'yong pagod ko.
Cara : Pa'no mo mararamdaman 'yong pagod, eh, maghapon kayong naglalandian ni Andrei! Masyado kayong nagpi-PDA!
Seen by everyone, 8:13 PM
Grabe ka! Hindi naman PDA 'yon!
Andrea : Yieee, hindi kayo naghihiwalay ni Kuya Andrei, eh. Tapos holding hands pa kayo. Hahaha!
Andrei : Mahirap na, baka makawala. Haha.
Edge : Dude, ikaw pa talaga 'yong clingy, eh, ano? Hahaha.
@Edge Miranda, thank you! Pasabi rin sa daddy mo na salamat sa pagpapahiram ng car n'ya sa atin.
Edge : No problem, Lindsay.
Cara : Sinong butas ang bulsa? 😂😂
Nestle : Wala sa planong manlilibre kami ni Abby. KKB ang huling usapan dati, eh. Hahaha! Nadali n'yo kami do'n, ah.
Sorry, Ate! 😂
Razen : Nabusog ako masyado.
Abby : Sa dami ba naman ng kinain n'yo, imposibleng hindi kayo mabusog! Masarap ba kumain 'pag libre?
Cara : Yes! Okay lang na butas ang bulsa n'yo ni Ate Nestle, may work naman kayo. Studyante palang kaming lahat, eh. Hahaha.
Nestle : Oo na, Cara! Baka may sabihin ka na namang hindi magandang pakinggan. 😂😂
Andrei : I miss you, baby, @Lindsay Navarez.
Huuuy, kakahiwa-hiwalay lang natin, walang pang 1 hour, Andrei.
Andrei : Miss na kita agad.
Hahaha. Ewan ko sa'yo. Nakakahiya sa kanilaaa. GC 'to! Waaah.
Andrei : Haha. Ang cute ng girlfriend ko.
Andrei! Ano baaa.
Andrei : I love you, baby.
Tsk.
I love you, too.
Claudine : Ano?! Tapos na kayo?! Hanggang dito ba naman, naglalandian pa rin kayo?!
Cara : Gusto ko na talagang i-remove 'tong dalawang ito sa GC! Hindi kinakaya ng cute kong sikmura ang pinagsasasabi nila!
Ang dami mo na namang nasabi, Ate Cara. Hahaha! Walang cute sa sikmura mo!
Razen : Kaya nga, maisingit lang 'yong cute, eh. 😂😂
Abby : Ay? Ano 'to? Landian pa rin hanggang dito?
Abby : Yuck. Sobrang sweet.
Edge : Hahaha! Hindi ko alam kung anong iisipin at mararamdaman ko. Maya't maya ang batuhan ng I love you nitong dalawa, eh.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
ChickLitLindsay never intended to tell Andrei, her long time crush, about her feelings towards him. But having fiddle-footed yet supportive cousins and bestfriend, she never thought she'll be able to confess to him through Truth or Dare. Will they ever be f...