TWENTY-FOUR

1.3K 52 2
                                    

Andrei Uzzea

8:02 AM

Andrei : Why are you wearing shorts?

Eh?

Bakit? Pwede naman 'to sa EK, ah!

Seen, 8:03 AM

Andrei : May dala ka bang extra shirt and pants?

Yeah. Shirt... and shorts, not pants.

Why?

Andrei : Magpalit ka pagdating natin doon. Borrow pants from Andrea.

Eh? Okay naman ako sa shorts. Comfortable naman 'tong isuot.

Saka 'di kami magka-size ni Andrea!

Andrei : Borrow from Claudine.

Shorts din ang dala n'yan.

Andrei : May dalang leggings si Andrea. Marami 'yang dinalang extra kaya parang maglalayas sa daming dala.

Andrei : Stretchable 'yon, diba?

Wow, biruin mong alam ng isang Andrei Uzzea ang leggings? Hahaha.

Pero 'di ako magpapalit.

Andrei : Madaming tao d'on. Hindi safe para sa inyong mga babae na sumakay ng rides na ganyan ang suot, masisilipan kayo.

Don't worry. Hindi ko papabayaan ang sarili ko. Hahaha. Wala pating mangangahas na gawin sa akin 'yon. Itsura kong 'to? Hahaha. Malabo.

Andrei : Tsk. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?

😝😝

Andrei : Tsk.

Matutulog muna ako, nahihilo na ako kakagamit ng cellphone. Hahaha. Gisingin mo nalang kami pag malapit na tayo. Thank youuu.

Kausapin mo naman si Edge d'yan sa tabi mo. Hahaha!

Tutulog muna akooo.

Seen, 8:10 AM

5:46 PM

Andrei : Stick-o! Ang tagal mong magbihis!

Andrei : Hoy! Lumabas ka na dyan sa restroom!

Seen, 5:50 PM

Andrei : Damn.

Chill! Ang dami kayang tao dito! Saka bakit ba ikaw ang naghihintay sa akin?

Nasaan sina Claud?

Andrei : Nauna na sila. Sasakay daw ulit sila sa Rio Grande. Uulit pa kaya mga hindi muna nagbihis. Magra-rides daw muna ulit, para isang bihisan nalang.

Hala!

Eh, ikaw? Bakit 'di ka sumama sa kanila?

Andrei : Tsk. Bilisan mo na lang dyan. Pinagtitinginan na ako dito.

Halaaa. Nag-aayos pa kasi ako. Basang basa ako, eh.

Hindi na ako magra-rides, nasusuka at nahihilo na ako.

Sumunod ka na sa kanila. Baka gusto mo pa magrides.

Andrei : Nah. I'm damn tired. Just make it fast and lumabas ka na dyan.

Okaaay. Wait. 3 minutes. 🙂

Seen, 5:56 PM

--

Edge Miranda

7:24 PM

Edge : Dude, where are you? Kasama mo ba si Lindsay?

Rialto.

Yeah, kasama ko.

Edge : Ohoy!

Edge : Date ba 'yan? 😉😂

Seen, 7:28 PM

Kasama mo 'yong dalwa nina Claudine at Andrea?

Edge : Yeah. Wala yatang kapaguran 'tong mga 'to, eh.

Nasaan ba kayo?

Edge : Flying Fiesta ulit. Nagyaya dito 'yong magaling mong kapatid! Pang-tatlong beses na namin dito!

Nakapila kayo?

Edge : Yeah. Kakain na kami after nito. Kayo ba ni Lindsay? Kumain na kayo?

Kakain na rin kami after manood ni Lindsay.

Edge : Hindi mo sinamahan sa loob si Lindsay? G*go!

G*go ka rin!

Sinamahan ko, malamang!

Hindi lang ako nanonood. Pambata.

Edge : Hindi ka nanonood, kasi si Lindsay ang pinapanood mo?

Tss. Anong magandang panoorin sa stick-o na 'to?

Parang bata kung makatawa.

Tuwang-tuwa 'pag may lumalabas na tubig galing sa kung saan man at 'pag gumagalaw 'yong inuupuan namin.

Edge : Hahaha. Dude, hindi mo pa pinapanood si Lindsay ng lagay na 'yan ah? 😂

Damn you!

'Wag mong gugutumin 'yang mga kasama mo. Lalo na si Andrea.

Edge : Segway pa, bro! Hahaha.

Edge : Sya, enjoy kayo ni Lindsay. 'Wag mo rin gutumin, may ulcer 'yan.

I know. I'll take care of her.

Magkita nalang tayo sa may bench sa may gate. Sa may exit.

Edge : Ohoy! "I'll take care of her"! 😏😏 Iba na yata 'yan, Andrei.

Seen, 7:37 PM

Edge : Hahaha. Sure.

Seen, 7:40 PM

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon