Cassie's POV
"Hoy tulala ka na naman diyan."sabi sakin ng bestfriend kong si Hadley sabay hampas sakin.
Tiningnan ko naman siya ng masama at ginantihan siya ng isang hampas din sa braso.
"Makahampas ka ah."banta ko dito sabay higa ko sa kama ko.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay at nakikichismis na naman tong magaling kong bestfriend.
Ako nga pala si Cassandra Louise Montinel. 18 years old and taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management at Austine University. Incoming Third year this school year which is 2 weeks from now.
"I was just thinking if bakit kaya hanggang ngayon wala pa akong boyfriend."dagdag ko pang sabi dito. Kung hindi ninyo kasi natatanong eh isa lang naman po akong dakilang Single simula nang ako'y magdalaga. Hindi ko nga alam kung bakit wala man lang nanliligaw sakin. Hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko pero maganda naman ako (wag umangal madaming nagsasabi), maganda rin naman ang hubog ng katawan ko, mabait, matalino, masipag at mayaman pero bakit Single pa rin ako?
"Nagtaka ka pa."paismid na sagot sakin ni Hadley. Habang kumakain ng paborito kong Blueberry Cheese Cake.
"Wow huh! Nahiya naman ako sayo sis."sagot ko naman sa kanya. Baliw na babae. Nakikikain na nga lang dito ng meryenda, ganun pa ang isasagot sakin. "Ipaluwa ko sayo yang kinakain mo eh."
"Oy grabe ka naman."nakapout nitong sabi. "Hindi pa naman kasi ako tapos magsalita eh."
"Paano naman kasi may manliligaw sayo kung laging nakabakod si Kuya Marc sayo?"paliwanag niya at sumubo ulit ng isa pa.
"How?"takang tanong ko naman sa kanya. Hindi ko naman kasi napapansin yung mga acts ni Kuya eh.
"Do you still remember Jake? Yung soccer player?"
Nag-isip naman muna ako bago ko siya sinagot. "Yeah?"patanong ko pang sagot.
"Binantaan yun ni Kuya Marc and yung mga iba pang gustong manligaw sayo."ngumuya niyang sabi. Napabangon naman ako bigla sa sinabi niya.
"Ano namang pagbabanta ang ginawa ni Kuya?"di makapaniwala kong tanong habang nanlaki ang mata ko.
Nagkibit balikat lang siya at sumubo pa ulit ng cake. Sa totoo lang paborito ko yan pero si Hadley lang lagi ang nakakaubos. Lagi niyang dahilan eh bisita ko naman daw siya kaya dapat lang daw na pakain ko siya. Ang kapal di ba? Kung hindi ko lang siya kaibigan iisipin ko na mahirap lang siya. Pero wag kayo huh. May-ari lang naman sina Hadley ng isa sa mga pinakasikat na Clothing line dito sa Pilipinas.
Nung hindi pa rin niya ako sinasagot ay tumayo na ako at biglang inagaw ang kinakain niya.
"Ay bastusan lang Bes? Kitang kumakain eh."reklamo pa nito sabay tangkang kukunin sakin yung cake. Inilayo ko naman agad sa kanya yun.
"Not until you tell me."
Mukhang wala narin naman siyang magawa kaya nagpout nalang siya sa harap ako.
"Stop pouting will you? It's disgusting."at lalo lamang itong nagpout. Ketanda na nanguso pa.
"Narinig ko lang na nabanggit yun ni Kuya Migz one time na napadaan ako dun sa kwarto niya. But hindi ko naman na narinig pa yung iba. So pwede mo na bang ibalik sakin yan?"dire-diretso niyang sabi sabay lahad ng kamay niya upang kunin yung cake.
Iniabot ko naman ito sa kanya ng nakasimangot.
"Bakit kaya hindi si Kuya Marc ang tanungin mo?"
"Narinig mo na rin naman pala bakit di mo pa pinakinggan lahat?"reklamo ko naman dito. Nakakainis naman kasi eh. Akala ko wala talagang gustong manligaw sakin yun naman pala may napigil lang. Tapos kung maka-asar sakin si Kuya na wala akong manliligaw. Argh. Yari talaga sakin yun pag-uwi niya.